You are on page 1of 24

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
5
ARALING
PANLIPUNAN
Quarter 2 - Module 3
Araling Panlipunan- Grade 5
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Module 3: Naiuugnay ang mga layunin ng Espanyol sa paraan ng pananakop nito sa
katutubong populasyon
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang


8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan
ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa
aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng
Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng
mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala
(publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon -Sangay ng Ozamiz


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Jean G. Veloso, CESO VI

Development Team of the Module

Author: Juliet G. Hipos

Reviewers: Letecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan


Fernando D. Sumondong, PSDS
Joseph L. Galia, Principal

Illustrator and Layout Artist: Ronald A. Catedral, Teacher-III

Management Team
Chairperson: Jean G. Veloso, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Audie S. Borres, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members Anacleta A. Gacasan, CID Chief ES


May P. Edullantes, EPS-LRMS
Latecia D. Tatoy, EPS, Araling Panlipunan
Fernando D. Sumondong, PSDS
Desi G. Aninao, PDO II
Mary Ann Grace J. Manili, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Ozamiz City
Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City
Telefax: (088) 545-09-88
E-mail Address: deped1miz@gmail.com
5
ARALING
PANLIPUNAN
Naiuugnay ang mga layunin ng Espanyol sa paraan ng pananakop nito sa
katutubong populasyon
Quarter 2 – Modyul 3

This instructional material was collaboratively developed and reviewed by


teachers, school heads, Public Schools District Supervisors, and Education Program
Supervisors of the Department of Education - Ozamiz City Division. We encourage
teachers and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education - Ozamiz City Division at
deped1miz@gmail.com.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman
Nilalaman ng Modyul……………………………………………………………….……..i
Icons na Ginamit sa Modyul……………………………...………………………………..ii

ARALIN 1............................................................................................................................................1
Alamin...............................................................................................................................................1
Balikan Natin.....................................................................................................................................2
Suriin.................................................................................................................................................3
Pagyamanin.......................................................................................................................................4
ISAISIP.............................................................................................................................................4
Subukan Natin..................................................................................................................................5
Isagawa Natin....................................................................................................................................5
Alamin...............................................................................................................................................6
Balikan..............................................................................................................................................6
Suriin.................................................................................................................................................7
Pagyamanin.......................................................................................................................................8
Isaisip................................................................................................................................................9
ARALIN 1.2.......................................................................................................................................10
Alamin.............................................................................................................................................10
Balikan Natin...................................................................................................................................11
Suriin...............................................................................................................................................11
Pagyamanin.....................................................................................................................................12
Subukan Natin.................................................................................................................................13
Susi sa Pagwawasto...........................................................................................................................14
Aralin 1............................................................................................................................................14
Aralin 1.1.........................................................................................................................................14
Aralin 1.2........................................................................................................................................15
Sanggunian:.......................................................................................................................................15

i
Ang Nalalaman

Naitanong mo ba sa iyong sarili kung ano ang naging buhay ng ating mga ninuno
noon? May kaibahan ba ang naging buhay nila noon at sa ngayon? Sa kasalukuyang panahon,
naitanong mo din ba na ikaw ay karapat dapat sa mga bagay na natatamasa mo ngayon lalo
na ang kalayaan ? Sa mga nakaraang aralin, napag alaman mo na may sariling kultura at
paniniwala ang mga sinaunang Pilipino ngunit maraming pangyayari na naganap sa
kasaysayan ng Pilipinas na nagpatibay at nagpapatatag sa ating bansa sa kasalukuyan.

Bilang isang Pilipino, nararanasan nating mamuhay nang masaya sa ating sariling
bansa. Nagagawa natin ito sapagkat naninirahan tayo sa isang bansang malaya. Subalit sa
kasaysayan ng Pilipinas dumating din ang panahon na tayo ay nasakop ng iba't ibang bansa sa
pangunguna ng bansang Espanya.

ii
Mga Icon ng Module na ito

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga


Alamin layunin o mithiing dapat matamo sa pag-
aaral mo sa modyul na ito.
Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa
tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin masususuri kung anon a ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga
Balikan
mong natutunan sa nagdaang aralin na may
koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
Suriin
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataon
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang ioyong mahahalagang natutunan sa
Isagawa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Ito ay isang tool sa pagtatasa para sa bawat


modyul upang masukat ang kaalaman at
Tayahin kasanayan na natutunan ng mga nag-aaral.
Sa bahaging ito, isa pang aktibidad ang
ibibigay sa iyo upang pagyamanin ang iyong
Mga
kaalaman o kasanayan sa aralin na natutunan. Ito
Karagdagang
rin ay nagpapanatili ng mga natutunan na
Gawain
konsepto.

