You are on page 1of 3

Dexter: Magandang(3x) umaga sa inyong lahat, ito po ulit ang Dexter in Action at maghahatid

ng mga nagbabagang balita ngayong araw!


Marione: Magandang umaga sa inyong lahat! Ito nga at nagbabalik muli ang iyong kapartner,
Marione at your service!
Dexter: Ka-partner, alam mo ba na maraming mga issue na naman ang nagkakalat ngayon?
Marione: Ay oo naman, ka-partner! May mga bagong dumating na reklamo na naman ngayong
linggo, naku!
Dexter: Hay naku! Ka-partner, ito nga ang nangungunang magreklamo, si Miss Jenny! Abay
nirereklamo niya si Miss Allheya dahil sa pagkakalat ng issue na buntis daw siya!
Marione: Abay nagbabagang balitaw talaga ito, ka-partner! Eh kung ako man ang nasa sitwasyon
ni Miss Baluyot eh di ko din magugustuhan iyon HAHAHAHHA
Dexter: Tama ka diyan, ka-partner. At ito nga sila Miss Jenny Baluyot at Miss Allheya,
magandang umaga sa inyo!

(Papasok si Jenny at Allheya)

Jenny/Allheya: Magandang umaga po, Sir Dexter.


Dexter: Miss Baluyot, ano nga ba itong inirereklamo mo kay Miss Allheya?
Jenny: Eh sir Dexter, kasi po itong si Allheya ipinagkakalat niya na buntis daw ako.
Dexter: Aba! Totoo ba iyon, Miss Allheya?
Allheya: Naku, sir dexter, hindi ko po alam ang pinagsasasabi ni Jenny, wala akong sinasabing
buntis siya.
Jenny: (Lumalakas na ang boses) Iyun ang naririnig ko sa mga kapit-bahay ko! Sayo raw
nagmula ang isyu tungkol sa akin!
Allheya: (Malakas na boses) Narinig ko lang din naman ang isyung iyon sa isa ko pang kumare!
Siguraduhin mo muna kasi bago ka magreklamo sakin!
Jenny: (Parang susugurin si Allheya) Ikaw kasi yung nagsimula ng isyu na yun kaya nasisira ang
buhay ko ngayon!
Allheya: Hindi nga kasi ako! Pakinggan mo kasi ang sasabihin ko!
Jenny: Sana kasi hindi ka nalang nagsa--
Dexter: Kalmahan niyo muna.
Marione: Kalma po muna kayo.
Dexter: Pansamantala po muna kaming magpapaalam dahil nagkakainitan na itong dalawa,
hintayin niyo po kami at kami ay magbabalik, dito lang sa Dexter in Action.
"COMMERCIAL"
(PAPASOK SILA KEAN, JESSA AT VALENTINE)

Valentina: Ikaw ba ay may karamdaman tulad ng pananakit ng paa at katawan? Dito kana sa
Centrum Silver, mababa ang presyo at malakas magpagaling!
Jessa: Ano nga ba ang iyong karamdaman dati, Tay?
Kean: Dati ay nananakit lagi ang aking mga tuhod at ang aking likod na halos ay hindi na ako
makatayo o makalakad pa, pero nang gumamit ako ng Centrum Silver biglang gumaling ang
aking karamdaman!

(Papasok si Arthur at Jovel)

(Sasayaw ng "Sayaw Kikay" sila Kean, Arthur at Jovel. Hawak ni Kean ang Centrum Silver
habang sumasayaw)

(Pagkatapos sumayaw, papasok ulit sila Marione, Dexter, Jenny, Allheya, Mariel at ang ibang
staff)

Dexter: At kami ay nagbabalik ulit ditto lang sa Dexter in Action!


Marione: Kanina ay talagang nagiinitan na ang dalawa pero ngayo’y medyo lumamig na ang
kanilang mga ulo hahahah.
Dexter: Balikan nating muli sila Miss Baluyot at Miss Hermonicio. Ngayong nakapag-usap na
kayo ng masinsinan kumusta ang iyong pakiramdam, Miss Baluyot?
Jenny: Medyo nagkaintindihan na po kami ni Allheya pero di ko parin makalimutan yung
nangyari kasi nasira po talaga yung pangalan ko, Sir Dexter.
Dexter: Naiintindihan kita, Miss Jenny. Pero ano ng aba ang iyong natutunan sa isyu o
problemang ito ngayon?
Jenny: Natutunan ko pong hindi agad

Dexter: Mabuti naman kung ganon ano. Ikaw ba, Miss Allheya, ano ang iyong natutunan sa
problema niyo ngayon na kaaayos lang?
Allheya: Natutunan ko pong hindi agad sa mga chismis at hindi agad magsasabi-sabi kahit
kanino lang lalo na kung alam mong may masisirang pangalan.
Dexter: Aba’y mabait pala itong si Miss Allheya ano, pero sa kanyang ginawa talaga ay
napakamali niyon pero nagkaayos naman na sila at maayos naman na kaya maganda iyon.
Marione: Sana lang talaga ay di na maulit yun, Ka-partner.
Dexter: Oo nga, Ka-partner. At dito nga nagtatapos at nasulosyunan ang isyu nila Miss Baluyot
at Miss Hermonicio! Ako nga ulit si Dexter Basierto naglilingkod para sa aking kababayan.
Marione: At ako ulit si Mariona, laging nandito para sa inyo.
Dexter/Marione: Dito lang sa Dexter in Action!

“COMMERCIAL”
(PAPASOK SI HANNAH)
HANNAH:

You might also like