You are on page 1of 1

PERALTA, VINCENT M.

3CE-3

Magsanay ka:

1. Sa sarili mong pangungusap, ipaliwanag ang limang hakbang na dapat isakatuparan sa ikauunlad
ng pananaliksik para sa mga Pilipino.

a. Magpansinan muna tayo bago magpapansin sa iba – bigyan ng kaukulang


suporta ang gawang Pilipino. Sa pagkilala nagsisimula ang pag-unlad
b. Magbuo ng pambansang arkibo ng mga pananaliksik – upang maging
epektibo ang pananaliksik nararapat na ito ay madaling nakakalap ng ating mga
mananaliksik.
c. Magdebelop ng mga katiwa-tiwalang translation software na libreng
magagamit para sa mga mass translations projects. – Bilang hindi naman na iba
ang Pilipino sa makakabagong teknolohiya, mas mapapadali kung mayroong
sariling tagapagsalin ang ating bansa.
d. Bigyang  prayoridad ang Filipinisasyon ng lalong mataas na edukasyon at ng
mga programang gradwado. – matitiyak na mabisang maipapalaganap ang
impormasyon sa ordinaryong Pilipino.
e. Atasan ang lahat ng mga unibersidad na magtayo ng departamento ng
Filipino at/o Araling Pilipinas. – ang mga kagawarang jto ang unang
maglilinang sa kakayahan ng mga mag aaral na maitaguyod ang wikang
pambansa sa sarili nilang larangan.
2.  Alin ang mas mahalaga, antas-makro o antas maykro sa pagpaplanong pangwika?
Pangatwiranan ang iyong sagot.

Bilang nagsisimula ang malalaking layunin sa maliliit na hakbang, mas mahalaga ang antas-
maykro sa pagpaplanong pangwika. Dahil ang aktwal na implementasyon ng mga patakaran sa
bawat unibersidad ay naipatutupad, mas mabisang matututuhan ng mga mag-aaral na isulong
ang wikang Filipino.

You might also like