You are on page 1of 2

Si Liliw Sisiw at ang Malaking Lobo

Isang araw na iinim na nag lalaro kasama ang mga kapatid ni Liliw sisiw naisipan niyang biruin
ang kanilang inang Inahin.

Nakita niyang abala ang kanyang ina sa pag hahanda ng kanilang hapunan at bigla niyang naisip
ang kanyang balak na biruin ang kaniyang ina.

“Inang inang! May malaking lobo akong Nakita sa bakuran!” habang nakangiting sumisigaw si
Liliw sisiw.

Agad agad namang lumabas si Inang Inahin, ngunit wala namang siyang nakitang Lobo at Nakita
niyang nakangiti si Liliw at sabay sinabi niya na “biro lang po inang” sabay tawa niya.

Nagalit ang kanyang ina at sinabi na “Ikaw talaga liliw wala ka na naman magawa kundi ang mag
biro”.

Isang araw nakita naman ni Liliw Sisiw ang kanyang nakakatandang kapatid nagbubungkal ng
lupa at naisipan niya ring biruin ang kanyang kapatid.

Sumigaw siya at sinabi “may malaking Lobo sa likod mo!” at agad agad namang tumakbo ang
kanyang kapatid ngunit wala namang nakitang malaking lobo.

Habang tumatakbo ang kanyang kapatid malakas na humalakhak si Liliw dahil sa kanyang biro.

At nagalit ang kanyang kapatid at sinabi na “Liliw huwag mo na ulit gagawin iyon ha!”
Hindi magandang biro ang ginawa mo!”

At tumalikod si Liliw at naglakad papuntang sapa.

Habang siya ay abala sa paglalakad ay may nakasalubong siyang Malaking Lobo nagulat siya sa
laki at itsura ng lobo. Sumigaw siya na “Ina! Ina! May lobo may Lobo!”

Narinig ng kanyang ina at kapatid ang sigaw ni Liliw ngunit sila ay nagdalawang isip dahil baka
nagbibiro lamang si Liliw.

Patuloy ang pag sigaw ni Liliw at pag hingi ng tulong, agad agad nang humingi ng tulong ang ina
ni Liliw upang iligtas siya at naitaboy naman nila ang malaking Lobo.

Umiiyak at nagsisisi si Liliw sa kanyang pagbibirong ginawa at humingi ng tawad sa kanyang


Inang inahin at kapatid na sisiw.

“Patawad po inang sa aking pagbibiro ng hindi maganda na nagdulot sa akin ng kapahamakan


pangako po hindi ko na uulitin” Umiiyak na pagsisisi napag-bangit ni Liliw.
Agad naman niyakap at pinatawad ni Inang inahin si Liliw sisiw.

PAMAGAT:
LILIW SISIW AT ANG MALAKING LOBO

MGA TAUHAN:
Liliw Sisiw
Inang Inahin
Kapatid ni Sisiw
Malaking Lobo

LUGAR NG PANGYAYARI:
Bakuran
Sapa

ARAL NA NATUTUNAN

Huwag mag-biro ng di maganda dahil magdudulot ng kapahamakan.

You might also like