You are on page 1of 9

KPWKP (2nd)

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

TALASALITAAN
➤ BLOG - Ang blog ay iba pang Panlipunan katawagan o pinaiksing salita para sa
weblog. Karamihan sa mga blog ay binubuo lamang ng purong salita (o textual), pero
mayroon ding nakapunto ang nilalaman sa mga obra (art blog), larawan (photoblog), mga
bidyo (video blogging), musika (MP3 blogging), at mga tunog (podcasting).
Microblogging naman ang tawag sa blog na sobrang ikli.

LIHAM PANGANGALAKAL ► Ang liham pangangalakal ay liham na ginagamit sa


mga tanggapan at sa mundo ng kalakalan. Ito ay mahalagang instrumento ng
komunikasyon sa pagitan ng mga mangangalakal at ng kanilang mga kostumer o iba pang
taong nais makipagsapalaran sa kanila.

LIPUNAN ► Ang lipunan ay isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng katangian o


paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay ng bawat isa na binabahagi ang
naiibang kultura at/o mga institusyon.

PORMULASYONG PANLIPUNAN ► Ang pormulasyong panlipunan ay isa sa mga


uri ng pananalita o pangungusap na kadalasang naglalahad ng pagbati, mga magagandang
kaugalian ng mga Pilipino, o pagbibigay-galang sa mga nakatatanda.

WIKA ▸ Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang
nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000 hanggang 7,000 ang mga
wika sa daigdig.

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN


INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng pakiusap,
pagtatanong, at pag- uutos. Pasalita: Pakikitungo, Pangangalakal, Pag-uutos.
Pasulat: Liham Pangalakal

REGULATORI
Katangian: Komokontrol/ Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita: Pagbibigay ng panuto/ direksiyon, Paalala
Pasulat: Resipe, direksiyon sa isang lugar, panuto sa pagsusulit at paggawa ng isang
bagay, tuntunin sa batas na ipinatutupad
INTERAKSIYONAL
Katangian: Nagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita: Pormulasyong Panlipunan, Pangungumusta, Pag-anyayang okasyon, kumain,
Pagpapatuloy sa bahay, Pagpapalitan ng biro, at madami pang iba.
Pasulat: Liham Pangkaibigan: Pangungumusta, Pag-anyayang okasyon Imbitasyon
saisang, (kaarawan, anibersaryo, programa sa paaralan)

PERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Pasalita: Pormal o Di- Pormal Talakayan, Debate, o Pagtatalo
Pasulat: Editoryal, pagsulat ng suring- basa, suring- pelikula o anumang dulang
pantanghalan

HEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos
Pasalita: Pagtatanong, Pananaliksik, at Pakikipanayam
Pasulat: Surbey, Pamanahong Papel, Tesis, at Disertasyon

REPRESENTATIBO / IMPORMATIBO
Katangian: Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag.
Pasalita: Pagpapahayag ng hinuha pahiwatig sa mga simbolismo ng isang bagay o paligid
Pasulat: Mga anunsiyo, o patalastas at paalala

IMAHINATIBO
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya sa wika.
Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang kaniyang damdamin.
Pasalita: Pagbigkas ng Tula Pampanitikan Pasulat: Pagsulat ng Akdang

Paano ka natutulungan ng wika sa araw-araw na buhay?


▸ Ang wika ay kasangkapan ng tao sa pakikipagkomunikasyon sa kapwa at sa lipunang
kanyang ginagalawan. Sa pamamagitan ng wika at sa mga salitang may tiyak na
kahulugan.

Ano ang kaibahan ng wika ng tao?


▸ Mas organisado, mas malawak, at mas kumplikado. Sa pamamagitan nito
nagkakaugnayan at nagkakaisa ang mga tao.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


SALIGANG BATAS 1987
FILIPINO - ang opisyal na wikang pambansa ng Pilipinas.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


 Sa Panahon ng Espanyol
 Sa Panahon ng Rebolusyong Pilipino
 Panahon ng Amerikano

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


Panahon ng mga sinaunang Pilipino:
 Ang mga katutubo ay may sarili ng alpabeto at sistema ng pagbaybay na mas
kilala sa tawag na Alibata.

Panahon ng Kastila:
 Ipinakilala nila ang kanilang sariling bersyon ng alibata, ang abecedario o ang
alpabetong Espanyol.

