You are on page 1of 17

8 Department of Education

National Capital Region


SC HOO LS DIVISIO N OFF IC E
MARIKINA CITY

FILIPINO
Unang Markahan-Modyul 4:
Pakikinig nang may Pag-unawa, Paglalahad
ng Layunin, Pagpapaliwanag sa Pagkakaugnay-ugnay
ng mga Pangyayari, at Pag-uuri ng Sanhi at Bunga

May-akda: Erwin L. San Juan

Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin:
 Aralin 1 – Pakikinig nang may Pag-unawa, Paglalahad ng Layunin,
Pagpapaliwanag sa Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangyayari
at Pag-uuri ng Sanhi at Bunga

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisagawa mo ang


sumusunod:
A. natutukoy ang layunin ng tekstong pinakinggan;
B. nailalahad ayon sa pagkaunawa ang layunin ng tekstong pinakinggan;
C. naipaliliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa
tekstong pinakinggan; at
D. nauuri ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa tekstong pinakinggan.

Subukin
Bago ka magpatuloy sa susunod na aralin, subukan mong gawin ang
sumusunod na gawain.

A. Bilugan ang sanhi sa mga pahayag at salungguhitan naman ang bunga.

1. Dahil sa pagtitiyaga niya sa pag-aaral kaya nakakuha siya ng magandang


trabaho.
2. Hindi makagawa ng gawaing bahay si Aling Editha dahil masama ang
kaniyang pakiramdam.
3. Napuyat si Mang Yoyong dahil sa magdamag na pag-iyak ng sanggol sa
kanilang bahay.
4. Magkasing ganda ang lugar ng Boracay at Palawan kaya maraming turista
ang dumarayo doon.
5. Higit na malinis ang lungsod ng Marikina kaysa sa ibang lungsod sa Metro
Manila dahil sa pagkakaisa ng mga mamamayan.

B. Ipaliwanag ang sumusunod batay sa iyong kaalaman..

1. Ano ang ibig sabihin ng “Layunin ng Teksto?” Paano malalaman ang


layunin sa binasang teksto?

_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Ano-ano ang mga palatandaan kapag ang isang tao ay nakikinig nang may
pag-unawa?

_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

3. Gaano kahalaga ang pag-uugnay ng mga pangyayari sa akda sa tunay na


buhay?

_______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Pakikinig nang may Pag-unawa,


Aralin Paglalahad ng Layunin, Pagpapaliwanag
1 sa Pagkakaugnay-ugnay ng mga Pangyayari
at Pag-uuri ng Sanhi at Bunga

Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagkikinig nang may pang-unawa,


paglalahad ng mga layunin, pagpapaliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari, at pag-uuri ng sanhi at bunga. Malilinang ito kung isasagawa mo nang
matapat ang mga gawain.

Balikan

Balik-aralan mo ang nakaraang aralin tungkol sa pagsulat ng sariling


salawikain at sawikain. Ano-ano ang mga hakbang sa pagbuo ng salawikain at
sawikain o kasabihan? Isulat sa ibaba ang iyong sariling likhang salawikain at
sawikain.

Salawikain: ___________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Sawikain/Kasabihan: ___________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tuklasin
A. Panimula

Pumili ng isa sa mga sitwasyon. Magmungkahi ng solusyon kung paano


matatamo ang kapayapaan.

Sitwasyon 1: Nag-aaral ka sa loob ng klase subalit dumating ang grupo


ng kalalakihan na nag-iingay. May pagsusulit pa naman kayo. Hindi ka
makapagpokus sa iyong pag-aaral.

Sitwasyon 2: Nasaksihan mong nagkapikunan at nagsuntukan ang


dalawa mong kamag-aral.

Sitwasyon 3: Nakita mong tinatakot ng isang ‘di kilalang lalaki ang isa
mong kamag-aral na babae. Nakalarawan sa mukha ng iyong kamag-aral
ang matinding takot.

