You are on page 1of 1

Hindi matahimik na kaluluwa

Sa panulat ni: Riaze Leigh Kaye C. Gonzales

Marahil ika’y nagtataka kung bakit ko piniling itigil ang lahat. Pangarap, pag-ibig at
buhay. Kung gaano kasaya ang mga bata sa tuwing uuwi na ang kanilang ama sa kanilang
tahanan, ganun naman kalungkot ang aking gabi. Walang amang uuwi na may dalang
pasalubong, bagkus ay isang bote ng gin ang hapunan na ihahain niya, hindi para saakin kung
hindi para sakanya. Lasang lasa ko ang dugo sa aking bibig ng minsan siyang umuwing galit na
galit dahil sa pagkatalo sa sugal. Sabunot, tadyak at suntok ang naging pasalubong niya. Naaalala
ko pa kung paano ang dingding na naghahati sa kwarto ko at sa kusina ay nabutas sa lakas ng
hagis saakin ni papa, na sa sobrang lakas ay hindi ko na namalayan na nawalan ako ng malay.
Nagising nalang ako ng may bote na kumalansing sa pagkakahulog nito sa kama “Tulog na si
papa” nanghihinang bulong ko. Dahan-dahan kong binuksan ang kandila sa altar na nasa tabi ng
picture ni mama, ilang taon na rin pala simula nung sinalanta kami ng bagyo, iyon ang huling
kita ko kay mama. Isinakay niya ako sa truck papunta sa evacuation at sinabi niya na susunod
siya, ngunit, sampong taon na ang nakalilipas naghihintay parin ako na siya ay dumating. Simula
noon hindi ko na rin kilala si papa, ang dating “mahal na mahal kita anak” ay napalitan ng mura,
ang dating yakap ay napalitan ng suntok, at ang dating haplos ay napalitan ng tadyak.
Kinabukasan nakita ko si papa daig pa ang bagong silang na sanggol sa paghagulgol. Maraming
tao ang nakapaligid sa bahay, may mga lamesa, hating gabi na ngunit, may ilaw na nakakasilaw
sa sala ng aming bahay. “Anak ko, patawarin mo ako” paulit-ulit na bigkas ni papa habang
humahagulgol. “Mahal na mahal kita” ngayon ko nalang ulit ito narinig mula sakanya, ngunit
huli na. “Patawad pa, pagod na ho ako.”

You might also like