Panahon ng Propaganda at Himagsikan:


 Maraming naisulat na panitikan sa wikang Tagalog- tula, sanaysay,kuwento at iba
pa na hitik sa damdaming makabayan.

Panahon ng Amerikano:
 Ginamit ang wikang Ingles bilang pangunahing instrumento sa pagtuturo kaya ang
hispanisasyon ng mga kastila ay napalitan ng Amerikanisasyon.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


(Panahon ng Espanyol)
• Ang anyong kapuluan ng Pilipinas ang sinasabing sanhi kung bakit napakaraming wika
at wikain sa bansa.

• Ang Tagalog na siyang batayan ng wikang pambansa, ayon sa pag-aaral na ginawa


noong 1934 ni Otto Dempwolf, ay kabilang sa Indonesian Subgroup ng Austronesian.

• Ang pagkakaroon ng maraming wika ang sinasabing ugat ng rehiyonalismo o


pagkakapangkat-pangkat ng mga Pilipino.

• Nang sakupin ng Espanyol ang bansa, lalong nahati ang mga Pilipino.

• Walang isang wikang pinairal noon.

• Sa huling dantaon ng pananakop ng mga Espanyol, nagkaroon ng pagtatangkang


itaguyod ang Tagalog bilang wikang pambansa.

• Padre Pedro Chirino - isang paring Heswita na nagsasabing ang wikang Tagalog ay
nagtataglay ng talinghaga ng wikang Hebreo.

• Wikang Hebreo - ang katangi-tanging katawagan ng griyego, ang kaganapan at kinis


ng Latin; at ang pinakamagalang at pagiging romantiko ng mga Espanyol.
• Ang Kilusang Propaganda ay nagsimula ng paggamit ng Tagalog sa mga pahayagang
isinulat nila.

• Sinundan ito ng Katipunan na tagalog din ang ginamit sa pagbuo nila ng mga kilusan,
gayundin sa pahayagan na nailathala nila.

SALIGANG BATAS NG BIAK-NA-BATO 1897


• Dito pinagtibay na Tagalog ang opisyal na wika ng pamahalaan.

• Hindi ito nagkaroon ng kaganapan sapagkat bukod sa mga ilustrado ang namayani
noon sa Kapulungang Pansaligang-batas (Constitutional Assembly) na ayaw sa
wikang Tagalog.

• Sumunod na dito ang pagsakop sa bansa ng mga Amerikano.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


(Panahon ng Amerikano)
• Ingles - sapilitang ipinagamit sa panahon ng Amerikano bilang wikang panturo at
pinagbawal ang paggamit ng bernakular.

• Ngunit batay sa pag-aaral na ginawa ng Monroe Educational Survey Commission,


napatunayan na makaraan ng 25 taon na pagtuturo ng Ingles hindi ito nakatulong sa
pagkatuto ng mga mag- aaral na Pilipino.

• Hulyo 10, 1934 - binuo ang Kapulungang Pansaligang-batas bilang paghahanda sa


itatatag na Malasariling Pamahalaan (Commonwealth)

SALIGANG BATAS NG 1935 Artikulo 14, Seksyon 3


• Inatasan ang Pambansang Asamblea na magsagawa ng kaukulang hakbang sa
paglinang ng isang wikang Pambansa na ibabatay sa isa sa umiiral na wika sa
Pilipinas.

• Manuel L. Quezon - pangulo ng Komonwelt noon ang naging masugid na


tagapagtaguyod na magkaroon ng isang wikang pambansa.

• Nobyembre 13, 1936 - pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas ng Komonwelt


Blg. 184

• Batas ng Komonwelt Blg. 184 - nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP)

• Surian ng Wikang Pambansa (SWP) - ito ang tanggapang magsasagawa ng pag-aaral


hinggil sa pagpili ng wikang pambansa.
• Disyembre 30, 1937 - ipinahayag ni pangulong Manuel L. Quezon ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 134 na nagtatakda sa Tagalog bilang batayan ng wikang pambansa.

Kailan tayo nagkaroon ng Wikang Pambansa na Filipino?


• Sa pagpasok ng 1987 Konstitusyon ay nagkaroon tayo ng Wikang Pambansa na
Filipino.