Solusyon:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

B. Pakikinig
Ngayon naman ay simulan mo ang aralin sa pamamagitan ng pakikinig ng
isang epiko. Puntahan ang lik na ito: https://www.youtube.com/watch?v=h-
T7m9qG3mc at pakinggang mabuti. Kung walang internet, maaaring ipabasa
sa isa sa iyong mga kapamilya ang akda sa ibaba.

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Epiko ang pinakalunsaran sa araling ito. Batid na ang epiko ay isang tulang
pasalaysay ng mga sinaunang Pilipino na tumatalakay sa iba’t ibang kabayanihan
at kamangha-manghang pakikipagsapalaran.

Si Agyu ang pangunahing bayani ng sinaunang epikong-bayan na Olaging at


Ulahingan sa Mindanaw. Olaging ang tawag sa epikong-bayan ng mga Bukidnon
at sinasabing ukol lámang ito sa búhay at pakikipagsapalaran ni Agyu. Sa
kabilâng dako, ayon kay Elena G. Maquiso (1977), ang Ulahingan ay isang sanga
ng epikong-bayang Bendigan at nakaukol sa búhay ni Agyu at kaniyang angkan.
Ang Bendigan diumano ay epikong-bayan ng mga Manobo at may sanga ito na
tinatawag na Tulalangan at hinggil naman sa bayaning si Tulalang.

Malimit na ang paksa ng Ulahingan ay ang paglalakbay ni Agyu, angkan, at


mga alagad upang hanapin ang Nalandangan o Nelendangan. Nagsisimula ito sa
pagdating ng isang malupit na kaaway o mananakop kayâ kailangang tumakas ng
komunidad ni Agyu. May episodyo tungkol kay Mungan, asawa ng kapatid ni Agyu
na si Vanlak. Nagkasakit ng ketong si Mungan at nagpasiyang magpaiwan. Ngunit
pinagaling siyá ng mga naawang diwata at tinuruan pa kung paanong makaliligtas
ang komunidad ni Agyu. May episodyo din sa mga kapatid ni Agyu na gaya
nina Tabagka at Lena, gayundin sa anak niyáng si Bayvayan. Isang lumilipad na
malaking bangka, ang sarimbar, ang sinakyan nina Agyu upang makaligtas. Sa
dulo, narating nilá ang pangakong lupain, ang Nalandangan, at doon naghari si
Agyu sa habang-panahon kasáma ang mga adtulusan o pinagpalà.

Gayunman, may nakararating ding kaaway at ibang problema sa


Nalandangan. Sa isang Olaging na nakolekta ni Ludivina R. Opeña (1972),
inilarawan ang isang malaki’t madugong labanan nang lusubin ng mga kaaway
ang Nalandangan. Nagwagi ang mga taga-Nalandangan dahil sa kapangyarihan ni
Agyu at sa husay niyá sa pakikidigma. Ang isang katangi-tangi sa Olaging na ito ay
ang paglalarawan sa tila-paraisong kalagayan ng Nalandangan at sa malaking
bahay ni Agyu. - http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-
bayan/

Agyu
(Epiko ng mga Ilianon Manobo)

