You are on page 1of 1

HAHAMAKIN ANG LAHAT

Abdon M. Balde Jr.

Ninais ni Dindo na maka partner niya sa kanilang JS Prom si Cherry kung kaya sinabi niya ito kay
Cherry. Ngunit ang naging tugon nito kay Dindo ay kung makakaya nitong magbreakdance, gagawin niya
itong kapareha sa kanilang JS Prom. Hindi seryoso si Cherry sa kanyang sinabi. Ngunit ang sinabi ni Cherry
ay sineryoso ni Dindo kung kaya siya nga ay nagpraktis ng sayaw kasama si Sam, kahit hirap siya dahil sa
kanyang kapansanan na “Polio” di niya inalintana ang sakit at hirap. Pagkatapos ng isang buwan natuto nga si
Dindo, siya ay muling lumapit kay Cherry. Ngunit ang naging sagot nito ay “serious ka? Kami na ni Joko
noh! Isang malungkot na Dindo ang naglakad pagkatapos ng pangyayaring iyon. Para sa kanya malupit ang
pag-ibig.

(Sangguniin ang aklat na 100 KISLAP ni Abdon Balde Jr., p. 29 na inilathala ng ANVIL
PUBLISHING, INCORPORATED upang mabasa ang kabuuan ng dagling katha)
SKYFAKES
Eros Atalia

Alas dose na. Nagsilabasan na ang mga kasamahan niya sa opisina. Lunchbreak. Niyaya sya ng mga
ito na mananghalian. “Sunod na ako, tatapusin ko lang itong pinapagawa ni Sir, kailangan daw ng 2pm, e”
wika niya.
Naiwan sya sa opisina. Pinaspasan nya ang trabaho. Unti-unti nang umiinit. Hinubad nya ang blazer.
Pinapatay kasi ang aircon sa opisina nila kapag breaktime. 12:40 tapos na ang trabaho. Tinext sya ng mga
kaopisina kung nasaan na sya. “D p tpos. Nxt time n lng. Nwy, I’l juzt eat my baon here,” Kinakailangan
niyang ma-promote. Kailangan niya lang siguro ng magandang break. Sa pinapatrabaho ng kanyang boss,
baka ito na nga ang kanyang break. Mula sa kanyang kinauupuan, kitang-kita nya ang nagdidilim na langit.
Dinukot ang pitaka. Binuksan. Tinititigan ang larawan ng mga anak. Binilang ang barya sa pitaka. Muling
tiningnan ang langit. “Wag kang uulan, Wag”.

(Sangguniin ang aklat na “WAG LANG DI MAKARAOS” na inilathala ng Visual Print Enterprises upang
mabasa ang kabuuan ng dagling katha)

You might also like