You are on page 1of 6

Casts

Aye - Legal

Trisha T. – Bff ni Aye

Niña - Bff ni Aye

Trisha - Kabit

Anna - Tsismosa #1

Irish – Tsismosa #2

Ericka – Driver/Narattor

Hannah – Reporter

Unang Pangyayari # 1 (Silid-Aralan)

Ericka/narrator: Isang araw, Pumasok si aye sa silid aralan, tila nakatulala at malungkot.
Umupo sya sa banko at nilapitan ng mga kaibigan.

Niña: Beh okay ka kang? (Pinaypaypayan si aye)

Aye: hindi beh (adlib)sasabihin ang problema sa kaniyang jowa.

Tilo: adlib ( tinitirintas si aye)

Niña: adlib (pinapaypayan si aye)

Ericka/narrator: Habang kwikwento ni Aye ang kanyang nobyo sa kaniyang mga kaibigan na
ilang araw syang hindi nirereplyan sa kanyang mga text at tawag, maya mayay nilapitan siya
ng kanyang iba pang mga kaklase, at ito ay nakiusyoso at may sinabing hindi inaasahan.

 
Anna: uyyy beh alam mo ba (adlib)

Irish: oo beh nakita namin siya (adlib)

Narrator: Habanag sila ay nag tsisismisan, pumasok ng silid aralan ang kanilang pinag
uusapan na si Trisha. Nanlilisik ang mata ni ayessa, at maya maya’y kinumpronta si trisha.

 Aye: hoy trisha!

Trisha: Bakit?

Aye: Totoo ba?

Trisha: Ang alin?

Aye: Yung sinasabi nila anna at irish na kabit ka daw ni cabungcal

Trisha: Ha? Pinagsasabi mo?

Aye: Sinabi sakin nila anna na nakita ka daw nilang kasama jowa ko na nakaholding hands sa
bayan.

(Tumignin si trisha kay anna na may galit na ekspresyon, lumapit si anna kasama si irish)

Trisha: Hoy anna! Ano yung pinagkakalat mo na nakaholding hands kami ni cabungcal ah.

Anna: Eh bakit totoo naman ah? Nakita namin kayo ni irish na nakaholding hands habang
papunta kayo sa bayan diba.

Irish: oo nakita namin kayo! Gusto mo pakita ko pa sayo yung picture. Sabay pakita cp oh
ayan oh.
Ipinakita ang picture na magka holding hands (Printed prop)

Trisha: Anong holding hands? Hindi ako yan.

Aye: Huwag ka na mag sinungaling trisha, magsabi ka na lang ng totoo, pagtapos ko maging
mabuting kaibigan sayo, tinutulungan pag may problema ka,  pinapakopya pag wala kang
assignment tas ganto ang igaganti mo sakin, grabe ka trisha.

Adlib, gumagamit ng eskpresyong local. Papanatilihin ang mataas na tono ng boses habang nag
susumbatan.

 *Trisha tatayo sa kaniyang upuan at tatalikod kay Aye at sabay sabi ng--*

Trisha: Ah basta! Hindi ko alam mga pinagsasabi niyo! Mga gawa gawa ng kwento! (mataray na
pasigaw)

Aye: Hindi pa kita tapos kausapin diba (sabay hawak sa braso ni trisha)

Trisha: Aray ko! Ano ba! Ano pa ba kailangan ko iexplain sayo ah!

Aye: Eh sinasabi nga nila na kabit ka daw (sabay tulak kay trisha)

Trisha: Eh naniniwala ka sa mga sinasabi ng dalawang yan! eh mga TSISMOSA yan!

Aye: Eh Pinakita nga sayo yung picture diba! sino yon! (taasan ang boses pa)

Trisha: Malay ko! Tanong mo sa nanay mo!

Aye: Anong sabi mo! (sabay hawak sa kwelyo or buhok ni trisha)

*Sabunutan* Awat mga Tsimosa and BFFs

*Ringgggggggg*

END
Ikalawang kabanata #2 (Sa labas ng Eskwelahan)

*Krrriing* (school bell)

Narrator: Ang mga eskwela ay nagsilabasan na sa silid aralan, kabilang sina ayessa, trisha, nina, anna, at
irish. Si Trisha ay nauuna sa kanila. Dinial ni trisha ang phone number ni Patrick at tinawagan habang sya
ay naglalakad palabas ng eskwelahan.

