You are on page 1of 5

January 6, 2023 Classroom Activities

Grade 7 (1:00 – 1:40)


1. Check the assignment. Answers below.
(1) HT
(2) HT
(3) HT
(4) HT
(5) HT
(6) T
(7) HT
(8) HT
(9) T
(10) HT
2. Reminder: Long test sa Filipino on January 12.
3. Warm up: Sa whiteboard ang mga estudyante ay paramihan ng maisusulat ng alam nilang
tourist spots sa bansa.
4. Ipaliwanag: Ang turismo ang isa sa mga bumubuhay sa ekonomiya ng ating bansa sapagkat
marami sa mga Pilipino ang nakapaghahanap buhay dahil dito. Bunga nito, ang ating
pamahalaan ay naglalaan taon-taon ng pondo upang maitaguyod at maisulong ang
industriyang panturismo ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga patalastas o
proyektong panturismo, naipakikilala o naipakikita ang kagandahang taglay ng ating mga
likas na yaman, gayundin, naipababatid na rin mga produkto, kultura, pasyalan, tanawin o
iba pang makabuluhang bagay na makatutulong sa pag-angat ng turismo sa ating mga
rehiyon.
5. Ang mga estudyante ay ipapaliwanag ang mga halimbawa ng proyektong panturismo
a. Slogan
b. Poster
c. Patalastas
d. Travel brochure
e. Blog/vlog
6. Performance task: Ang mga estudyante ay gagawa ng poster para sa Paru-paro Festival ng
Dasmarinas City, Cavite (40 points)

Grade 10 (1:40 – 2:20)


1. Seatwork: Isulat ang salitang tama o mali ang mga sumusunod na pangungusap (1-5).
Tukuyin ang binabanggit (6-10).
(1) Ang mga epiko ay tungkol sa mga totoong pangyayari sa buhay na hindi kinabibilangan
ng mga pangyayaring kathang-isip lamang. (Mali3)
(2) Ang mga tauhan sa epiko ay sumasalamin sa tradisyon ng mga tao. (Tama)
(3) Nagtataglay ang mga tauhan sa epiko ng pambihirang lakas. (Mali-pangunahing tauhan)
(4) Ipinapakita ng tauhan sa epiko ang kabutihan ng mga tao. (Mali)
(5) Ang epiko ay sumasalamin sa tradisyon at paniniwala ng lipunan sa panahon na ito’y
nasulat. (Tama)
(6) Ang epiko ni Gilgamesh ay mula sa bansang_______? (Mesopotamia)
(7) Si _________ ang demonyo ng kagubatan na pinatay ni Gilgamesh at Enkido (Humbaba)
(8) Si Gilgamesh ay ang hari sa kaharian ng _______ (Uruk).
(9) Malungkot na sinabi ni Enkido na siya ay mamamatay ng______ (kahiya-hiya).
(10) Nagpatayo si Gilgamesh ng ________ bilang pag-alala sa kaniyang kaibigang si
Enkido. (estatwa)
2. Gawain – Kunin at markahan ang ginawang performance task ng klase para epiko ni
Gilgamesh.
3. Warm up: Isulat ang mga salitang korona, bulaklak, at araw sa pisara at tanungin ang mga
estudyante kung ano ang literal at simbolikong kahulugan ng mga salita.
4. Mga tanong sa warm up
a. Saan mo ibinatay ang ibinigay mong mga literal na kahulugan ng larawan?
b. Sa iyong palagay, bakit nagkakaroon ng iba pang kahulugan ang mga ipinahahayag ng
mga larawan maging ng mga salita?
5. Ipaliwanag: Sa panitikan ang manunulat ay sabay na gumagamit ng literal at simbolikong
kahulugan ng mga salita upang mas lalong mapayaman at mapaganda ang isang akda.
Ngayong araw pag-aaralan natin ang isang style ng simbolikong pagsusulat na tinatawag na
allegory.
6. Graded recitation/Seatwork (5 points) – Ang mga estudyante ay magbibigay ng paliwanag
sa kanilang pagkaka-intindi sa allegory. Sila ay may 2 minuto para maghanda at
makakakuha ng 5 points at 3 points depende sa kanilang paliwanag.
7. Performance task – Bigyan ng simbolikong pagpapakahulugan ang mga sumusunod. (10
points)
a. Gilgamesh
b. Humbaba
c. Kalangitan
d. Estatwa
e. Panaginip
8. Reminder: Long test sa Filipino on January 12.
Grade 8 (2:20 – 3:00)
1. Review/Seatwork: Isulat ang O kung ang pahayag ay opinion at K kung ito ay katotohanan.
(1) Ayon sa datos, marami ang nawalan ng trabaho dahil sa virus. (K)
(2) Siya pa rin ang iboboto ko dahil magaling siya. (O)
(3) Kumbinsido akong malapit nang matapos ang pandemya. (O)
(4) Lumobo ang utang ng bansa sa 11 trilyon sa pagtatapos ng buwan ng Agosto, taong
kasalukuyan. (K)
(5) Nasa 40,000 na mahigit ang namatay sa COVID-19 ngayong Nobyember 21. (K)
(6) Ang COVID-19 ay nakahahawang virus na nakaaapekto sa sistemang respiratori ng
tinatamaan nito. (K)
(7) Pinapayagan na ang booster shots ng bakuna lalo na para sa mga manggagawang
pangkalusugan ng bansa. (K)
(8) Para sa akin ay masuwerte pa rin kami at walang namatay sa aming pamilya. (O)
(9) Ipinagpapalagay kong masaya naman ang mga magulang sa lagay ng sistema ng
edukasyon ngayon. (O)
(10) Masasabi kong marami pang kahaharaping hamon ang gobyerno bago tuluyang
mawakasan ang pandemya. (O)
2. Warm-up: Ipa-open ang slide 2 at itanong ang mga sumusunod.
(a) Ano ang nasa retrato?
(b) Ano ang sinisimbolo nito?
(c) Ipaliwanag: Ang wedding ring ay hindi lamang isang bagay na sinusuot sa ating mga
kamay. Ito din ay pagpapakahulugan na kung ang isang babae at lalake ay nagpakasal at
nag-suot ng wedding ring ito nagpapakita sa mundo na sila ay nagsumpaang
magmamahalan at magtutulungan pang habang-buhay sa isa’t-isa. Ngayong araw ating
pag-aaralan ang iba pang dimension ng pagpapakahulugan ang simbolo at pahiwatig.
3. Performance task: Representasyon collage (20 points for 10 minutes)
a. Hatiin ang klase sa 2 pangkat.
b. Pagawain ang mga estudyante ng isang Representation Collage kung saan guguhit ang
mga estudyante ng mga bagay na may kahulugan sa konsepto na kanilang napili.
c. Bawat isang estudyante sa grupo ay dapat na may naguhit na representasyon.
d. Mga bagay na maaaring itakda sa bawat pangkat: Kasipagan, Kayamanan, Kadakilaan,
Katatagan, Kalakasan
e. Sa likod ng kanilang collage ay isusulat kung anong uri ng pagpapakahulugan
(denotatibo o konotatibo) ang kaning nagawa at bakit. (5 points)
f. Bawat miyembro ay ipapaliwanag ang naguhit na representasyon at sasabihin ang
dahilan kung bakit ito ang napili nilang simbolo ng konsepto at ano ang pinapahiwatig
nito tungkol sa konsepto.
4. Reminders (1) Assignment due date Jan. 9 to be posted on the Grade 8 messenger group
chat. (2) Long test sa Filipino on Jan. 12

