You are on page 1of 3

FILIPINO 8

(Agosto 24, 26 2021)


I. Mga Layunin

 Nahihinuha ang kugalian at kalagayang panlipunan ng lugar na pinagmulan ng


kuwentong-bayan;
 Nasusuri ang mga pangyayari, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon batay
sa napakinggang akda;
 Naitatalakay ang buhay ng mga Maranao;
 Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda;
at
 Naiuulat ang paglalarawan sa Maranao.

II. Nilalaman
Paksang Aralin:
Karunungang Bayan (pahina 4).
Sanggunian: Canlas., Tapang., Guerero III., Santos Ph.D, Cuano., Punla
Binagong Edisyon 2020. REX Printing Company, Inc. Quezon
City.
Kagamitan: Powerpoint Presentation, Laptop, at iba’t ibang larawan.

III. Pamamaraan
Panalangin
Pagtala ng mga lumiban at di-lumiban sa klase

Unang araw sa ikaunang Linggo (Agosto 24, 2022)


(Verbal Intelligence and Visual Intelligence)
A.) Paggalugad/Pakikilahok
Pagganyak:
Magbibigay ang guro ng mga halimbawa ng mga karunungnang bayan. Susubukang
mahulaan ng mga mag-aaral ang kahulugan ng mga ito.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan


Hindi makararating sa pinaroroonan,

korona ng hari
nasa ulo palagi

ang batang makulit,


napapalo sa puwit.

Pagkatapos, dadako ang guro sa pagtalakay kung ano ang hinuha nila ukol dito.

B. ) Paglalahad/Pagtalakay ng Paksa
Ano ang karunungang bayan?
 Mga pahayag galing sa ating mga ninuno na nagpapatalas sa ating isipan
 Pahayag o salita na may nakapaloob na kaisipan na dapat nating maisalarawan o
mabigyang kahulugan upang ito ay makatulong sa pagpapatalas sa ating isip.
Ang mga mag-aaral ay may karagdagang puntos na mapupunta sa kanilang pagsusulit kapag
nasagot nila ang kahulugan ng mga sumusunod na halimbawa sa karunungang bayan.

Salawikan
 Ito ay matatalinghagang pahayag na nagpapahayag ng mga aral na nagiging batayan sa
magandang pag-uugali.
 Karaniwang may itinatagong kahulugan
Halimbawa:
Nasa Diyos ang awa, Kung ano ang puno,
Nasa tao ag gawa. Siya ang bunga

Bugtong
 Ito ay karunungang bayan na karaniwang tugmaan.
 Ito ay pahayag na palaisipan at layuning ipasagot sa iba.
Halimbawa:
Nang bata pa ay apat ang paa. Nang lumaki ay dalawa. Nang tumanda ay tatlo na.
Sagot: Tao

Hakot dito, hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon.


Sagot: Langgam

Kasabihan
Fjnfnoangngaj

C. ) Pagpapalawig ng Paksa/Pagpapahalaga sa Natutunan


Gawain 1:
Gamit ang graphic organizer, magkakaroon ng maikling gawan ang mga mag-aaral batay
sa tinalakay na akda. Gamit ang kanilang aklat, kanilang sasagutan ang pahina 9.

D. ) Paglalahat/ Pagtatasa sa Natutunan


Magbabalik-tanaw ang guro tungkol sa natalakay na aralin bago tumungo sa pagtataya.
Nasasagot ang mga sumusunod na tanong:
 Ano ang karunungang bayan?
 Ano-ano ang anyo ng karunugang bayan?
 Magbigay ng isang halimbawa ng mga ito.

IV. Pagtataya
Tama o Mali:
Isulat ang tsek (✔) kung tama ang pahayag at ekis (X) kung mali ang pahayag.

____1. Ang bugtong ay pahayag na palaisipan at layuning ipasagot sa iba.


____2. Ang salawikain ay matatalinghagang pahayag na nagpapahayag ng mga aral na nagiging
batayan sa magandang pag-uugali.
____3. Ang karunungang bayan ay mga pahayag galing sa ating mga ninuno na nagpapatalas sa
ating isipan.
____4. Ang sawikan ay salita o grupo ng mga salitang patalinghaga na nagsasaad ng hindi
tuwirang paglalarawan sa isang bagay, kaganapan, sitwasyon o pangyayari.
____5. “Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa” ay isang halimbawa ng bugtong.
____6. “Hakot dito, hakot doon, kahit maliit ay ipon ng ipon” ay isang halimbawa ng salawikain.
____7. Bilang na ang araw ng matandang babae dahil sa kanyang sakit na kanser. Ito ay isang
malimbawa ng sawikain.
____8. Ako’y aklat ng panahon, binabago taun-taon. Ito ay isang halimbawa ng bugtong.
____9. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang malansang isda. Ito ay isang
halimbawa ng salawikain.
____10. Kung ano ang itinanim, Iyon din ang aanihin. Ito ay isang halimbawa ng sawikain.

V. Takdang Aralin
Manood ng mga programa sa telebisyon na may kabuluhang mensahe para sa indibidwal,
barangay o sa bansa. Tukuyin ang mensahe nito at gawan ng sarili mong bersyon ng salawikain o
kasabihan na maaaring maging isang islogan na sumasalamin din sa kultura at kalagayang
Pilipino sa kasalukuyan. Gawin ito sa isang buong papel (Short bond paper o oslo paper)
pagkatapos ay disenyohan at kulayan. Isulat ang inyong pangalan, baitang, at seksyon. Ipapasa ito
sa susunod na pagkikita sa Agosto 26, 2022.
Pamantayan:
Nabuong karunungang bayan/Mensahe 10
Kasiningan 5
Gramatika 5
20
Ikalawang Araw (Agosto 26, 2021)

Inihanda ni: Bb. Shaira Marie M. Rivera

You might also like