Ang pinanggagalingan ng kabuhayan ng mga Ilianon ay


pangongolekta ng sera. Ipinapalit nila ang sera sa mga Moro, sa kanilang
mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at asukal.
Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga Moro
dahil sa pagkakautang nila ng isang daang tambak ng sera. Upang
maiwasan ang madugong labanan, si Agyu at ang kaniyang pamilya ay
umalis sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hahayaan ng mga
Moro na mamuhay sila ng payapa. Sinundan nila ang mga ito upang
patayin siya at ang kanyang pamilya. Lumaban si Agyu at ang kanyang
pamilya ng buong tapang at lumabas na panalo sa laban sa mga Moro.
Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon ay nagtayo sila ng mga bahay
sa paanan ng bundok.
Isang araw ay pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang
manghuli ng baboy ramo. Umuwi siya na dala ang kanyang huli habang
ang kanyang kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na babaing sina
Yambungan at Ikwagan ay nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati nila
ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa kanilang mga alipin.
Bakit ayaw mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong
asawa sa Ayuman, Banlak? tanong ni Agyu sa kanyang kapatid na lalaki.
Ang asawa ni Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat
nagkaroon ito ng ketong.
Hindi pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lona
na pumunta sa Ayuman dala ang karne at pulot para kay Mungan. Nang
makarinig siya ng malakas na boses na nagsasabl kay Mungan na
tanggapin na ang imortalidad sa pamamagitan ng pagkain ng mga diyos.
Nang bumalik si Lono sa Panamutan, sinabi niya kay Agyu at Banlak
kung ano ang narinig. Nais ni Banlak na makita si Mungan ngunit
pinigilan sila ni Agyu. Bagkus ay binagtas ni Agyu ang daan pababa ng
Ayuman upang makita si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na
si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay isang gintong bahay. At nang
bumalik siya sa Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at nagpunta sa
Tigyangdang. Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyangdang.
Napakaraming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyangdang. At
kahit anong gawin nila ay hindi nila matalo ang kalaban.
Nang' dumating ang pang-apat na araw ng pakikipaglaban ay lumapit
ang kanyang batang anak na si Tanagyaw.
Payagan mo akong lumaban, ama, sabi niya.
Ngunit napakabata mo pa, anak, sinabi niya rito.
Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay matalino, ama, pilit ni
Tanagyaw.
Humayo ka at nawa ay tulungan. ka ng mga diyos. Ingatan mo ang
sarili mo!
At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa labanan. At natalo niya
ang mga kalaban.
Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si Tanagyaw sa anak
nitong babae na si Buy-anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa
nila. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan
laban sa mga kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga
kaaway ng Baklayon. Nais ng datu ng Baklayon na ipakasal ang kanyang
anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit hindi pa ito handa na mag-
asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa Tigyangdang ay nagpunta si
Paniguan sa Tigyangdang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi nito
kay Agyu na nais nitong pakasalan si Tanagyaw. Sumang-ayon-si Agyu
at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan.
Sa kabilang dako, hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni
Agyu. Paminsan-minsan ay mayroong mga kaaway na umaatake sa mga
pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu. Ngunit
matanda na upang lumaban si Agyu. Upang kalabanin ang mga kaaway,
nagsuot si Tanagyaw ng baluti na kasing tigas ng metal na sa lakas ay
hindi maigalaw ng hangin. Pagkatapos ay kinalaban niya ang mga
kaaway at lumabas na panalo. Ngunit hindi pa handang sumuko ang
mga kalaban. Sinugod ng anak ng datu si Tanagyaw gamit ang
ginintuang espada. Ginamit ni Tanagyaw ang gintong tungkod at

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
nagawang patayin ang anak ng datu at ang kanyang mga kasama at
tumakas sa bundok dahil sa takot.
Napanuto na si Agyu. Nalalaman niya na maghahari na ang
kapayapaan sa kanilang kaharian. Ngayon ay tatamasain na nila ang
magandang buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana
at ang mga hayop ay dumarami na sa bilang. Isang araw tinawag niya
ang anak na si Tanagyaw.
Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at
pamahalaan ito ng may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.
Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga diyos, ama sagot ni Tanagyaw.
Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan kasama ang
kanilang mga alipin ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon.
Handa na sila upang magsimula ng isang pamilya.

http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/agyu-epikong-
manobo.html

C. Paglinang ng Talasalitaan
Panuto: Ibigay ang kasalungat ng mga salitang nakalimbag sa bawat
bilang. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1.Nagkaroon ng di pagkakaunawaan si Agyu at ang datu ng mga


