You are on page 1of 1

Manuel L.

Quezon
Tinaguriang Ama ng Pambansang Wika at Ama ng
Republika ng Pilipinas dahil sa kaniyang pakikipaglaban
sa pagkakaroon ng Wikang Pambansa at Kasarinlan ang
Pilipinas, at taunang inaalala ang kaniyang kaarawan
tuwing Ika-19 ng Agosto.

Jaime de Veyra
Isa rin siya sa mga tagapagbalangkas at tagapagtatag ng wikang
pambansa nakikilala ngayon sa tawag na Filipino. Sumulat ng isang
artikulo na nalathala sa The Tribune noong Disyembre 30, 1939. Ito
ay isang sanaysay na kinapapalooban ng mga katanungan sa mga
nag-aalinlangan at tumututol na Tagalog ang maging batayan ng
Wikang Pambansa.

Cecilio Lopez
ay ang pinakaunang linggwistang Pilipino. Natapos niya ang
kanyang Ph.D sa Linggwistiks sa Unibersidad. Sinulat niya noong
1940 ang kanyang gramatika ng wikang Tagalog matapos iproklama
ang Tagalog bilang batayang wika sa wikang pambansa. May mga
humigit kumulang 30 na pag-aaral ang naisagawa ni Lopez tungkol
sa mga ponolohiya, morpolohiya, sintaks ng mga wika sa Pilipinas
mula 1928 hanggang 1967. Tinalakay rin niya ang leksikon sa Tagalog
at Malay at ang pangkalahatang katangian ng mga wika sa Pilipinas

You might also like