You are on page 1of 10

Pagsulat ng Balita

Katuturan
Ang balita ay napapanahon at makatotohanang ulat ng mga pangyayaring naganap na, nagaganap at magaganap pa lamang.

Ito ay maaaring maibahagi sa pamamaraang pasalita, pasulat at pampaningin.

 Pasalita. Kung ang ginagawang midyum ay ang radio at telebisyon.


 Pasulat. Kung ito ay ipinalimbag sa pahayagan at iba pang uri ng babasahin.
 Pampaningin. Kung ang midyum ay ang telebisyon at sine.

Kahalagahan ng Balita

1. Nagbibigay-impormasyon
Halimbawa:
Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo,
ayon sa isang bagong pag-aaral.

2. Nagtuturo
Halimbawa:
Ang relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang stress at mapapanatili ang magandang kalusugan.

3. Lumilibang
Halimbawa:
Siyempre naman, nag-aalala ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si Gladys Reyes sa Presscon ng My Only Love. Nakakaloka ang pusa dahil
gumawa ito ng sariling eksena para mapansin niya.

4. Nakapagpapabago
Halimbawa:
Matapos na masangkot sa anomaly ang mga pulis ng Manila Police District Station Anti-Illegal Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang
pagbalasa sa II police station ng Manila Police District (MPD).
Mga Katangian ng Balita

 Kawastuhan. Ang mga datos ay inilahad nang walang labis, walang kulang.
 Katimbangan. Inilahad ang mga datos na walang kinikilingan sa alinmang panig ng sangkot.
 Makatotohanan. Ang mga impormasyon ay tunay at aktuwal at hindi gawa-gawa lamang.
 Kaiklian. Ang mga datos ay inilahad nang diretsahan, hindi maligoy.

Mga Sangkap ng Balita

Ang isang balita ay magiging balita lamang kung ito ay nakakapukaw ng interes ng mga tagapakinig o mambabasa. Kaya maaaring sabihing ang anumang
kaganapan na balita para sa isa ay hindi balita para sa iba.

 Kapanahunan. Ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang nangyari ngunit ngayon lamang natuklasan.
 Kalapitan. Mas interisado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang nangyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malalayong lugar.
 Kabantagon. Tumutukoy sa pagiging prominente o sa pagiging kilala ng taong sangkot sa pangyayari.
 Kakatwahan o kaibahan. Mga pangyayaring ‘di karaniwan tulad halimbawa ng isang tao na nangagat ng aso o ng isang hayopna dalawa ang ulo.
 Tunggalian. Ito ay tumutukoy hindi lamang sa labang ng tao laban sa kapwa tao, maaari itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa
kaniyang sarili.
 Makataong kawilihan. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa iba’t ibang uri ng emosyon ng tao : pagibig, poot, simpatiya, inggit, at iba
pa.
 Romansa at Pakikipagsapalaran. Tinatalakay ditto hindi lamang ang buhay pag-ibig ng isang tao katulad ng ng mga artista kundi ang pakikipagsapalaran
din ng mga ordinaryong tao tulad ng pagliligtas ng batang si Rona Mahilum sa kaniyang mga kaptid sa nasusunog nilang bahay.
 Pagbabago at Kaunlaran. Anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad ng pagpapatayo ng mga
bagong gusali, mga kalsada, pamilihang bayan at iba pa.
 Bilang o Estadistika. Halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta ng eleksyon at iba pa.
 Pangalan. Tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga nakapasa sa mga board examinations.
 Hayop. Halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippines Eagle mula sa itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
 Kalamidad. Kapag nagkaroon ng malakas na bagyo, lindol, pag-putok ng bulkan at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.
Mga Uri ng Balita

A. Ayon sa istilo ng pagkalahad ng datos

1. Tuwirang Balita. Diretsahan ang pagkahanay ng mga datos at ginagamitan ng kombensyonal o kabuurang pamatnubay.
2. Pabalitang Lathalain. Hindi diretsahan ang paglalahad ng datos at ginagamitan ng makabagong pamatnubay.