Moro
A. di-pagkakaintindihan B. pagkakaisa C. pagkakaiba
2. Pagkatapos ng tagumpay ay naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at
pumunta ng Bundok ng Pinamatun
A. limutin B. iwanan C. manatili
3. Hinati nila ang baboy ramo at pulot pukyutan sa kanila at sa
kanilang mga alipin.
A. katulong B. amo C. katiwala
4. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway ng
Baklayon
A. kakampi B. kalaban C. katunggali
5. Nalalaman niya na maghahari na ang kapayapaan sa kanilang
kaharian
A. katahimikan B. pagkakaisa C. kasarinlan

D. Pag-unawa sa Pinakinggan
1. Sino ang pangunahing tauhan sa epiko? Ano ang dahilan ng ‘di
pagkakaunawaan niya sa ibang Moro?
2. Ano ang dahilan bakit palipat-lipat ng lugar sina Agyu?

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Paano inilarawan sa akdang binasa ang ugnayang ng isang mabuting
pamilya?
4. Sa epikong binasa, ano ang senyales na nakamit na nina Agyu ang
inaasam-asam nilang kapayapaan sa kanilang lugar?
5. Ano-anong pangyayari sa binasa ang masasabi mong magkakaugnay?
Ipaliwanag ito kung paano nagkakaugnay-ugnay.
6. Ano-ano ang sanhi ng mga pangyayari sa akda? Uriin kung ang sanhi ng
mga pangyayari ay sinadya o hindi sinasadya.
7. Ano-ano ang bunga ng mga pangyayari sa akda? Uriin kung ang bunga ng
mga pangyayari sa akda ay may solusyon o walang solusyon.
8. Ano sa tingin mo ang layunin ng pagkakasulat ng akda? Paano
malalaman ang layunin sa binasa?

Suriin
Kung may maunawang pagbasa, mayoon ding maunawang pakikinig. Isa
ito sa makrong kasanayan na dapat malinang sa mga mag-aaral. Masasabing
may pag-unawa ang pakikinig kung naunawaan ng tagapakinig ang kaniyang
pinakinggan. May iba’t ibang paraan para matiyak kung naunawaan o hindi
ang pinakinggan. Ilan sa mga paraan ng pagtiyak ay ang pagsagot nang wasto
sa mga tanong, pagtukoy ng kaisipan, pagbibigay ng mga detalye,
pagsusunod-sunod ng mga pangyayari, pagpapalinawag at pagbibigay
reaksyon sa binasa, pagtukoy sa layunin ng akda, pagpapaliwanag at pag-
uugnay ng mga pangyayari, pagtukoy at pag-uuri ng sanhi at bunga,
pagbubuod at marami pang iba.

Sa araling ito binibigyang diin ang paglalahad ng layunin ng akda,


pagpapaliwanag sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari, at pag-uuri sa
sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang layunin ng akda ay matutukoy sa pamamagitan ng pagkonsidera ng


mensahe nito. Mula sa mensahe ay matutukoy at mailalahad ang layunin.
Halimbawa ng layunin ay: magmulat ng kaisipan, humingi ng pagbabago,
magbigay ng impormasyon at iba pa.

8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang pagpapaliwanag naman sa pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari
ay pagtatagni-tagni ng mga pangyayari sa akda na may kaugnayan sa isa’t isa.
Maaari itong ipaliwang kung paanong nagkakaugnay-iugnay ang mga
pangyayari at maaari ding iugnay sa mga pangyayari sa tunay na buhay.

Samantala, ang pag-uuri ng sanhi at bunga ay magsisimula sa pagtukoy


ng mga sanhi at bunga sa akdang binasa. Susundan ito ng pag-uuri o
klasipikasyon depende kung anong pag-uuri ang gagawin. Sa aaraling ito, ang
pag-uuri ng sanhi at bunga ay nakatuon sa kung sinasadya o hindi sinasadya.
Samantalang ang pag-uuri naman sa bunga ay kung may solusyon o walang
solusyon.

