You are on page 1of 1

Sanao, Krizia Nicole P.

FLIN01G: Activity 01

BSBA-MA 301 27TH October 2022

Ang salitang ‘tsismis’ ay isang makasaysayan na komunikasyon sa mga Pilipino kung


saan lagi silang may nasasabi o naikwento na mga impormasyon na maaring makatotohanan o
hindi makatotohanan. Nakasanayan na itong pangkomunikasyon ng mga Pilipino dahil sa palagi
itong naririnig o ginagamit kapag sila ay may inilalahad. Maari itong magamit sa isang aktwal na
usapan o kahit man sa paggamit ng mga cellphone at social medias.

Ito ay nakakapagbigay kasiyahan sa isang magkakagrupo o kahit man iilan o


magkabilang panig kayong naguusap dahil sa mga kwentong inyong inilalahad kahit ito ay
mahaba. Ngunit, ang isang tsismis ay nagbibigay din ng negatibong epekto sa mga Pilipino lalo
na’t nagpapakalat ito ng mga maling impormasyon. Isang halimbawa na dito ang aking
karanasan sa pakikipagusap sa aking mga mahal na buhay. Araw araw kaming nagtsitsismisan
lalo na kapag may mga balita kaming nasagap sa kung ano man ang ideya na maari naming
mailahad.

Maaari itong manggaling sa social medias, balita, o kahit sa mga aktwal na pangyayare.
Kahit kami man ay malalayo at magkakaiba ang aming oras, kami ay nagkakaroon parin ng
kwentuhan o mga usap-usapin na kung ano man ang pumasok sa aming isipan na
mapagkwentuhan.

Sa panahon ngayon, ang tsismis ay nakakapagbigay na ng kasiyahan at napagmamadali


na nito ang pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino, pati narin saang panig ng mundo.
Napapahaba narin nito ang usapan at napapalago na rin nito ang pagkakaroon ng mga kaibigan
dahil nagkakaroon sila ng pare-parehong mga ideya na inilalahad. Naging isang malaking tulong
narin ito bilang isang libangan lalo na sa mga malalayo sa kanilang mga mahal sa buhay.
Sapagkat, ang tsismis ay gamitin rin natin sa tama at sa taong walang makakasakit. Iwasan natin
magpakalat ng mga maling impormasyon.

You might also like