B. Ayon sa lugar na pinangyarihan

1. Lokal na Balita. Kung ang kinasasaklawan ng pangyayari ay sa pamayanang kinabibilangan o tinitirhan ng tagapakinig o mambabasa.
a. Pambarangay
b. Panlalawigan
c. Pambayan
d. Panrehiyon
e. Panlunsod
f. Pambansa

2. Balitang Pang-ibang bansa

C. Ayon sa Nilalaman

 Pang-agham at teknolohiya
 Pangkaunlarang Komunikasyon
 Pang-isports o pampalakasan

D. Ayon sa pinagbabatayan o pinagkunan

1. Batay sa aksyon. Ang manunulat/mambabalita ay naroon mismo sa lugar na pinangyarihan ng aksyon o pangyayari.
2. Batay sa Tala. Kung ang pinagbabatayan ng balita ay mga talang nakalap mula sa talaan ng pulisya, ospital at iba pang ahensya.
3. Batay sa Talumpati. Kung ang pinagkukunan ng datos ang talumpati ng mga kilalang tao.
4. Batay sa pakikipanayam. Kung ang mga datos ay nalikom sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga taong sangkot o may alam sa pangyayari.
E. Ayon sa pagkakaayos o pagkakaanyo sa pahina

1. Balitang may iisang tala. Tumatalakay sa iisang pangyayari lamang.


2. May maraming talang itinampok. Naglalahad ng higit sa isang pangyayari na naganap sa iisang araw at halos magkaparehong oras.
3. Balitang Kinipil. Balitang pinaikli nalamang dahil sa kawalan ng espasyo.
4. Dagliang Balita. Pahabol na balita na dahil kawalan ng espasyo ay nilagyan na lamang ng salitang flash at kasunod nito ang isang linya o talatang
nilalaman.

5. Balitang Pangkatnig. Maikling balita na isinulat ng hiwalay ngunit kaagapay sa kaugnay na pangunahing balita.
6. Bulitin. Habol at karagdagan sa mahalagang balita at inilagay sa pangmukhang pahina na nakakahon at nasa tipong margin.

F. Ayon sa pagkakalahad ng nilalaman

1. Balitang pamukaw-kawilihan. Karaniwang maiikling balita tungkol sa tao, bagay, hayop na umaantig sa damdamin ng mambabasa.
2. Balitang nagpapakahulugan. Nagpapaunawa sa mambabasa tungkol sa dahilan, saligan, katauhan, katauhan ng mga pangunahing sangkot at
kahalagahan ng isang pangyayari.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Balita

Pagsulat ng ulo ng balita

Katuturan
Ang pamagat ng isang balita na nagtataglay ng lalong malaking titik kaysa teksto o katawan nito.

Gamit ng mga Ulo ng Balita

1. Upang lagumin ang balita (To summarize the story)


2. Upang pagandahin ang pahina (To make the page attractive)
3. Upang bigyang antas ang bawat balita (To grade the news)
Mga Uri ng Ulo ng Balita

1. Banner (Banner Headline) – ulo ng pinakamahalagang balita na nagtataglay ng pinakamalaking titik at pinakaitim na tipo.
2. Bandereta (Streamer) – isang baner na tumatawid sa buong pahina .
3. Baynder (Binder) – isang ulo ng balita na tumatawid sa buong pahina na nasa itaas ng panloob na pahina.
4. Kubyerta (Deck, Bank, Readout or Drophead) – pangalawang ulo ng bahagi pa rin ng baner na nagtataglay ng lalong maliit na titik at
naiibang tipo sa unang ulo.
5. Payong (Umbrella or Skyline) – tanging pangalan sa bandereta na nasa itaas ng pangalan ng pahayagan (Nameplate) na pumapayong sa
lahat.
6. Sabhed (Subhead) – isang maikling pamagat na ginagamit upang mabigyang ang mahabang istorya ng break o putting ispasyo (white space)
upang hindi pagsawaan ang pagbabasa.
7. Taglayn (Tagline), Tiser (Teaser), o Kiker (Kicker) – binubuo ng isang maikling linya na inilalagay sa itaas ng pinakaulo sa bandang kaliwa nito
o sentro. Ito rin ay nagtataglay ng maliit na tipo at sinalungguhitan. Ginagamit ito pang-akit sa bumabasa at ito’y isang salita o parirala
lamang kung ang taglayn ay mas malaki kaysa ulo ng bahagi.
8. Nakakahong Ulo (Boxed Head) – ulo ng balita na kinulong sa mga guhit para maipakita ang kahalagahan.
9. Talon-ulo (Jump Head) – ulo ng jump story na nasa ibang pahina.