GAMIT NG WIKA SA TELEBISYIN AT PELIKULA


TALASALITAAN
► DIYALOGO - Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaroon ng ugnayan.
Tumutulong para maibahagi ang mga bagay bagay o kaalaman na gustong iparating sa
kapwa.

►PELIKULA - Kilala din bilang sine at pinilakang tabing, ay isang larangan na


sinasakop ang mga gumagalaw na larawan, bilang isang anyo ng sining o bahagi ng
industriya ng libangan.

► SUGNAY - Ang Sugnay ay kalipunan ng mga salitang may simuno at panaguri na


maaaring may buong diwa (makapag-iisa) o di-buong diwa (di makapag-iisa). Ito ay
tinatawag na Clause sa wikang Ingles.

COHESIVE DEVICE
► Ito ay ginagamit sa gramatika upang ang mga salita ay hindi maulit.

Halimbawa:
• ito, dito, doon, iyon -tumutukoy sa bagay, lugar at hayop.
• Siya, sila, kanila, kaniya - tumutukoy sa tao o hayop.

▸ Nakababagot na mabasa at marinig ang mga salitang paulit-ulit na ginagamit sa isang


teksto o pahayag.

▸ Maiiwasan ang nabanggit na pag-uulit kung gagamit ng panghalip tulad ng siya, niya,
kanila, at iba pa.

COHESIVE DEVICE
1. Reperensiya (Reference)
2. Substitusyon (Substitution)
3. Ellipsis
4. Pang-ugnay
5. Kohesyong Leksikal

REPERENSIYA (Reference)
► Ito ang paggamit ng mga salitang maaaring tumukoy o maging reperensiya ng paksang
pinag- uusapan sa pangungusap.
► Maaari ito maging anapora o katapora.

Anapora o Katapora:
ANAPORA -kapag ang panghalip ay nasa hulihan ng pangungusap.
Halimbawa: Si Ana ay maagang pumapasok sa eskwela upang masubaybayan niya ang
mga aralin
KATAPORA - kapag ang panghalip ay nasa unahan ng pangungusap.
Halimbawa: Nasubaybayan nya ang mga aralin dahil si Ana ay maagang pumasok sa
eskwela.

SUBSTIYUSYON (Substitution)
► Paggamit ng ibang salitang ipapalit sa halip na muling ulitin ang salita.

Halimbawa:
- Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng aklat.
- Nawala ko ang aklat mo. Ibibili nalang kita ng bago.

ELLIPSIS
► May binabawas na bahagi ng pangungusap subalit inaasahang maiintindihan o
magiging malinaw pa rin sa mambabasa ang pangungusap dahil makatutulong ang
naunang pahayag para matukoy ang nais ipahiwatig ng nawalang salita.

Halimbawa:
- Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y bumili ng tatlong aklat.
- Bumili si Gina ng apat na aklat at si Rina nama'y tatlo.

PANG-UGNAY
► Nagagamit ang mga pang-ugnay tulad ng at sa pag-uugnay ng sugnay sa sugnay,
parirala sa parirala, at pangungusap sa pangungusap. Sa pamamagitan nito ay higit na
nauunawaan ng mambabasa o tagapakinig ang relasyon sa pagitan ng mga pinag-ugnay.

Halimbawa:
- Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak ang mga anak ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.
- Ang mabuting magulang ay nagsasakripisyo para sa mga anak at ang mga anak ay dapat
magbalik ng pagmamahal sa kanilang mga magulang.

KOHESYONG LEKSIKAL
▸ Mabibisang salitang ginagamit sa teksto upang magkaroon ito ng kohesyon. Ito ay
nahahati sa dalawa:
• Reiterasyon
• Kolokasyon

REITERASYON ► Kung ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Maari


itong mauri sa tatlo:
1. Paguulit o repetasyon
2. Pag-iisa-isa
3. Pagbibigay-kahulugan

•Paguulit o repetasyon
Halimbawa:
Maraming bata ang hindi nakapasok sa paaralan. Ang mga batang ito ay nagtatrabaho na
sa murang gulang palang.

•Pag-iisa-isa
Halimbawa:
Nagtatanim sila ng mga gulay sa bakuran. Ang mga gulay na ito ay talong,sitaw,
kalabasa, at ampalaya.

