You are on page 1of 2

Huwag gawing lokohan ang pagiging Wilaayah (ang

karapatan na maging walee sa nikah/kasal)


 
 
 
 
 
 
Rate This

‫بسم هللا الرحمن الرحيم‬


Hindi na kakaiba lalo na sa ating bansang Pilipinas ang pagtatalo ng ama at ng kanyang anak na babae na nais
magpakasal sa kanyang napupusuan, at kapag hindi sila nagkasundo, ang babae ay nagtutungo sa Islamic
center at doon kukuha ng magiging kapalit ng kanyang ama bilang kanyang walee, kaya maaari na siyang
magpakasal na hindi kailangan ang permiso o pagpayag ng ama.

Kung minsan ay isa mula sa kanyang kamag-anak ang itinatalaga na walee at kung minsan naman ay
kumukuha ng tao na hindi kabilang sa kanilang pamilya.

Linawin natin ang usapin—–ang paglalaro at gawing lokohan ang pagkuhan ng walee ay maaaring humantong
upang ang kontrata ng kasal ay ituring na WALANG BISA, kahit pa ito ay may tatak at selyado, at maraming
saksi sa kasalan na naganap.

ANG PAGKAKASUNOD-SUNOD NG MAAARING KUNIN NA WILAAYAH AYON SA BATAS NG


SHARI’A

Ang mga sumusunod ay ang hanay ng mga wilaayah na ang bawat isa ay kinakailangan na mayroong wastong
pag-iisip, nasa wastong gulang at Muslim.

1. Ama
2. Lolo (mula sa pamilya ng ama)
3. Lolo sa tuhod (mula sa pamilya ng ama)
4.  Anak
5.  Apong lalaki
6. Apo sa Tuhod na lalaki
7. Pinakamatandang kapatid na lalaki (sa iisang ama at ina)
8. Ang susunod na pinakamatandang kapatid na lalaki ( at ang mga susunod sa kaniya)
9. PInakamatandang kapatid na lalaki ( sa parte lamang ng ama)
10. Ang susunod na pinakamatandang kapatid na lalaki (sa parte ng ama at ang susunod sa kanya)
11. Ang pinakamatandang anak na lalaki ng pinakamatandang kapatid na lalaki (pamangkin)
12. Ang susunod na matandang pamangkin
13. Ang pinakamatandang pamangkin mula sa parte lamang ng ama
14. Ang susunod sa pinakamatandang pamangkin na nagmula sa parte lamang ng ama
15. Ang apong lalaki ng pinakamatandang kapatid na lalaki
16. Apong lalaki ng pinakamatandang kapatid na lalaki sa parte lamang ng ama
17. Pinakamatandang tiyuhin sa parte ng ama
18. Ang susunod na nakatatandang tiyuhin sa parte ng ama
19. Pinakamatandang anak na lalaki ng pinakamatandang tiyuhin sa parte ng ama
20. Ang susunod na nakatatandang anak ng pinakamatandang tiyuhin sa parte ng ama
21. Pinakamatandang tiyuhin sa tuhod
22. Ang susunod na nakatatandang tiyuhin sa parte ng ama.

MAHALAGA:
Ang bawat walee na nabanggit ay may karapatan na magtalaga ng isa na maaaring umakto bilang kapalit niya.
Kung gayon, kapag itinalaga ng ama ang kapatid na lalaki ng babae bilang kapalit niya, ang kapatid na ito ang
siyang magiging legal at opisyal na walee ng babae, kahit pa nandoon ang lolo ng babae,sapagkat ang kapatid
ang napili ng ama upang maging mapagkakatiwalaang walee na papalit sa kanya.

Kung ang lahat ng nabanggit sa itaas ay wala, maaari nang kumuha ng walee na hindi nagmula sa kanilang
pamilya sa pamamagitan ng kinauukulan na Muslim.

Ang anomang paglabag sa pagkakasunod-sunod ng mga ito–halimbawa ay nagpakasal ang babae na ang
kinuhang walee ay ang kanyang kapatid gayong naroon naman ang kanyang ama–ang kontrata ay WALANG
BISA.

MGA ESPESYAL NA PAGKAKATAON


Ang kinikilalang qadi o hukom ay maaaring magdeklara kung ang isang lalaki ay hindi karapat-dapat na
maging walee ng babae sa mga kadahilanan na ; ito ay walang kakayahan , katulad ng pagiging lasenggo,
mapang-api, hindi relihiyoso, matagal na panahon ng pagkawala o hindi pagpayag na maipakasal ang babae sa
kahit kanino, atbp. Sa ganitong pagkakataon, ang hukom ay maaaring magtalaga ng susunod na walee ayon sa
hanay na nabanggit sa itaas.

ITO AY ISANG USAPIN NA PINAGPAPASYAHAN NG QADHAA (HUKOM) , AT HINDI SA


PAMAMAGITAN LAMANG NG ISANG TAWAG SA TELEPONO O NG ISANG FATWA NA HINDI
PINAG-ARALAN.
Sa ibang pagkakataon, ang babae ay nagmula sa isang hindi Muslim na pamilya kung kaya, walang sinoman sa
kaniyang kapamilyang lalaki ang karapat-dapat at nasa kundisyon upang kanyang maging wilaayah sapagkat
hindi sila mga Muslim. Kung gayon ay maaaring magtalaga ng walee na lalaking hindi nagmula sa kanyang
sariling pamilya.

********

[Isinalin mula sa panulat ni : Moosaa Richardson]


Bakkah.net

You might also like