You are on page 1of 30

TEKSTO

KAHULUGAN NG TEKSTO
• Ang teksto ay isang babasahin na puno ng ideya ng iba’t
ibang tao at impormasyon.
• Isang babasahin o lathain na maaaring tula,
talambuhay, kwento, sanaysay at iba pa.
• Ang lawak ng wika na binibigyang-kahulugan ng walang
konteksto (Cook, 1989)
• Ayon kay Wood (1997;96), ang teksto ay higit pa sa
mga nakasulat na dokumento o binigkas na talumpati.
LAYON NG TEKSTO

• Tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin ng may-


akda sa mga mambabasa. Ang mga kaisipang ito ay
may katiyakang kaugnayan sa sarili sa isang tiyak na
personalidad. Ito ay ang pagpaparating ng kaisipan
mula sa may-akda tungo sa mambabasa.
TONO NG TEKSTO

• Tumutukoy sa naghaharing damdamin ng teksto.


Maaaring ito ay malungkot, masaya, nagagalit,
natutuwa, nanghihinayang, nagmamakaawa at iba
pang kaugnay nito. Nakilala ang mga ito sa
pamamagitan ng pagsusuri sa mga tiyak na salitang
ginamit ng manunulat.
• Tumutukoy sa tiyak na damdamin ng manunulat.
MGA URI NG TEKSTO
• TEKSTONG IMPORMATIBO
• TEKSTONG DESKRIPTIBO
• TEKSTONG NARATIBO
• TEKSTONG PROSIDYURAL
• TEKSTONG PERSUWEYSIB
• TEKSTONG ARGUMENTATIBO
MGA URI NG
TEKSTO
1. TEKSTONG IMPORMATIBO
• Isang uri ng babasahing di piksyon. Ito ay
naglalayong magbigay ng impormasyon o
magpaliwanag nang malinaw at walang pagkiling
tungkol sa iba’t ibang paksa.
• Hindi ito nakabase sa kanyang sariling opinyon
kundi sa katotohanan at mga datos kaya’t hindi
nito masasalamin ang kanyang pagpabor o
pagkontra sa paksa.
HALIMBAWA NG TEKSTONG IMPORMATIBO
• Pahayagan (news paper)
• Encyclopedia
• Posters
• Talambuhay at sariling talambuhay
• Libro at aklat-aralin
• Mga tala (notes)
• Listahan (directory)
• Diksyunaryo
• Ulat
• Mga legal na dokumento
• Manwal panturo (instructional manual)
2. TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Maihahalintulad ito sa isang larawang ipininta o iginuhit
kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na
rin nila ang orihinal na pinagmulan ng larawan.
• Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit
ng manunulat upang mailarawan ang bawat tauhan,
tagpuan, mga kilos o galaw, o anumang bagay na nais
mabigyang-buhay sa imahinasyon ng mambabasa.
HALIMBAWA NG TEKSTONG DESKRIPTIBO
• Talaarawan
• Proyektong Panturismo
• Talambuhay
• Rebyu ng pelikula o palabas
• Obserbasyon
• Akdang Pampanitikan
3. TEKSTONG NARATIBO
• Pagsasalaysay o pagkukuwento ng mga pangyayari
sa isang tao o mga tauhan, nangyari sa isang lugar
at panahon o sa isang tagpuan nang maayos na
pagkakasunod-sunod mula simula hanggang
katapusan.
• Ang pangunahing layunin ng tekstong ito ay
makapagsalaysay ng mga pangyayaring
nakapanlilibang o nakapagbibigay-aliw o saya.
HALIMBAWA NG TEKSTONG NARATIBO
• Maikling Kuwento
• Nobela
• Kuwentong-bayan
• Mitolohiya
• Alamat
• Tulang pasalaysay (epiko, dula, anekdota,
parabula at iba pa)
4. TEKSTONG PROSIDYURAL
• Isang espesyal na uri ng tekstong ekspositori.
• Inilalahad nito ang serye o mga hakbang sa
pagbuo ng isang gawain upang matamo ang
inaasahan.
• Nagpapaliwanag ito kung paano ginagawa ang
isang bagay.
• Layunin nitong maipabatid ang mga wastong
hakbang na dapat isagawa.
HALIMBAWA NG TEKSTONG PROSIDYURAL