•Pagbibigay-kahulugan
Halimbawa:
Marami sa mga batang mangagawa ay nagmula sa mga pamilyang dukha. Mahirap sila
kaya ang pagaara; ay naisasantabi kapalit ng ilang baryang naiaakyat nila para sa hapag-
kainan.

KOLOKASYON ▸ Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o


maykaugnayan sa isat-isa kaya't kapag nabanggit ang isa ay naiisip din ang isa. Maaring
magkapareha o maaring magkasalungat.

Halimbawa:
• Nanay - tatay, guro - magaaral, hilaga-timog
• Doktor-pasyente
SITWASYONG PANGWIKA SA TELEBISYON
▸ Ang telebisyon ay itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil
sa dami ng mamamayan na naabot nito.
▸ Sa paglaganap ng cable o satellite connection ay lalong dumami ang manonood saan
mang sulok ng bansa.

ANG MAGANDANG BALITA, WIKANG FILIPINO ANG NANGUNGUNANG


MIDYUM SA ATING BANSA.

SITWASYONG PANGWIKA SA RADYO AT DIYARYO


• Filipino rin ang nangungunang wika sa radyo, AM man o FM.
• Mayroong programa sa FM tulad ng Morning Rush, na gumagamit ng Ingles sa
pagbobroadcast ngunit ang nakararami ay gumagamit ng Filipino.
• Sa mga panrehiyonal na radyo ang kanilang diyalekto ang ginagamit ngunit kapag may
kinapanyam ay gumagamit sila ng Tagalog.

• Sa diyaryo naman, Ingles ang ginagamit sa broadsheet at Filipino sa Tabloid.


• Tabloid ang mas binibili ng masa dahil sa mas mura at nakasulat sa wikang higit na
naiintindihan.

SITWASYONG PANGWIKA SA IBA PANG ANYO NG KULTURANG


FLIP TOP
> Pagtatalong oral na isinasagawa nang pag-rap.
> “Modern Balagtasan"
> Bersong nira-rap ay magkatugma ngunit walang malinawa na paksang pagtatalunan.
> Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng
katunggali.
> DI GUMAGAMIT NG PORMAL NA WIKA.
> WALANG ISKRIP!
> Pangkaraniwang gumagamit ng mga salitang nanlalait para makapuntos sa kalaban.
> Mayroong mga Fliptop na isinasagwa sa wikang Ingles subalit ang karamihan ay sa
wikang Filipino.
> Napapalaganap sa pamamagitan ng YouTube.
> Sa ngayon ay marami na ring paaralan ang nagsasagawa ng Fliptop lalo na sa tuwing
ginugunita ang Buwan ng Wika.

PICK UP LINES
> Sinasabing ito ang makabagong bugtong, kung saan may tanong na sinasagot ng isang
bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at ibang aspekto ng buhay.
> Sinasabing nagmula sa mga boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais
magpapansin at mapa-ibig ang dalagang nililigawan.
> Kung may salitang angkop na makapaglalarawan sa pick-up line, masasabing ito'y
nakakatuwa, nakakapagpangiti, nakakakiliti, cute, cheesy at masasabi ring corny.
> Naririnig sa usapan ng mga kabataan.
> Nakikita rin sa Facebook, Twitter at iba pang social media sites.
> Ang wikang ginagamit sa mga pick-up lines ay karaniwang Filipino at ang mga
barayati nito, subalit nagagamit din ang Ingles at Taglish.
> Kailangang ang mga taong nagbibigay ng pick-up lines ay mabilis magisip at malikhain
para sa ilang sandali ay maiugnay o mai-konekta ang kanyang tanong sa isang
napakaikling sagot.
> “BOOM" ang sinasabi kapag sakto o maliwanag ang koneksyon.
> Nauso ito dahil sa impluwensiya ni "Boy Pick-up" o Ogie Alcasid sa programang
Bubble Gang sa isang segment.
> Naging matunog din ito lalo na sa mga talumpati ni Senadora Miriam Defensor
Santiago.

HUGOT LINES
> Tinatawag ding love lines o love quotes.
> Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute,
cheesy o minsa'y nakakainis.
> Karaniwang nagmula ito sa linya ng mga tauhan sa pelikula o telebisyon na nagmarka
sa puso't isipan ng mga manonood subalit madalas nakakagawa rin ng sariling hugot lines
ang mga tao epende saa damdamin o karanasang pinagdadaanan nila sa kasalukuyan.

You might also like