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pagyamanin

Ngayon ay palawakin mo ang iyong natutuhan tungkol sa aralin.


Isagawa ang sumusunod na gawain.
A. Ipaliwanag ang pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari sa akda gamit
ang problema-solusyong balangkas sa ibaba.

Sagot:
Ano ang problema? Mga
Tangkang-
Solusyon:
Sagot:
Sino ang may
problema?

Sagot:
S Saan nag-umpisa ang S Mga
U problema? O Resulta:
L L
I U
R Sagot:
S
A Kailan nagsimula Y
N ang problema? O
I N
N Sagot:
Bakit ito naging
problema? Kinalabasan
o Wakas
ng
Sagot: Pangyayari:
Paano ito naging
problema?

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Alin sa mga pangyayari o problema sa dayagram sa itaas ang
magkakaugnay? Paano ito nagkakaugnay-ugnay? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
C. Ano sa tingin mo ang layunin sa pagpapagawa ng gawain A?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Isaisip
Kumpletuhin ang pahayag sa loob ng mga kahon upang mabuo ang mga
bagay na dapat mong tandaan sa pakikinig nang may pag-unawa, paglalahad
ng layunin ng akda, pagpapaliwanag ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangyayari at pag-uuri ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.

Ang pakikinig nang Ang pagtukoy at


may pag-unawa ay… paglalahad ng layunin
ng akda ay. . .

Ang pag-uuri ng sanhi Ang pagpapaliwanag


at bunga ng mga sa pagkakaugnay-
pangyayari ay . . . ugnay ng mga
pangyayari ay . . .

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Isagawa
Sa pagkakataong ito, subukan mong ilapat sa tunay na buhay ang
natutuhan mo sa aralin. Puntahan ang link na ito
https://www.youtube.com/watch?v=5mGKdWcQBLU. Pakinggang mabuti at
pagkaraan ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

Mga Tanong:
1.Sino ang pangunahing tauhan sa akdang pinakinggan?
2.Ano ang naging suliranin ng tauhan?
3.Ano ang naging resulta o kinalabasan ng problema?
5. Aling mga pangyayari sa akda ang magkakaugnay? Bakit?
6. Ang mga sanhi ba ng suliranin ay sinadya o hindi? Ipaliwanag.
7. Ang mga bunga ba ng pangyayari ay maaring magawan ng solusyon o
hindi? Bakit?
8. Ano sa tiningin mo ang layunin ng akdang pinakinggan? Ipaliwanag.

Tayahin
Tiyak na naunawaan mo na ang aralin, subukan mo naman ang talas
ng iyong isipan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng gawain sa ibaba.

A. Balikan ang pinakinggang epiko sa bahagi ng “Pakikinig.” Ibigay ang


maaaring sanhi at bunga ng mga pahayag na nasa ibaba.

1.Di-pagkakaunawaan ng datu
Sanhi:___________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________
2.Gustong makipaglaban ni Tanagyaw
Sanhi:___________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________
3. Naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian
Sanhi:___________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________
4. Paghuli nang baboy-ramo ni Agyu
Sanhi:___________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________
5.Ibinigay ni Agyu ang Sunglawon kay Tanagyaw
Sanhi:___________________________________________________________
Bunga: __________________________________________________________

12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
B. Manaliksik ng epiko ng Kabisayaan o Mindanao. Maari itong pakinggan o
basahin. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat sa hiwalay na papel.

1. Ano ang pamagat ng pinakinggan/binasang epiko?

2. Ano-ano ang sanhi ng mga pangyayari sa epiko?

3. Ano-ano ang ibinunga ng mga pangyayari sa akda?

4. Alin sa mga pangyayari sa akda ang magkakaugnay sa isa’t isa?

Ipaliwanag.

