You are on page 1of 2

Pahinga Norte Elementary School

Candelaria East District


4th Periodical Test in MTB III
S.Y. 2022 - 2023

Pangalan: __________________________________________ Score:


Seksyon: _________________________________________
Bilugan ang pang-abay pamaraan na ginamit sa pangungusap.
1. Maingat na ibinalik niya ang alahas sa lalagyan nito.
2. Ang tagahatid-sulat ay mabilis maglakad.
3. Sumagot nang pasigaw ang tsuper ng dyip.
4. Dali-dali niyang kinain ang kanyang almusal.
5. Ang mag-anak ko ay tahimik na namumuhay sa probinsiya.
6. Ang mga damit ay itiniklop ni Weng nang maayos.
7. Masipag na nag-aaral ang mga kapatid ko.
8. Ang mga liham na iyan ay binasa niya nang palihim.
9. Kalayaan ang taimtim na hinahangad ng mga tao.
10. Dalus-dalos nilang ibinaba ang mga kahon mula sa trak.
Bilugan ang pang-abay na pamaraan at tukuyin ang antas nito. Isulat ang Lantay,
Pahambing o Pasukdol sa patlang.

______________________1. Ang kuneho ay mas mabilis tumakbo kaysa sa pagong.


______________________2. Ang nanay ni Stell ay masarap magluto.
______________________3. Ang pangkat nina Pablo ang pinakamahusay sumayaw sa lahat.
______________________4. Masayang naglalaro ang mga bata.
______________________5. Higit na magaling tumula si Ana kaysa kay Lino.

Panuto: Ikahon ang pang-ukol sa bawat pangungusap.


1. May balita ka ba tungkol sa parating na bagyo?
2. Ayon sa ulat na ito, itinaas ang bababalang Signal Number 3.
3. Baka supertyphoon daw ito, ayon sa kapitbahay natin.
4. Kinansela ang mga klase sa elementarya at haiskul.
5. Para sa mga mangingisda ang babalang narinig natin.
6. Ang bola ay nasa ilalim ng lamesa.
7. Sa likod ng bahay ay may tanim na sitaw at kalabasa.
8. Ang bahay nila Jane ay nasa likod ng pabrika.
9. Sa gilid ng kalsada naglalakad sina Pablo at Stell.
10. Sina Josh at Felip ay nagtungo sa loob ng simbahan.

Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa paglalaba. Isulat ang Una, Ikalawa, Ikatlo, Ikaapat at Panghuli
sa patlang.
_______________ 1. Ihanda ang mga gamit panlaba tulad ng sabon, batya, timba, at tubig.
_______________ 2. Kusutin ang mga damit sa tubig na may sabon hanggang matanggal ang dumi.
_______________ 3. Ilagay ang mga damit sa batyang may tubig at sabon. Unahin palagi ang puti bago ang
may kulay.
_______________ 4. Banlawan ang mga damit upang matanggal ang sabon.
_______________ 5. Isampay upang matuyo.
Basahin ang balita at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Ilang guro sa Mt. Province, 9 kilometers ang nilakad upang makasagap ng internet signal para sa
webinar. Para hindi mapag-iwanan sa ipatutupad na blended learning na pinaghahandaang online classes sa
darating na pasukan, tiniis ng ilang guro sa Mountain Province ang maglakad ng ilang kilometro para
makasagap lang ng internet signal upang makasali sila sa training-webinar ng Department of Education.

Apat na guro sa Maducayan Elementary School ang naglakad ng siyam na kilometro at tumawid pa ng
ilog para makarating sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok na may malakas na internet signal para sa
kanilang cellphone.

_______1. Tungkol saan ang balita?

A. Tungkol sa internet signal


B. Tungkol sa mga gurong naglakad ng 9 kilometro para sumagap ng internet signal Para
makasali sa “Webinar” training ng Department of Education.
C. Tungkol sa training webinar ng Department of Health
_______2. Sino – sino ang mga naglakad ng 9 na kilometro para makasagap ng internet signal?

A. Apat na guro sa Maducayan Elementary School Mt. Province.


B. Mga empleyado sa Mt. Province
C. Mga mag-aaral sa Maducayan Elementary School Mt. Province.
_________3. Saan pumunta ang mga guro sa Maducayan Elementary School para makasagap ng internet
signal?

A. sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok B. sa Munisipyo


C. sa paaralan

________4. Ano ang kanilang ginawa sa mabundok na bahagi ng Barangay Saliok?

A. Mag-aaral ng Webinar C. Mamamasyal ang mga guro

B. Makasali sa Webinar Training ng Department of Education.

_______5. Bakit kaya sasali ang mga guro sa webinar training ng Department of Education?

A. para hindi mapag iwanan sa ipapatupad na Blended Learning na kinabibilangan ng online classes.

B. para mag facebook C. para matuto ang mga guro

You might also like