Professional Documents
Culture Documents
Ang thyroid gland ay isang hugis paru-parung gland na matatagpuan sa ating lalamunan. Ang
pamamaga at pananakit na nararamdaman dito ay epekto ng tinatawag na goiter. Dahil sa pamamaga,
ang mga nakakaranas ng goiter ay kadalas kinakikitaan ng malaking leeg. Dagdag pa riyan ay sakit at
hirap sa paghinga at paglunok ang nararanas ng mga mayroon nito. May mga klase ng goiter na
maaaring mawala makalipas ang ilang linggo gunit meron ring klase ng goiter na pangmatagalan.
Posibleng maiwasan ang pagkakaroon ng sakit na ito. Mahalaga ang pagkakaroon ng nga sapat na
nutrient sa ating katawan na siya namang makukuha sa ating mga kinakain. Kabilang sa mga nutrients
na magandang panlaban sa sakit na goiter ay ang iodine, tyrosine, at antioxidants. Napatunayan na ng
mga pag-aaral na ang pangunahing sanhi ng goiter sa mga indibidwal ay ang kakulangan ng iodine sa
katawan. Ito ay epekto ng overproduction o di naman kaya ay underproduction ng thyroid hormones
na pino-produce ng thyroid glands.
Maging alerto sa mga posibleng maging senyales ng goiter:
-Paglaki ng leeg
- Pagsikip ng lalamunan
- Hirap sa paghinga
- Hirap sa paglunok
- Pag-ubo
- Pamamaos
Mahalagang tandaan na ang mga senyales na nabanggit rito ay ilan lamang sa mga common na
signs ng goiter. Makabubuti pa rin ang regular na pag-konsulta sa doktor o di naman kaya ay sa isang
endocronologist para sa mas accurate na payo. Ganunpaman, mahalaga na malaman natin kung ano
nga ba talaga ang nagiging sanhi ng kondisyon na ito. Maraming bagay na nagre-resulta sa paglaki ng
thyroid gland at narito ang mga pinaka-common:
Mataas rin ang iodine content ng mga mani at gatas. Importanteng tandaan na dapat huwag sobrahan
ang pag-konsumo ng iodine dahil baka magresulta rin ito sa pagkakaroon ng komplikasyon sa
katawan.
Kumain ng Pagkaing Sagana sa Tyrosine
Ang tyrosine ay isang amino acid na tumutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng thyroid gland. Ang
mga pagkaing gaya ng mani, soya, at gatas ay kakikitaan ng micronutrient na ito. Makakain rin ito sa
mga protein-rich food gaya ng isda, karne, at gatas.
Dagdagan ang konsumo ng mga pagkaing mataas ang antioxidants at Vitamin C
Maraming mabuting epekto sa ating katawan ang Vitamin C at isa na riyan ang pagprotekta sa ating
thyroid gland. Samantalang ang antioxidants naman ay tumutulong sa paglaban ng ating katawan sa
mga free radicals na duma-damage sa ating mga healthy cells. Ang mga prutas gaya ng mansanas at
oranges ay mayaman saa Vitamin C!
Ngayong sapat na ang ating kaalaman tungkol sa goiter, simulan na nating dagdagan ang pag-
konsumo ng iodine-rich food sa ating diet. Ang goiter-free lifestyle ang best way to start the year!
Sources:
https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/goiter/symptoms-causes/syc-20351829
https://blog.paleohacks.com/top-11-goitrogenic-foods-thyroid-health/#
http://www.philstar.com/probinsiya/2016/01/15/1542669/pagkaing-mayaman-sa-iodine-tangkilikin-
nnc