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Istilo (According to Style)

1. Malalaking Titik
2. Malaki-Maliit na Titik
3. Pababang Istilo

Uri ng Ulo ng Balita Ayon sa Anyo (According to Structure)

1. Pantay-Kaliwa (Flush Left) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na pantay ang pagkakahanay sa kaliwang baybayin. Ang kabaliktaran nito
ay ang ‘Pantay-Kanan” (Flush Right)
2. Draplayn (Dropline or Step Form) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na ang unang linya ay pantay kaliwa at ang bawat kasunod na linya
ay inurong pakanan.
3. Bitin-Pantay (Hanging Indention) – binubuo ng maraming linya ang unang linya ay pantay kaliwa, at ang dalawa o tatlong magkakapantay na
linya ay inuring pakanan.
4. Baligtad na Piramide o Tagilo (Inverted Pyramid) – binubuo ng dalawa o higit pang linya na paikli ang haba, na ang huli at pinakamaikling
linya ay nakasentro.
5. Kroslayn o Barlayn (Crossline or Barline) – binubuo ng isang linya lamang na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum.
6. Plaslayn (Flushline or Full Line) – Dalawa o higit pang magkasinghabang linya na umaabot sa kaliwa at kanang mardyin.
Mga Tuntuning Tradisyunal sa Pagsulat ng Ulo ng Balita

1. Iwasan ang magdikit-dikit na titik o salita.


Hal. ArawangMakakaisangBansa,ipinagdiwang
2. Iwasan ang madadalang na titik.
Hal. O p e r a t i o n L i n i s S i n i m u l a n
3. Iwasan ang ulong walang pandiwa.
Hal. Limang guro sa Seminar
4. Iwasan ang ulong pang-etika.
Hal. Linggo ng Wika
5. Iwasan ang pag-uulit ng salita o ideya sa ulong may higit ng isang kubyerta.
Hal. Mali- Aklasan sa UST, nalutas
Nagsipag aklas, bumalik
Tama- Aklasan sa UST, nalutas
guro, kawani nagsibalik
6. Huwag gagamit ng pangalan maliban kung ang tao’y tanyag o kilalang kilala.
7. Maging tiyak, iwasan ang masaklaw na pagpapahayag
8. Iwasan ang opinion sa balita. Ibigay ang tunay na pangyayari
9. Lagyan ng pandiwa ang bawat ulo, lantad man o tago
10. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa
11. Gumamit ng mabisa at nakakatawag-pansing pandiwa

Pag-aanyo ng Pahina
Ang pag-aanyo ng pahina ay ang kaayusan ng mga larawan at mga iba’t ibang lathalain sa pahina upang maging kaakit-akit at kawili-wiling tunghayan ito.

Kahalagahan ng Pag-aanyo

1. Upang pagandahin ang pahina.


2. Upang bigyang anta sang bawat salita.
3. Upang magkaroon ang pahayagan ng sariling personalidad.

Pamamaraan ng Pag-aanyo

1. Sa pamamagitan ng pag-aayos ng ulo at teksto ng balita.


2. Sa pamamagitan ng pag-aayos ng larawan at ibang ilustrasyon.
Uri ng Pag-aayos o Pag-aanyo
(Ayon sa Ulo at Teksto ng balita)

