You are on page 1of 1

MALIKHAING PAGSULAT

FULLO CRISTIAN

12-INDICOLITE

ANO ANG BALAGTASAN? ANO ANGF LIPTOP? IBIGAY ANG PAGKAKAIBA AT


PAGKAKATULAD NITO.

Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa. Hinango
mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na
kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang
may mga tugma sa huli. Pormal ang wikang sinasalita, Gumagamit ng malalalim na
pagpapakahulugan ng mga salita, Nakapokus sa paksang tintalakay, Layuning makapagbigay-
kabatiran, kaalaman at pang-aliw sa madla, May tamang gabay at patnubay sa pagtutunggali. Sa
kabilang banda naman, Ang FlipTop Battle League (mas kilala sa tawag na fliptop) ay ang kauna-
unahan at pinakamalaking rap battle conference sa Pilipinas. at nagbigay inspirasyon sa
pagkakatatag ng Fliptop at ng iba pang liga sa iba't-ibang sulok ng mundo. Impormal na paggamit
ng wika, Walabg iisang paksang tinatalakay, Ang pagtalo any pa-rap, Walang gabay o patnubay
na inilalahad bago magsimula ang tunggalian, Mamayang magsalita ang mga magkatunggali kahit
na ang konsepto ay nakakasakit na ng damdamin at pagkatao ng katunggali. Sumasali sa
kompetisyong "Battle League". Ang pagkakatulad ng dalawa ay parehong may karikitan at
masining ang paggamit ng wika. May isang tagapamagitan (lakandiwa) at dalawang
magkatunggali. Isang anyo ng panitikan. Tinatanghal sa harap ng madla, at Nagpapahayag ng
saloobin at pangangatwiran

You might also like