(matapang na tono at ekspresyon ng mukha)

*palakad lakad si trisha sa tabi ng kalsada habang may katawagan*

(sound effect of cars passing by)

Trisha: Patrick, nasan ka na ba? Lintek na! yung jowa mo kinumpronta ako kanina sa room namin.
Dinuduro-duro nya ako at kung ano-ano ang mga pinag sasasabi sakin, sa harap pa mismo ng mga
kaklase namin! Ang kapal ng mukha!

(nagsasalita si Patrick sa kabilang linya, saglit na katahimikan)

Trisha: ABA! Akala nya ba papalagpasin ko ang ginawa nya? Tandan nya, Girl best friend mo ako at
sya...Jowa lang sya! Pagsabihan mo nga yan

(nagsasalita si Patrick sa kabilang linya, saglit na katahimikan)

*palapit si trisha sa tabi ng kalsada kung saan sya mabubundol ng truck*

Trisha: Ano na Patrick? Magkita nga tayo sa brainstorm café sunduin mo ako dito sa school… (adlib)

Habang may katawagan pa si trisha tumawid sya sa highway ng hindi napansin ang paparating na truck
na minamaneho ni Ericka.

*BEEP BEEP* (sound effect)


Trisha: Nasan ka na ba AAHH--- (boogsh. Sound effect)

*Nabangga si trisha ng truck at nakahandusay sa kalsada. Ericka, nagpapakita ng ekspresyong


kinakabahan, hindi sya mapakali, napahawak sya sa kanyang noo at sinabing ---*

Ericka: Nakupo! Nakapatay ata ako ng tao. Anak ng teteng, hindi kasi nag iingat pag natawid! Jusko po
panginoon ko! (sa tonong kinakabahan)

Narrator: Nakita nina trisha, ayessa, nina, anna, at irish ang pangyayari at agad na nilapitan ang
nakahandusay na si trisha. At sumigaw sa takot dahil sa pangyayari. (literal na sigaw yung feel na feel
dapat)

Mga nakasaksi NOTE: Pagusapan ang pangyayari (adlib). katamtamang lakas ng boses ngunit
mukhang nag bubulungan. Kunyari pinipiktyuran ang nakahandusay na si trisha. Huwag hahayaang
magkaroon ng katahimikan.

*Bumaba ng sasakyan si Ericka at nilapitan si Trisha. Ang umpukan ay patuloy parin hanggang matapos
ang interview. Huwag tatakpan si trisha para kita ni mam..*

Narrator: Lumapit ang reporter sa mga nakasaksi at ininterview.

(sound effect of broadcasting)

Reporter: Magandang umaga mga kababayan, live umano tayo ngayon dito umano sa highway ng
gentry kung saan ay may isang estudyante umano na nakahandusay sa kalsada nitong dakong alay
otso ng umaga. Ngayon ay ating makakapanayam ang mga saksi sa nangyari…

Magandang umaga po, ano po ang nagyari dito?

Trisha: andito po tayo ngayon sa baypass…nagkaano po, nagkabanggaan po yung truck saka tao. Ay!
Nabangga po ng tao yung truck.
Nina: Hinde! Nabangga po yung truck…nabangga. Nakabangga po yung driver ng truck ng tao.

Trisha: hindi po pala! Dalawang truck lang po ang nagkabangga, walang pong kasamang tao. Ay nako
po, Nagkabangga po, yari po tayo nento.

Nina: ay nako po! Mukha pong Malala ang lagay ng gulong. Hello po madam eh may banggaan dito.
Nabangga po nung truck yung tao.

Reporter: Salamat po, so ayon nga po josie—ay josie tuloy. Yes June! Haha. So ayon nabangga ng
truck yung estudyante na ah kinilalang si trisha maligro, girl best friend daw nentong kinilala nating si
Patrick. At habang ah binabaybay nya itong kalsada ay nahagip naman sya ng truck. Yes.. June (adlib)

Huwag po kayong manahimik o magdalawang isip, kung may alam po kayong katiwalian o reklamo
ipaalam Ninyo sa sumbungan ng hotdog--- ng sumbungan ng bayan. Ako po si Hannah, nag babalita.

Ikatlong kabanata #3 (Sa silid-aralan)

You might also like