Grade 9 (3:40 – 4: 20)


1. Review/Seatwork: Isulat ang salitang Tama kung tama ang pahayag at Mali naman kung ito
ay mali (10 minutes only). Distribute seatwork
(1) Ang panghihikayat ay gawaing naglalayong makapagpakilala o makapagbago ng
paniniwala ng isang tao. (Tama)
(2) Isinasagawa ang panghihikayat sa pamamagitan ng pagpapatotoo, pagbibigay ng
pangako, at paglalatag ng katotohanan. (Tama)
(3) Ang mga ekspresyon ng panghihikayat ay ginagamit upang timplahin ang lakas ng mga
pahayag. (Mali)
(4) Dapat tandaan na kailangang maging malinaw sa layunin ng panghihikayat. (Tama)
(5) Kailangang samahan ng ekseheradong emosyon upang maging epektibo sa paghihikayat.
(Mali)
(6) Maaaring di angkop ang pamamaraan at layunin sa panghihikayat. (Mali)
(7) Gawing nakahahalina ang paraan ng pagpapahayag kung kinakailangan. (Tama)
(8) Mahalaga rin sa panghihikayat ang pakikinig. (Tama)
(9) Mas mahalaga ang nilalaman ng argumento sa panghihikayat kaysa sa pamamaraan
nito. (Mali)
(10) Ang tumpak, mali, at sigurado ay mga halimbawa ng ekspresyon sa panghihikayat.
(Mali)
2. Gawain 1: Gumawa ng malaking Venn Diagram sa Whiteboard at ipasulat sa mga
estudyante ang pagkaka-iba at pagkakatulad ng tanka at haiku.
3. Gawain 2: Isulat ang halimbawa ng tanka at haiku sa whiteboard.
a. Ano ang halimbawa ng tanka? Haiku?
b. Paano malalaman ang pagkakaiba? (sa number ng linya o taludtod)
4. Ipaliwanag ang mga sumusunod:
a. May tiyak na sukat ang tanka at haiku. Ipinahahayag sa limitadong bilang ng mga pantig
ang mensahe at matinding damdaming nais ipahayag ng manunulat sa mga mambabasa.
b. Ang haiku ant tanka ay uri ng panitikan ng mga Hapon na sumasalamin sa kanilang
kultura. Ang mga piling-piling salita ay nagpapakita ng matinding disiplina ng mga
Hapon.
c. Kalikasan at pag-ibig ang karaniwang paksa ng mga haiku at tanka ng mga Hapon.
Pinapakita sa kanilang mga tula ang kanilang pagpapahalaga sa kalikasan at ang pag-ibig
naman ang nagpapakita ng unibersal na damdamin na pinapahayag sa matimping
pamamaraan.
5. Performance task: Sa likod ng kanilang mga papel susulat ang mga estudyante ng tanka at
haiku tungkol sa pag-ibig o kalikasan. (20 points)

You might also like