Professional Documents
Culture Documents
Cot - DLP - Araling Panlinan 1 by Teacher Mylene B. Ferrer
Cot - DLP - Araling Panlinan 1 by Teacher Mylene B. Ferrer
IKAAPAT NA MARKAHAN
I. Layunin:
* Nagagamit ang iba’t ibang katawagan sa pagsulat ng lokasyon at distansya sa pagtukoy ng mga gamit at
lugar sa bahay ( kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran).
III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain:
a. Balik- aral
b. Pagganyak
1. Hatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat at bawat pangkat ay magtatalaga ng isang kamag-aral na siyang
guguhit sa pisara upang guhitan ang bahagi ng mukha na nasa cartolina na nakapiring.
2. Bawat kapangkat nila ay kailangang magbigay ng clue sa kanilang kamag-aral na kakamping guguhit gaya
ng (sa kaliwa, sa kanan, itaas mo pa, ibaba mo pa, malapit na, malayo pa)para maiguhit sa tamang lugar ang bahagi ng
mukha.
2.Paglalahad:
a. Isa- isahing talakayin ang konsepto ng lokasyong sa kanan, sa kaliwa, ibaba, itaas sa pamamagitan ng
pagbibigay ng maraming halimbawa gamit ang mga larawan at tunay na bagay.
b. Bigyang diin na ang mga katawagang ito ay mga salitang naglalarwan ng distansya at lokasyon.
4. Pagpapayamang Gawain
“Dice ng Karunungan”
Iitsa ang dice ng karunungan at alamin kung saang lokasyon nakalagay ang mga larawan.Ibase ito sa larawan
na nasa telebisyon.
5. Paglalahat
Tandaan:
Ang kaliwa, kanan,ibaba, itaas, harapan at likuran ay mga salitang magtuturo o magsasabi sa lokasyon o distansya ng
isang bagay.
IV. Pagtataya:
Pagmasdan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
V. Takdang Aralin
Iguhit at pag- aralan ang lokasyon ng mga hayop sa larawan at sagutin ang mga katanungan sa ibaba isulat ang
tamang sagot sa patlang.
Preapared by:
MYLENE B. FERRER
Teacher
Pangalan:__________________________________________________________________________________
Pag- aralan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
_____1. May padulasan sa gawing ____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. itaas)
_____2. Ang araw ay nasa______ ( a. itaa b. ibaba c. kanan)
_____3 Ang bulaklak ay nasa _____ ng bintana.(a. itaas b. kanan c. ibaba)
_____4. Makikita ang puno sa gawing _____ ng bahay. ( a. kaliwa b. kanan c. ibaba)
_____5. Nakaupo ang pusa sa _____ ng bahay. ( a.kanan b.likod c. harap)
Pangalan:__________________________________________________________________________________
Pag- aralan ang larawan at sagutin ang mga katanungan na nasa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.