You are on page 1of 5

Title : Ang Paglalakbay ni Bambi, Ang Munting Bubuyog

Story by : Group 2 ( 9 – Mencius )

MGA TAUHAN SA KWENTO AT ANG MGA GAGANAP

Narrator : Jacob E. Santos


Bambi (Bubuyog) : Gladys L. Makig-angay

Pasha (Paru-paro) : Kim Kylie R. Bundalian

Cara (Uod): Alexies S. Arcales


Alice (Palaka): Airish Lei D. Cruz

Mickey (Daga): Jay Danielle V. Sanchez


Mga Magulang ni Bambi: Hanphil T. You at Jade Amber R. Botero
Ali (Alitaptap): Alexies S. Arcales

Jacob:
Sa isang malayang nayon, may isang puno kung saan namumugad ang mga bubuyog sa isang
bahay-pukyutan, isa roon si Bambi. Si Bambi ay isang masayahin ngunit may kakulangan sa
katalinuhan, siya rin ang panganay sa tatlong magkakapatid. Ang kanilang mga magulang ang
siyang nagtatrabaho upang sila'y mabuhay ngunit isang araw ang kanilang mga magulang ay
nadisgrasya at hindi na sila pansamantalang makakapag trabaho kaya't si Bambi ang pumalit
sa kanila sa pabrika ng pulot (honey factory) kahit hindi niya naman ito ginusto Subalit ang
trabaho na ito ay hindi para kay Bambi siya'y nahirapan sapagkat ang paggawa ng pulot ay
komplikado para sa kaniyang makitid na pag iisip.

Naisipan niyang maglakbay upang humanap ng trabaho kaya't siya'y nagpaalam sa kaniyang
pamilya at tumuloy na sa paglalakbay. Sa unang lugar na kaniyang napuntahan ay
nakasalamuha niya ang isang paru-paro na naglilibot sa isang hardin ng mga bulaklak,
naghahanap ng makakain. lumapit si bambi at nagpakilala, sumagot ang maunting paru-paro,
"ako naman si pasha paru-paro"

Kylie : Ano ang iyong ginagawa rito munting bubuyog?


Gladys : Ah… Gusto ko kasing makahanap ng trabaho,kaya naisipan kong maglakad-lakad
upang makahanap
Kylie : Hmmm… Bakit ka naman naghahanap ng trabaho? Anong nangyari?

Jacob:
At pagkatapos na nagkwentuhan sila nabanggit ni Bambi kay Pasha Paru-paro ang buhay nito.

Gladys : Nagkaproblema kasi sa aking pamilya kaya kailangan ko talagang makahanap ng


trabaho upang makatulong.
Jacob:
At naisipan ni Pasha Paru-paro na tumulong at nakaisip ito ng paraan kaya binigyan niya ito
ng isang munting trabaho.

Kylie : Ah ganun ba, may trabaho akong nais i-alok sa’yo, kung iyon ay ayon sa kagustuhan
mo lamang.

Jacob:
Tinanggap ni Bambi ang trabahong inialok sa kanya dahil alam niyang kailangan niya ito.

Gladys: Sige! Ano ba iyon? Kailangan na kailangan ko iyan!

Jacob:
Masayang nag-umpisa sa pagta-trabaho si Bambi, ngunit sa mga lumipas na araw ay biglang
nagkaroon ng malaking isyu sa kanyang trabaho.

Makalipas ng Isang Linggo

Kylie : Bambi ano ba naman yan! Palagi mo nalang nahuhulog ang mga bulaklak!!
Gladys: Pasensya na Pasha, nagpapawis kasi ung mga kamay ko.. Pasensya na talaga..
Kylie : Pag nakahulog ka pa ng isang bulaklak.. Wala akong magagawa kundi palitan ka..

Makalipas ng Dalawang Araw

Gladys : (nakahulog ng madaming bulaklak)


Kylie : Bambi!! Ano nanaman yan???!!! Bambi wala na talaga akong magagawa.. Binigayan na
kita ng pagkakataon ngunit ganyan ang iyong ipinakita saakin.. Bambi, simula ngayon ikaw ay
tanggal na sa trabaho.

Jacob:
Makalipas ang ilang araw ay natanggal si Bambi sa trabaho, desperado na si bambi na
makakita ng mapagtatrabahuaan upang matustusan nya ang kanyang mga pangangailangan..

