You are on page 1of 1

Pangalan: Louise Laine D.

Delos Santos Petsa: March 6, 2023


Grade at Section: 11 HUMSS-Whang Od Ogay

Kawayang Pangarap

Linggo, kung sa iba ay araw ito ng pahinga ngunit para sa pamilya liwanag ay
hindi. Linggo at dumiretso sila sa isang tindahan kung saan sila kumukuha o
nangungutang ng kanilang pagkain, at sa araw rin na iyon ay magsisimula
silang mag trabaho sa pamamagitan ng pagkuha ng buho o kawayan upang
pangbayad sa pagkain na kinuha nila sa tindahan, at sa halagang 399 pesos
ay kailangan nilang makuha ng 60 pirasong buho o kawayan. Sa pagkuha nito
ay dalawang oras ang kanilang kailangang lakarin upang makakuha ng buho.
Kasama rito ang kaniyang tatlong anak na babae, natulong ito sa pagtatali at
pagbubuhat ng buho. Isang matarik at delikadong daan ang kailangan mong
tahakin para maibaba ang mga nakuhang buho, kailangan mag ingat lalo na’t
kasama sa pagbuhat nito ang mga anak ni tatay Joseph. Sa murang edad ay
natuto na mag trabaho ang mga ito para makatulong sa kanilang mga
magulang. Kinabukasan ay lunes at may pasok, pinag iisipan kung papasok
ba o mananatili upang tumulong sa pagkuha ng buho. Kinabukasan ay kitang
pumasok ang mga bata, kita mula sa mga mata ni tatay Joseph ang saya nang
makita ang kaniyang mga anak na gustong gusto na pumasok at matuto sa
kadahilanang ayaw niyang matulad ito sa kanila na walang pinag aralan at
madaling maloko dahil walang alam, na kahit mahirap ang buhay ay kayang
gawin ang lahat makatapos lamang ang mga anak. Sa araw rin na iyon ay
pinagpatuloy mag-isa ni tatay Joseph ang pagkuha ng mga buho, sa lugar na
iyon lamang libre ang pag kuha ng buho o kawayan, kaya kahit mahirap at
malayo ay mas pinili nilang doon kumuha. Sa araw rin na iyon ay nabuo na ni
tatay Joseph ang 60 piraso ng buho at naghihintay kung kakasya ba ang mga
kinuha nilang buho upang mabayaran ang 399 pesos na utang nila. Sa
pagkakataong iyon ay sumobra pa ang ng tatlong piso ang halaga ng buho,
ngunit mayroon pa pala silang utang na hindi nababayaran, kaya para
mabayaran iyon ay kailangan pa ni tatay Joseph na manguha ulit ng mas
marami pang buho. Para sa mga aeta sa sitio malipano ay may mas mahalaga
ang pagta trabaho kaysa ang makapag kolehiyo. Kung minsan ay tinuturuan si
tatay Joseph ng kaniyang anak na babae na si karen kung paano mag basa at
mag sulat, para kahit pa paano ay may alam ito at alam nito ang mga sinasabi
at sasabihin ng ibang tao. Isang buwan na ang nakalipas ay dumating na ang
pinaka hihintay na araw ng pamilya liwanag, ang pagtatapos ni karen, na kung
saan ay unang pagkakataon na makakatapos sa elementarya ang isa sa mga
anak ni tatay Joseph. Hindi hadlang ang kahirapan para makapag aral, dahil
sabi nga kung gusto may paraan at kung ayaw ay may dahilan. Ngunit nakaka
lungkot lang na sa murang edad ay natuto na magtrabaho ang mga ito at nag
iisip na ng paraan kung pa paano mabibigyan ng solusyon ang mga
problemang kinakaharap nilang pamilya. Sana ay matuto tayong pahalagahan
ang mga bagay na meron tayo ngayon.

You might also like