1. Timbang na kaanyuan
- Lumang paraan ng pag-aanyo. Ang isang malaking ulo ng balita sa gawaing kanan ng pahina ay tinitimbang ng isa ring malaking ulo sa
katapat ng gawing kaliwa.
2. Bai-baitang na kaanyuan
- Nasa bai-baitang na ayos ng parang isang suhay ng bahay, pakanan o pakaliwa. Mainam ang paggamit nito kung ang isang balita ay
lubhang napakahalaga kaysa ibang mga balita.
3. Bali-baling kolum
- Ang pahina ay pinaghatihati sa maraming maiikling bahagi upang magkaroon ng ispasyo para sa maraming maiikling balita.
4. Natatago o Di-karaniwan
- Magkalayo ang malalaking ulo pati na ang kanilang teksto, at ng mga larawan o ilustrasyon.
5. Kaayusang Sirkus
- Magulong kaanyuan. Nagpapahiwatig ito ng paghi-himagsik sa dating kaanyuang may timbang. Malalaki t maraming uri ng tipo ang
ginagamit sa pag-uulo ng balita. Walang kaayusan ang mga larawan, teksto na para bagang nagpapaligsahan ang mga ito sa pagtawag
ng pansin.

Uri ng Pag-aayos o Pag-aanyo


(Ayon sa Larawan)

1. Ayos X
2. Ayos Paliko
3. Ayos L
4. Ayos J
5. Ayos Payong

Patnubay sa Pag-aanyo ng Panloob na Pahina

1. Ituring na ang magkaharap na pahina (facing pages) halimbawa ang Pahina 2 at pahina 3, ay iisang pahina lamang. Iayos at ianyo ito parang hindi
magkahiwalay.
2. Ang News page at ang Editorial page ay nagtataglay ng kaanyuang pormal. Ginagamit dito ang mga panlalaking tipo (masculine type) tulad ng roman at
boldface para sa teksto at hindi ang pahilis (italics).
3. Ang pahinang panglathalain at ang pahinang pampanitikan ay mag kaanyuang di-pormal. Ginagamit dito ang mga pambabaeng tipo (feminine type).
4. Pahinang Sports
a. Lalaking-lalaki (very masculine) buhay na buhay.
b. Nagtataglay ng aksiyon, bilis at kulay.
c. Malalaki at maiitim na tipo
d. Nakakahon ang mga iskor, tabulasyon at istatistika.
e. Mga larawang may aksiyon (action pictures)

Mga simulaing dapat sundin sa Pag-aanyo

1. Kaisahan (Unity)
 Paglalapit ng mga balita at larawang magkakaugnay.
 Magkaharap na mga pahina ay dapat may kaugnayan sa isa’t isa.
 Iwasan ang paglamang ng isang pahina sa kaharap na pahina.
 Iwasan din ang labis na paglamang sa paningin ng larawan sa tekstong kaugnayan nito.

2. Timbang (Balance)
 Ang paraang ito ay tulad ng see-saw, na kung malapit sa gitna ay mabigat, ang malayo sa gitna ay nagiging magaan sa mata.
 Ang larawan ay dapat timbang sa paningin; di dapat mabigat sa iisang panig lamang.
 Pag-timbangin ang larawan sa kapwa larawan; ang isang larawan sa isang nakakahong balita; o ang isang larawan sa isang balitang may ulong tatlong
kolum ang sukat na may malalaking tipo.

3. Diin (Emphasis)
 Ang kahalagahan ng isang balita ang magbabadya:
 Kung saang pahina ito ilalagay,
 O kung saang bahagi ng pahina ito iaayos
 At kung anong istilo at laki ng tipo ang gagamitin.

4. Kilos o Galaw (movement)


Walang galaw sa timbang na kaayusan. Sa natatagong timbang na kaanyuan, ang paningin ay nagsisimula sa isang bahagi ng pahina patungo sa bahaging
may higit na kahalagahan.

