You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHAN: MGA GABAY SA PAG-UULAT NG PANGKAT

MODYUL 1: PARABULA- ANG TALINGHAGA TUNGKOL SA MAY-ARI NG UBASAN

UNANG ARAW- PANGKAT 1

1. Energizer: Maghanda ng letra ng salitang PARABULA sa hiwa-hiwalay na bond paper. Gawing


dalawang kopya para sa dalawang pangkat na maglalaro ( babae vs. lalaki). Maghanda ng mga
salitang ipabubuo sa pamamagitan ng mga titik ng salitang PARABULA. (mga 8 salita ang ihanda)

Halimbawa:

nilikha ng sabon-------BULA

2. Trivia sa mga bansa sa Kanlurang Asya. (Ilista kasama ang mga kabisera) maglahad ng ilang
impormasyon sa mga bansang ito. Gawing masigla ang gagawing paglalahad

3. Pagpapakita ng pangkat ng kanilang iginuhit na bagay na mahalaga sa kanila at kung bakit ito
pinahahalagahan(nasa notbuk ninyo may iskor na 10)

IKALAWANG ARAW- PANGKAT 2

1. Energizer- Awit na “Tanging Yaman” ni Carol Banawa (bahala ang pangkat kung paano nila ito
gustong ipakita/iparinig)

2. Pagsasadula ng pangkat ng “Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan” Mateo 20:1-16

3. Paglinang ng Talasalitaan (yun nasa notbuk ninyo- ihanda ang visual at posibleng sagot)

IKATLONG ARAW- PANGKAT 3

1. Pagpapakita ng talento ng dalawang mag-aaral sa pangkat

2. Pagsasagawa ng Sa Antas ng Iyong Pag-unawa ( pagpapasagot/ pagsagot sa mga tanong)

3. Pagbuo ng Natutuhan ko (nasa notbuk ninyo - ihanda ang visual aid)

4. Pagsasadula ng Parabula ng Banga

IKAAPAT NA ARAW

1. Energizer- pamamagitan ng Gibberish- pagsasama ng mga bigkas ng mga salita para


makabuo ng iba pang salita- Tagalog ( mga 8-10 na halimbawa- ihanda ang visual)

Halimbawa:

Mob-boo-hi-----mabuhay

Come-mat-tease----kamatis

2. Paglalahad ng kahulugan ng pagpapakahulugang metaporikal o simbolikong kahulugan at mga


halimbawa

3. Pagsagot sa Ano ang Ibig Sabihin Nito (nasa notbuk- ihanda ang visual at posibleng sagot)

4. Pagsagot/pagpapasagot sa Ikonek Mo (nasa notbuk ninyo- ihanda ang visual at posibleng sagot)

You might also like