5. Ang mga pangyayari ba sa akda ay sinadya o hindi? Pangatuwiranan.

6. Maaari pa bang lapatan ng lunas o solusyon ang mga suliranin sa

akda? Magbigay ng halimbawa ng suliranin/pangyayari at bigyan ng

mungkahing solusyon.

7. Ano sa tingin mo ang layunin ng pagkakasulat ng akda? Ipaliwanag.

Karagdagang Gawain
Palawakin pa ang iyong kakayahan sa pamamagitan ng mga gawain sa
ibaba. Pakinggang mabuti ang mga isyung panlipunan na nasa ibaba sa
bawat link. Tukuyin ang naging sanhi at bunga ng mga ito. Uriin ang sanhi
kung sinadya o hindi sinasadya. Uriin ang bunga kung may solusyon o wala.
Ipaliwanag din ang layunin sa pagkakabuo ng akdang pinakinggan.

Akda 1:

Isyu sa Covid-19
https://www.youtube.com/
watch?v=1Pfgg9R9MW0

BUNGA
SANHI

13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Pag-uuri: Pag-uuri:
Sinadya o Hindi Sinadya May solusyon o wala

Layunin ng akda:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Akda 2:

Pasukan sa klase
sa Agosto 2020
https://www.yout
ube.com/watch?v
=qpveUNS8z6Q

SANHI BUNGA

Pag-uuri: Pag-uuri:
Sinadya o Hindi sinadya May solusyon o Wala

Layunin ng akda:
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Susi ng Pagwawasto

Subukin A:

1.Dahil sa pagtitiyaga niya sa pag-aaral kaya nakakuha siya ng


magandang trabaho.
2.Hindi makapagtrabaho nang gawaing bahay si Aling Editha dahil

masama ang kanyang pakiramdam.

3.Napuyat si Mang Yoyong dahil sa magdamag umiyak ang sanggol sa

kanilang bahay.

4.Magkasingganda ang lugar ng Boracay at Palawan kaya maraming

turista ang dumarayo doon.

5.Higit na malinis ang Lungsod ng Marikina kaysa sa ibang Lungsod sa

Metro Manila dahil sa pamumuno ng butihing alkalde.

Subukin B:

1. Gustong mangyari, makikita sa mensahe

2. Nasasagot ang mga tanong, malawak na pag-unawa sa teksot

3. Mahalaga dahil ito ay nagpapatunay ng koneksyon ng akda sa

reyalidad.

Talasalitaan:

1.B
2.C
3.B
4.A
5.C

Pag-unawa sa Pinakinggan:

1. Si Agyu, dahil sa pagkakautang nila sa isandaang tambak na sera.


2. Sa kadahilanan na pilit pa rin silang sinusundan ng mga Moro upang
paslangin si Agyu at ang kaniyang pamilya.

15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga ni Agyu sa kanyang pamilya.
Gagawin niya ang lahat upang hindi masaktan ang kanyang pamilya.
4. Ang pagkapanalo ni Tanagyaw sa mga kalaban ang naging hinuha ni
Agyu upang magkaroon na ng kapayapaan sa kanilang lugar.

5-8. (depende sa mag-aaral ang sagot)

Baisa-Julian, Ailene G. et.al., Pinagyamang Pluma Ikalawang Edisyon (Teachers


Wraparound)
Guimarie, Aida M. Pinagyamang Wika at Panitikan (Batayang Aklat sa Filipino)
pp. 52-55
https://www.youtube.com/watch?v=h-T7m9qG3mc
http://misterhomework.blogspot.com/2013/06/agyu-epikong-manobo.html
http://malacanang.gov.ph/75495-mga-epiko-at-kuwentong-bayan/

16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Erwin L. San Juan (Guro, BNHS)


Mga Editor:
Perlita Ponsal (BNHS)
Daniel De Guzman (SRNHS)
Wilfredo Padua (School Head)
Dr. Josefino DL. Lu (PSDS)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS-Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (KNHS)

Tagalapat: Jee-jay B. Canillo (NHS)


Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like