5. Proporsyon
 Dapat maging proporsiyunal ang laki ng larawan sa haba ng teksto at ang laki ng ulo sa kahalagahan ng balita.
 Hangga’t maaari, iwasan ang pagputol ng balita upang ituloy sa ibang pahina (jump story).
6. Pagkakaiba o Kontras
Nagbibigay ng kaakit-akit na anyo ang Kontras.
 Iwasan ang nagbubungguang ulo (tombstoning or bumping heads), kung saan ang dalawang ulo ng balita na may magkakatulad at magkasinlaking tipo ay
pinagtabi sa isang hanay.
 Labag din sa kontras ang pagkuha ng larawan sa may pondong puti (white background) kung puti rin ang kasuotan (no contrast).

Pagbubuo ng Patnugutan
Mga Bahagi ng Pahayagang Pampaaralan

Pangalan ng Pahayagan
 Ito ang nagtataglay ng pagkakakilanlan ng isang Pahayagan

Larawan
 Ito ang nagpapatunay sa isang pangyayari na nakikita sa loob at labas ng pahayagan.

Pangalan ng Sumulat
 Ito ang nagtataglay ng pangalan ng sumulat ng balita. Maari itong ilagay pagkatapos ng ulo ng balita o pagkatapos ng balita.

Ulo ng Balita
 Ito ang mga pangunahing pamagat ng pinakamainit at pinakamahalagang balita na naganap. Nasusulat ito sa tipong malalaki.

Tainga ng Balita
 Maaaring mayroon o wala nito ang pahayagang pampaaralan. Matatagpuan ito sa gilid na itaas na bahagi ng pangalan ng pahayagan sa kanan o kaliwang
bahagi o parehong sa kanan o kaliwa.

Payong
 Matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng pahayagan, sa itaas ng pangalan ng pahayagan.
Pahina ng Editoryal o Pangulong Tudling

Ang mga balita sa pahayagan ay nakapanghihikayat sa patnugutan upang bigyan-puna o opinion ang mga balita. Ang mga ito ay isinasama sa pahina ng
editoryal.

 Folio – matatagpuan ito sa itaas na bahagi ng pahina na may petsa ng pagkakalimbag at pangalan ng pahayagan. Ito rin ay matatagpuan sa iba pang
pahina ng pahayagan.
 Patnugutan – ito ay nakakahong pangalan ng mga kasapi ng patnugutan. Nagtataglay ito ng logo ng pahayagan, pangalan ng tagapayo, superbisor at
punung-guro ng paaralan.
 Editoryal – ito ang kabuuang komentaryo ng patnugutan na pinagtalunan at tinalakay at pinahalahang mga paksa. Ito rin ang paninindigan ng pahayagan
tungkol sa mahahalagang isyu.
 Tudling pang-editoryal – ito ang opinyon ng nakatakdang kolumnista. May layunin itong bumatikos, pumuna, magturo, manlibang o magpahalaga.
 Kartung Pang-editoryal – ito ay larawang-guhit ng isang Kartunista na may kinalaman sa pagksang tinatalakay at may layuning kaparis din ng tudling
pang-editoryal.
 Mga Liham sa Patnugot – mga puna o opinyon ng mga mambabasa hinggil sa iba’t ibang isyu.

Pahina ng Lathalain
Tinatalakay dito ang mga artikulong kapaki-pakinabang sa mambabasa na maaaring makapagdagdag-kaalaman, makapagturo o makapagbago sa tao o
maging daan ng panlibang.

Lathalaing Panlibang
Maaaring taglayin nito ang palaisipan, larong pang-isipan, mga kwentong nakakatawa, komiks, palabas sa pelikula at iba pa.

Lathalaing Pang-agham
Mga artikulong nahihinggil sa agham o siyensya gaya ng mga baong imbensyon, gamut, medisina, at kalusugan.

Lathalaing Pampanitikan
Nakapaloob dito ang mga tula, maikling kwento, sanaysay, dula, haiku, impresyon, pabula at iba pa.

Natatanging Lathalain
Nahihinggil sa pagtatampok ng kabayanihan, kakaibang karanasan o kapangyarihan na kawili-wiling basahin

Pahina ng Isports
Inuuri ang mga artikulong isports gaya ng balitang pampalakasan, editoryal na hinggil sa isport, lathalaing pang-isport at panlibangan.

You might also like