You are on page 1of 1

Panuto: Sumulat ng isang repleksyon batay sa introduksyon sap ag-aaral ng ating

asignatura

Ang modyul 1 ay tumatalakay sa introduksyon ng asignaturang ng Mga Natatanging


Diskurso sa Wika at Panitikan. Dito binigyan paunang impormasyon ang mga aralin na
tatalakayin ng kursong ito kabilang na ang pangungusap. Sinabi rito na maraming araling
nakapaloob sa asignaturang Filipino ay tungkol sa pangungusap sapagkat napakalawak na
aralin na ito dahil sa mga sangay kung kaya maraming itong topikong sangay na kinakailangan
aralin. Ang uri ng pangungusap na payak, tambalan, hugnayan, at langkapan ang unang
itinuturo sa elementarya tungkol sa pangungusap sapagkat ito ay mas madaling mauunawaan
ng mga mag-aaral. Ang apat na ito ay mabisang pundasyon ng kaalaman tungkol sa wika upang
mas madali pang maunawaan ang iba pang topikong sangay kapag tumungtong na sa
sekondarya.

Ang modyul ay nagpokus lamang sa pagtalakay ng payak at tamblan. Kapag sinabing


payak, ito ay uri ng pangungusap na nagalahad ng buong kaisipan sa pamamagitan ng payak
na paksa at payak na panaguri. Kailangan tandaan na kapag payak ang isang pangungusap ay
gumagamit lamang ng payak na simuno at panaguri sa pagbuo ng pangungusap. Halimbawa
nito, “Maagang gumising si Aling Myrna”. Mapapansin sa pangungusap na kumpleto ang
kaisipan at gumagamit lamang payak na paksa at payak na panaguri.

Sa kabilang banda, ang tambalan ay uri ng pangungusap na binubuo ng dalawa o higit


pang malayang sugnay o sugnay na makapag-iisa. Kadalasan na ito ay binubuo ng dalawang
pangungusap na pinag-uugnay ng mga pangatnig. Ito rin ay makikitaan ng dalawa o higit pa na
kasipan. Halimbawa nito, “Mahilig si Maria kumanta ngunit hindi maganda ang kanyang boses”.
Makikita na dalawang kaisipan ang mayroon sa pangungusap at ito ay ginamitan ng pangatnig
na “ngunit”.

You might also like