Gladys : (Maluha-luha) Saan kaya ako makakahanap ng bagong trabaho..??


Alexies : Bambi!! Kumusta kana?
Gladys : Okay lang.. Ikaw?
Alexies : Okay naman din.
Gladys : Pwede mo ba akong tulungang maghanap ng trabaho?
Alexies : Bakit? Anong nangyari?

Jacob:
At kinuwento niya ang probelama ng kanyang pamilya.

ALITAPTAP: Sige, tutulungan kita!


Jacob:
At tinulungan siya ng kanyang kaibigan na pwede niyang mapapagtrabahuhan. Inabot sila ng
ilang araw silang naghanap ngunit sila’y nabigo sa kadahilanan na kulang sa katalinuhan si
Bambi at nag-apply siya ngunit hindi kuwalipikado para sa trabahong iyon.

Gladys: Ano ba naman yan.. Ba’t wala tayong makitang trabaho?


Alexies : Hindi ko nga rin alam eh, nakailang ikot narin tayo…

Narinig ni Cara ang paguusap ng dalawa kung kaya’t lumapit ito.

Alexies : Kumusta kayo mga kaibigan.. Narinig ko ang inyong pag uusap.. Nais ko sanang
tumulong... Mayroon akong alam na maaari kang makapag-apply kahit wala kang masyadong
karanasan sa pagtatrabaho.
Alexies: Nakapag adjust kana ba sa iyong bagong trabaho, Bambi?
BAMBI: Opo Ma’am
CATERPILLAR: Mahusay!! Pagbutihin mo pa nang sa gayon ikaw ay ma-promote..

Makalipas na Apat na araw ng pagtatrabaho, ginawa ni Bambi ang kanyang makakaya upang
hindi maalis sa trabaho.. Isang araw sa trabaho ni Bambi, siya ay nakakita ng isang garapon
ng pulot at ininom ito.. Nakita ito ni Cara at pinagalitan si Bambi dahil ang pulot na iyon ay
para dapat sa kanilang superbisor

Alexies: ANO BANG GINAGAWA MO BAMBI?!?!


Gladys: P-p-pasensya na po, hindi ko po sinasadya...
Alexies: ANONG PASENSYA PASENSYA!!! HINDI MO BA ALAM NA PARA SA SUPERBISOR
NATIN IYAN!!! ALAM MO NAMAN NA PABORITO NYA ITO PERO BAKIT MO ININOM!!
Gladys: Pasensya na po talaga, hindi ko po napigilan...
CATERPILLAR : HINDI KITA MAPAPATAWAD, HUWAG KA NANG BABALIK DITO KAHIT KAILAN
AT WAG KANANG MAGPAPAKITA RITO! HINDI KA NABABAGAY DITO SA KOMPANYANG ITO!!

Jacob:
Bilang parusa kay Bambi, sya ay natanggal sa kanyang trabaho. Naging malungkot si Bambi
sa balitang iyon at nagsisi sa kanyang nagawa. Nakita ng daga na si Mickey na nagdurusa si
Bambi sa isang puno at kaniyang kinausap.

Jay: Bakit ka malungkot munting bubuyog, ano ang iyong problema?

Jacob:
Naglahad ng kaniyang problema si Bambi at sinabing natanggal ito sa kanyang mga naging
trabaho.

Jay: Kung gayon naman, may trabaho ako na alam para sa iyo. Oh eto, ang numero ng aking
telepono. Kung ikaw ay handa na, tawagan mo lang ako.

Jacob:
Tinanggap ni Bambi ang card sa pagtawag nito. Makalipas ang ilang araw tinawagan na nga ni
Bambi ang numero ni Mickey. Nagring na ang kanyang telepono.
BAMBI: "Hello, eto po ba ang opisina ni Ginoong Mickey?" Sumagot ang kausap nito at
sinabing….

Jay: Oo eto nga ang opisina ko.

Jacob:
Nag-usap ang dalawa at si Bambi ay handa nang pumasok sa trabahong inalok ni Mickey sa
kanya at nagpunta na sa sinabing lokasyon ng kanyang pagtatrabahuan. Dumating na nga si
Bambi sa kanyang patutunguhan. Pumasok na nga ito at nagulat sa kanyang nakita. Naloko si
Bambi ni Mickey, patuloy niya itong tinatawagan, ngunit hindi na ito sumasagot. Isa
nanamang malungkot na araw ang naraanan ni Bambi.

