You are on page 1of 3

Bibigyan ka Niya ng lakas.

Isaias 40:29-31
Ang mahihina't mga napapagod ay kanyang pinapalakas. Kahit na ang mga kabataan ay
napapagod at nanlulupaypay. Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay
Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad
ngunit hindi manghihina.

Magbubunga ang mga paghihirap mo.


Galacia 6:9
Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay
aani kung hindi tayo magsasawa.

Puwede kang magpahinga sa Kanya


Mateo 11:28
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nahihirapan at nabibigatang lubha sa inyong pasanin, at
kayo'y bibigyan ko ng kapahingahan.”

Masakit madisiplina, pero nakabubuti ito para sa’yo


Hebreo 12:11
Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon,
mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.

Ang lahat ng iyong ginagawa ay para sa Panginoon


Colosas 3:23-24
Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo nang buong puso na parang sa Panginoon kayo
naglilingkod at hindi sa tao.
Sapagkat si Cristo ang Panginoong pinaglilingkuran ninyo at alalahanin ninyong pagkakalooban
kayo ng Panginoon ng gantimpalang inilaan niya para sa inyo.

Walang Imposible sa Panginoon


Mateo 19:26
“Hindi ito magagawa ng tao, ngunit magagawa ng Diyos ang lahat ng bagay.”

Walang Imposible sa Panginoon


Marcos 10:27
“Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng
bagay ay kayang gawin ng Diyos.”

Tatapusin Niya ang Kanyang sinimulan


Filipos 1:6
Natitiyak kong ang mabuting gawang pinasimulan sa inyo ng Diyos ay kanyang lulubusin
hanggang sa araw ng pagbabalik ni Jesu-Cristo.

‘Wag kang matakot, kasama mo ang Panginoon


Isaias 41:10
Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba.
Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas.

‘Wag kang matakot, kasama mo ang Panginoon


Awit 27:1
Si Yahweh ang ilaw ko at kaligtasan; sino pa ba ang aking katatakutan? Si Yahweh ang muog
ng aking buhay, sino pa ba ang aking kasisindakan?

‘Wag kang matakot, kasama mo ang Panginoon


Deuteronomio 31:6
Magpakatatag kayo at lakasan ninyo ang inyong loob. Huwag kayong matakot sa kanila
sapagkat sasamahan kayo ni Yahweh na inyong Diyos. Hindi niya kayo iiwan ni pababayaan
man.

May lakas kang harapin ang lahat


Filipos 4:13
Ang lahat ng ito'y magagawa ko dahil sa lakas na kaloob sa akin ni Cristo.
Hindi ka pababayaan ng Panginoon
Deuteronomio 31:8
 
Si Yahweh ang mangunguna sa iyo. Sasamahan ka niya. Hindi ka niya bibiguin o pababayaan
man, kaya't huwag kang matakot ni panghinaan ng loob.

Sa iyong kahinaan, makikita ang lakas ng Panginoon


2 Corinto 12:9
“Ang pagpapala ko ay sapat sa lahat ng pangangailangan mo; lalong nahahayag ang aking
kapangyarihan kung ikaw ay mahina.” Kaya't buong galak kong ipagmamalaki ang aking mga
kahinaan upang lalo kong madama ang kapangyarihan ni Cristo.

Darating ang araw na sasaya ka rin


Awit 30:5
Ang kanyang galit, ito'y panandalian, ngunit panghabang-buhay ang kanyang kabutihan. Sa
buong magdamag, luha ma'y pumatak, pagsapit ng umaga, kapalit ay galak.

Magtiwala ka sa Kanya at ‘di ka Niya pababayaan


Kawikaan 3:5-6
Tumiwala ka sa Panginoon ng buong puso mo, at huwag kang manalig sa iyong sariling
kaunawaan:Kilalanin mo siya sa lahat ng iyong mga lakad, at kaniyang ituturo ang iyong mga
landas.

Pakikinggan ng Panginoon ang lahat ng dumadaing sa Kanya


Mateo 7:7-8
Humingi ka, at bibigyan ka; maghanap, at kayo'y makakakita; kumatok, at ito ay mabubuksan
sa iyo: Sapagka't bawa't humihingi ay tatanggap; at siya na naghahanap ay makakahanap; at
sa kaniya na kumakatok ay mabubuksan.

You might also like