You are on page 1of 1

ARALIN 2: WIKA AT LIPUNAN (BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA)

Sosyolingguwistikong Teorya – Ang wika ay isang panlipunang penomenon. Nagiging


makabuluhan lamang ang wika kung nakakonteksto ito sa loob ng lipunan. nakakabuo ng iba’t
ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil may iba’t ibang gawain, interes, papel, pananaw ang
bawat speech community.

Speech community – Pangkat ng mga taong gumagamit ng wika sa magkatulad na paraan at


nababatid ang mga patakaran at pamantayan sa paggamit ng wika.

Deficit Hypothesis (Basil Bernstein) - Nagkakaroon ng herarkiya o pagtinging di-pantay dahil sa


pagkakaiba-iba ng mga anyo ng wika (mataas-mababa, istandard/di-istandard, puro/di-puro).

Variability Concept (William Labov) - Natural na penomenon ang pagkakaiba-iba ng anyo at


pagkakaroon ng iba’t ibang barayti ng wika. Dapat tingnang pantay ang mga barayting ito.

Kaantasan ng wika:

 Balbal - “salitang kalye/kanto,” hindi istandard


 Kolokyal - impormal na salitang ginagamit sa pang-araw - araw na pakikipagtalastasan
 Panlalawigan - mga salita sa lalawigan o rehiyon
 Pambansa – mga salitang nauunawaan sa buong bansa
 Pampanitikan o pang-edukado – malalim na pamimilipino

Heterogenous o may iba’t ibang anyo ang wika batay sa heograpiya, katayuan sa lipunan,
okupasyon, edukasyon, relihiyon, atbp.

Dayalek - Uri ng wika ayon sa heyograpikal na salik. Maaaring magkaroon ng baryasyon dahil
sa tono ng pagsasalita, gamit ng salita, mismong kahulugan ng salita, o sa pagbubuo ng mga
pahayag (Tagalog-Cavite, Tagalog-Rizal, Tagalog-Bulacan)

Sosyolek – Uri ng wika ayon sa mga panlipunang kategorya:

 Okupasyon – Med Tech, Pharma, Eng’g, Advertising


 Edad – baby talk, tweeners, yuppies, gurangers
 Uri – coño speak, jejemon/jejespeak
 Kasarian – girl talk, bekimon, TNL

Idyolek - Personal na gamit ng wika ng bawat indibidwal (Hal. Mike Enriquez, Miriam
Santiago, Kris Aquino, Coco Martin)

Istandardisasyon - Totoong kailangan ng isang istandard na wika lalo na sa edukasyon at


gobyerno, ngunit paano nabubuo ang isang istandard? Kadalasan, ang barayti o ang wika ng may
kapangyarihan ang nangingibabaw at nagiging istandard.

You might also like