Biglang umulan ng malakas at hindi makalipad dahil sa maulan. Sumilong ito sa isang kabute
at tinabihan ito ng isang palaka at ginulat ito.

Airish : KOKAKK!! Anong ginagawa mo rito? Bakit walang bahid ng kasiyahan ang iyong
mukha? Ako si Alice. Wag kang magalala, hindi kita kakainin katulad ng ibang palaka.

Jacob:
Gayunpaman, nilahad na ni Bambi ang kanyang mga naging karanasan kaya ito malungkot.

Airish : Haaayyyy... Maswerte ka at buti nalang ay nakilala kita. Ako'y may sakit na at uubo-
ubo na kung kumokak at maglakbay pa tuwing tag-ulan. Iniwan na ako ng aking mga kamag-
anak at tanging ang kompanya ko na lamang ang itinuturing kong pamilya. Ayon sa iyong mga
naging karanasan ay tiyak may mas magandang oportunidad na naghihintay sa iyo...

Jacob:
Patuloy na nagkwento ang palaka at nakikinig lamang si Bambi sa mga payo nito. Habang
tumatagal, pahina na ng pahina ang buhos ng ulan.

Airish : Kapag ikaw ay handa na munting Bambi, puntahan mo lamang ako rito. Kaya mo yan
magtiwala ka sa iyong sarili. Oh munting bubuyog tumila na ang ulan maaari ka nang umuwi
ng ligtas, tiyak na uulan nanaman kinabukasan ayon sa aking pandama.

Jacob:
Kinabukasan, gaya nga ng sabi ni Alice na sya ay pwedeng pwede sa kompanya nito.
Nagdadalawang isip si Bambi na magkakamali ulit sya dahil sa kanyang mga karanasan.

Gladys: "Kaya ko ito, tiwala lang!!"

Jacob:
Nagtungo nga ito gaya ng sinabi ni Alice ay pumunta lamang sya sa kabuteng iyon. Umulan na
nga at sumulpot na ang matandang palaka.
Airish: KOKAK!! Mukhang handa ka na munting Bambi, masaya ako at kahit papaano ay
tumatag kana pagkatapos ng maraming suliranin sa iyong trabaho. Halika na at isasama kita
sa aking kompanya."

Jacob:
Nilibot na nga ni Mang Freddie si Bambi sa buong kompanya. Namangha ito sa kanyang mga
nakita.

Gladys: "Wow ang laki naman dito!!"

Jacob:
Hiyaw ni Bambi habang ito ay nageecho sa buong gusali. Natawa si Alice dito.

Airish : Oh, pwede kana mag-umpisa ngayon.

Jacob:
Nagsimula na nga itong magtrabaho sa Froger Company. Habang tumatagal ay humuhusay si
Bambi sa pagtatrabaho, na-promote sa mas mataas na ranggo bilang isang Secretary ni Alice
sa kanilang kompanya. Makalipas ang ilang buwan, humihina na ang pangangatawan ni Alice,
pinatawag nito si Bambi sa opisina at nag-usap.

Airish : "Bambi... Mukhang hindi ko na kayang mabuhay pa sa ibabaw ng mundo. Nanghihina


na ako at maysakit na. Habang tumatagal, nakikita ko na lalo kang gumagaling at tiyak ko na
mas lalo kang bagay sa posisyon na mayroon ako. Alagaan mong mabuti ang kompanyang ito
dahil ito lang ang aking naging pamilya, at maging ikaw rin ay napapabilang na rito at
tinuturing mo naring pamilya. Sana pagbutihin mo pa lalo pati narin ang pagsisilbi rito bilang
(umubo) b-bagong... may-ari nito.... hanggang sa muli munting Bambi...

Jacob:
Naiyak si Bambi dahil sa pagkamatay ni Alice, na syang nagbigay-daan sa kanyang pag-angat
sa buhay. Makalipas ang ilang taon, ang Froger Company ay umuusbong nang paunti-unti at
tumatanggap ng mga tauhan, mga trabahador na binigyang diskriminasyon katulad ng
nangyari kay Bambi ay kanyang hinihikayat na magtrabaho upang magbigay daan sa
panibagong buhay na mayroon ang mga nakatira roon at naghahanap buhay.
At namuhay sila ng maligaya magpakailanman.

You might also like