• Recipe
• Mga nakapaskil na direksyon o hakbang sa
pagpoproseso ng isang dokumento o serbisyo
• Mga booklet o hakbang na kalakip sa mga
bagong biling appliances o mga kagamitan
5. TEKSTONG PERSUWEYSIB
• Layunin nitong manghikayat o mangumbinsi
sa babasa ng teksto.
• Isinusulat ito upang mabago ang takbo ng isip
ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng
manunulat ang siyang tama.
• Subhetibo ang tono at taglay nito ang personal
na opinion at paniniwala ng may-akda.
3 PARAAN NG PANGHIHIKAYAT AYON KAY
ARISTOTLE
• Ethos- kredibilidad ng isang manunulat
• Pathos- emosyon o damdamin
• Logos- lohika
(ad hominem fallacy- ang manunulat ay sumasalungat
sa personalidad ng katunggali at hindi sa
pinaniniwalaan niya)
HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSUWEYSIB

• Iskrip sa Patalastas
• Propaganda na ginagamit sa pangangampanya
• Flyers ng mga produkto
• Brochures na naghihikayat
• Talumpati
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO
• Nangungumbinsi batay sa datos o impormasyon
• Obhetibo ang tono at batay sa datos o
impormasyong inilatag ng manunulat.
• Inilalahad ng may-akda ang mga argumento,
katwiran, at ebidensya na nagpapatibay ng
kanyang posisyon o punto.
HALIMBAWA NG TEKSTONG ARGUMENTATIBO

• Posisyong papel
• Tesis
• Papel na Pananaliksik
• Editoryal
• Petisyon
• Debate (Balagtasan)
DALAWANG
KLASE NG TEKSTO
1. TEKSTONG AKADEMIK

• Ang tawag sa mga tekstong ginagamit sa pag-aaral


ng humanidades, agham panlipunan at agham
pisikal.Taglay nito ang mga terminolohiya, uri ng
diskurso o pahayag, nilalaman ng teksto at ang
mga konseptong inilalahad.
AGHAM PANLIPUNAN
• Civilization-kabihasnan • Revenue-rentas
• Brotherhood-kapatiran • Nationhood-pagkabansa
• Currency-salapi • Patrimony-kayamanang
• forceclosure- pag-ilit mana
• Leasehold-pamumuwisan
• Jeopardy-panganib
• Illeteracy-kamangmangan
• Scarcity-pagdarahop
• Rapporteur-Tagapag-ulat
• Kinsfolk-angkan • Mandate-utos
AGHAM
• Acid-asido • Skeleton-kalansay
• Astronomy-dalubtala • Cloud-ulap
• Bacteria-bakterya • Chemical-kemikal
• Earth-daigdig • Energy-enerhiya
• Echo-alingawngaw • Experiment-eksperimento
• Eclipse-Paglalaho • Fertilizer-pataba
• Kidney-bato
• Membrane-lamad
MATEMATIKA
• Area-kabuuang laki • Interest-tubo
• Circumference- • Graph-Talangguhit
kabilugan • Hectare-Hektarya
• Decimal-panampunan • Percentage-Bahagdan
• Decimal point-tuldok
panampu
• Factor-sangkap
TEKNOLOHIYA

• Global Variable- Pandaigdig na Baryabol


• Graphic Pannel- Grapik Panel
• Hard Copy- Matigas na Kopya
• High Speed Memory- Memoryang Hayispid
• Failure- Di-paggana
2. TEKSTONG PROPESYONAL
• Yaong mga teksto na nagdaan sa mabalasik na pag-
aaral at pananaliksik at ito ay para sa mga taong
ang gustong pag-aralan ay yaong mga bagay na
makakatulong upang maging malawak ang kanilang
kaalaman gaya ng abogasya at medisina dahil ito ay
nakakatulong upang kanilang malaman ang mga
bagay na mga patunay o pinatutunayan ng mga
akda.
MEDISINA

• Medicine-gamut
• Doctor-manggagamot
• Heartbeat-tibok ng puso
• Addiction-pagkagumon
• Paradox-kabalintunaan
• Medication-paggamot
BATAS
• Deadly weapon-nakamamatay na armas
• Death row- Hilerang kamatayan
• Debenture-bono
• Deception-daya
• Ratification-pagpapatibay
• Rational basis- may talinong batayan
• Fair comment-patas na komento
PAGPAPAHALAGA
Para sa iyo, ano ang pinakagamiting uri ng teksto na
iyong magagamit batay sa kursong iyong kinuha?
Bakit?

Sagutin ang katanungang nasa ibaba sa loob lamang ng 3-


4 na mga pangungusap. Ibatay ito sa iyong saíiling
kaíanasan at obseíbasyon bilang isang mag-aaíal ng
asignatuíang Filipino.(Google Classíoom)
SANGGUNIAN:
• https://philnews.ph/2020/02/25/halimbawa-ng-tektstong-
impormatibo-mga-halimbawa-ntio/
• Pinagyamang Pluma (Pagbasa at pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
• https://prezi.com/l-_dvvmsmfq6/katangian-ng-teksto-at-rejister-ng-
ilang-disiplina-agham/

You might also like