You are on page 1of 4

Morpema

1. 1. Ang morpolohiya ay isang pag- aaral o pagsusuri sa mga morpema ng isang wika at
pagsasama-sama nito upang makabuo ng isang salita.
2. 2. Pinakamaliit ng yunit ng salita na nagtataglay ng kahulugan.
3. 3. 1. Morpemang ponema o makabuluhang tunog. -binubuo lamang ng ponemang /o/ at /a/
na may kahulugang taglay na nagpapakita ng kasarian.
4. 4. Halimbawa: o a doktor doktora propesor propesora abugado abugada Kusinero kusinera
Mario Maria Ignacio Ignacia
5. 5. Maituturing itong malayang morpema dahil nakatatayo itong mag-isa. Halimbawa: Dagat
takbo hiram puti Sulat linis bata galaw
6. 6. Ito’y ikinakabit sa salitang-ugat na may kahulugang taglay at matatawag ding di-malayang
morpema dahil hindi nakakatayong mag-isa. Halimbawa: ma- may kahulugang taglay o
pagkamayroon um- gawi o gawain
7. 7. Ang mga panlaping idinudugtong sa salitang-ugat ay maaaring makabuo ng salitang
makangalan, makauri at makadiwa. Halimbawa: mag- + laro= maglaro (makadiwa) ma- +
sipag= masipag (makauri) mag- + ama= mag-ama (makangalan)
8. 8. 1. Morpemang may kahulugang pangnilalaman o leksikal Ito ay binubuo ng mga
pangngalan at panghalip bilang nominal, pandiwa at mga panuring pang-abay at pang-uri
Hal: aso- pangngalan maganda- pang-uri
9. 9. 2. Morpemang may kahulugang pangkayarian Walang kahulugang taglay hanggaa’t di
naisasama sa iba pang morpema. Pananda- si, sina, ng, mga, ang, ang mga, Pang-angkop-
na, -ng Pang-ukol- uol sa/kay, alinsunod sa/kay, sa, ayon sa/kay Pangatnig- at, subalit,
datapwa’t, ngunit
10. 10. 3. Derivasyonal Ito ay morpemang pinaghahanguan o pinagmulan. Hal: awit(song) =
mang-aawit (singer) sulat (letter) = manunulat (writer)
11. 11. 4. Infleksyunal Nagagawa ito sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpemang panlapi
sa pandiwa sa iba’t ibang aspekto. Hal: kumain kumakain kakain

FiliPINAYamang
Kaalaman
Sabado, Marso 11, 2017

Ang Banghay-Aralin sa Filipino 18 "Alomorp ng Morpema


at Pagbabagong Morpoponemiko"
Ang Banghay-Aralin sa Filipino ng Fil 18
Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko

I. Layunin:
Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbigay ng tigdalawang halimbawa ng salita na may alomorp kalakip dito ay ang pagsunod
sa mga alintuntunin ng mga panlaping may alomorp sa Filipino.
b. Nakapabigay ng tig-isang halimbawa sa mga proseso ng pagbabagong morpoponemiko.
c. Naipakita ang pagiging totoo sa pamamagitan ng pagwawasto ng kanilang sariling sagot sa mga
tanong na ibinigay sa unang gawain.

II. Paksang-Aralin, Sanggunian at Kagamitan:


a. Paksa: Alomorp ng Morpema at Pagbabagong Morpoponemiko.
b. Sanggunian: http://filipino-wika-at-panitikan.blogspot.com
https://szhayne.wordpress.com/wika/aralin-3-5-pagbabagong-morpoponemiko/
c. Kagamitan: Sagutang papel, atbp.

III. Pamamaraan: Guro-mag-aaral-teksto.


a. Panalangin
b. Pagsasaayos
c. Pagtatala
d. Pagbabalik-aral

IV. Pagganyak:
Ang guro ay maghahanda ng palaro para sa kanyang mga mag-aaral. Ang pangalan ng
laro ay “Matira-matibay” na kung saan kanyang susubukin ang dating kaalaman ng mga mag-
aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa mga katanungan ng “Tama” o “Mali’. May mga
pamantayang sasabihin ang guro. Kung sino ang tatlong matitira ay magkakaroon ng
tigdalawang karagdagang puntos at pag isa na lang ang natira ay magkakaroon ulit ng dagdag
tatlong puntos. Ang mga matatanggal sa palaro ay ipagpapatuloy parin ang pagsagot sa mga
katanungan sa kanilang sagutang papel na ibinigay ng guro.

A. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang mga katawagan ng may kaugnayan sa kanilang pag-aaral sa
alomorp ng morpema at pagbabagong morpoponemiko. Ilalahad ang apat na panlaping may
alomorp sa Filipino ang pang, mang, sang at sing. At ang pitong uri sa proseso ng pagbabagong
morpoponemiko. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Asimilasyon na may dalawang uri ang
asimilasyong ganap at di-ganap 2. Pagkakaltas-ponema 3. Pagpapalit-ponema 4. Paglilipat-diin
5. Metatesis 6. May Angkop at pang 7. May sudlong o Padaragdag Ponema.
B. Pagtatalakay
Dito na tatalakayin ng guro isa- isa ang mga alomorp at mga pagbabagong
morpoponemiko. Dito mas matatagalan ang pagtuturo dahil sisiguraduhin ng guro na
maiintindihan ng kanyang mga mag-aaral ang kanyang itinuturo. Gagawin ang pinakamainam na
paraan upang maging madali sa mga mag-aaral ang pag-unawa sa apat na panlaping may
alomorp sa Filipino upang mas maging madali sa kanila ang pag-aaral sa ilan sa mga uri ng
pagababagong morpoponemiko. Dadahan-dahanin lang ng guro ang kanyang pagtuturo upang
ang kanyang itinuturo ay mas mauunawaan ng kanyang mag-aaral. Sa kalagitnaan ng
pagtatalakay kung mangyayari may itatanong ang guro at pag may nakasagot ay magbibigay di
ng karagdagang isang punto.

C. Paglalapat
Mangyayari ang mag-aaral ay hihingan ng guro ng tigdalawang halimbawa na
ginagamitan ng panlaping may alomorp at mangyayari ito pagkatapos mismo ng
pagtalakay. Pareho rin ang mangyayari pagkatapos ng pagtalakay sa Pagbabagong
Morpoponemiko pagkatapos ng pagtatalakay ay agad itong lalapatan ng mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbigay ng sariling halimbawa.

D. Paglalahat
Tatanungin ulit ng guro ang mga mag-aaral kung kanila bang naunawaan ang paksang
tinalakay. Kagaya ng mga tanong na; Ano nga ulit ang alomorp? Anu-ano ang mga panlaping
may alomorp? Kailang nating gagamitinang alomorp ng pang, mang, sang at sing? Ang
Pagbabagong Morpoponemiko, ano nga ulit ito?... atbp.

E. Pagtataya
Ang guro ay may gaganaping paligsahan. Paligsahan sa tagisan ng talino. Ang klase ay
hahatiin ng guro sa dalawang pangkat, ang guro ang mamimili ng lider sa dalawang pangkat at
magbibilang ng isa-dalawa isa-dalawa ang mga mag-aaral na hindi napili. Ang bawat pangkat ay
bibigyan ng guro ng mga kagamitan upang kanilang magagamit sa pagsagot sa mga katanungan.

Isinagawa ni:

Flordiliza M. Pacquiao
BSEd-II

You might also like