Kami na mga Guro at Mag-aaral ng TVL, Southville 5A Integrated National High School ay naninikluhod sa inyong opisina na mapahiram ng sasakyan na pagkakargahan ng mga gamit pang TVL bukas ng ala Una (1:00PM, October 29, 2022). Ililipat po namin ang aming gamit alinsunod sa utos ng aming mga nakakataas na kawani ng DepEd Biñan. Kautusan po ito na doon na po kami magpapatuloy ng pagtuturo at pag-aaral ng aming mga mag-aaral sa TVL, layon po nito na magkaroon na ng zoning para sa mga guro at mag-aaral sa Soutville SHS. Ang mga Academics-HUMSS naman po ay mananatili sa Southville at kung sakaling tapos na po ang West Campus ay saka po sila ililipat sa West Campus. Umaasa po kami na kami ay inyong pagbibigyan, dahil po sa resume ng klase at pagsisimula ng second quarter ay nasa Timbao na po kami. Marami pong salamat.
Gumagalang,
G. Leogary M. Bon TVL- Coordinator Southville 5A Integrated National High School