iii
Nagbibigay ito ng mga sagot sa iba't ibang mga
Sagot sa aktibidad at pagtatasa.
mgaTanong

iv
Pamagat ng Aralin
1 Naiuugnay ang mga layunin ng Espanyol sa paraan ng
pananakop sa katutubong populasyon

Aralin 1

Alamin

Sa araling ito, inaasahang: tatalakayin ang relasyon ng mga paraan ng pananakop ng Español sa
mga katutubong populasyon sa bawat isa.

Alamin Natin

1. Naiuugnay ang Kristiyanismo sa Reduccion

Source: https://www.pxfuel.com/en/free-photo-xfdwx https://www.wallpaperflare.com/building-


housing-
gate-mansion-house-villa-background wallpaper-gsdiu

Tingnan ang dalawang larawan sa itaas, ano ang napapansin mo? Ano ang Reduccion? Ano ang
kaugnayan nito sa Kristyanismo?

1
Kilalanin ang mga bagong salita:

 bajo de la campana – ilalim ng kampana


 cabecera– poblacion,
 kapital pista – pagdiriwang ng mga patron
 prayle - mga paring kastila Alamin

 pueblo – bayan reduccion- paglipat ng tirahan


 cabecera at sa nakapligid ditong mga visita
 vista – mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa
paligid ng cabecera o poblacion

Balikan Natin
Piliin ang mga sagot na nasa loob ng kahon sa ibaba at isulat sa patlang bago ang bilang.

___________ 1. Paglalakbay-dagat;/paglalayag na may tiyak na layunin


___________ 2. Pananakop Kristiyanismo -pagpapakilala ng relihiyon
___________ 3. Lupang ipinagkatiwala sa mga Espanyol upang pamahalaan, kapalit ang
matapat nilang paglilingkod sa Espanya
___________4 Tagapangasiw sa lupang ipinagkatiwala sa mga Espanyol
____________5. Mga aral; katuruan
____________6. Tinatawag din na bayan
____________7. Sapilitang pagbibili ng mga ani sa kanilang bukid ng mga Espanyol
____________8. Tawag sa poong tagapaglikha
____________9. Alagad ng simbahan na gumaganap ng misyon o pagpapalaganap ng
relihiyong kinabibilangan
____________10. Sistemang pangkabuhayan noong panahon ng mga Espanyol kung saan
sapilitang pinagtatrabaho ang mga kalakihan

bandala bathaladoktrina ekspedisyon encomendero encomienda


kolonya misyoneryo polo polista polo pueblo

2
Nilalaman: Mga Paraan ng Pananakop
Sa nakaraang aralin, natutuhan mo ang mga dahilan ng pananakop ng Espanyol at pati na
rin ang paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya. Ang
proseso ng Kristiyanismo, reduccion, tributo at encomienda at maging ang sapilitang paggawa.
Isang malaking hamon ang kinaharap ng mga katutubo bunsod ng kolonyalismong Espanyol.
Malaki ang nabago sa mga buhay ng katutubo. Bagama’t instrumento ang mga ito sa pagsakop sa
Pilipinas, nagsisilbi din itong daan upang magkaroon ng kamalayan ang mga katutubo pati na rin
sa kanilang mga karapatan at upang maipagtanggol ang kanilang mga sarili.

Suriin

Basahin at Unawain

Kung naalala mo pa ang pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ay may tatlong


pangunahing layunin – bilang pagkukunan ng rekado o pampalasa; pagpapalaganap ng
Kristiyanismo; at pagpapalawak ng kanilang imperyo. Upang mapalaganap ang Kristiyanismo,
hinikayat nila ang mga Pilipino na tumira sa mga cabecera at visita. Ang paglipat sa cabecera ay
pagtira sa “bajo de la campana” o ilalim ng kampana. Ibig sabihin, dinig nila ang panawagan ng
kampana na magtipon sa simbahan. Ang paglipat ng tirahan sa mga cabecera at sa nakapligid
nitong mga visita ay tinatawag na reduccion. Pangunahing layunin nito ay upang mas madaling
makontrol ang mga katutubo kung hindi sila watak-watak at upang mas mapadali ang
pagbabayad ng mga buwis. Maraming Pilipino ang tumutol sa reduccion. Nangangahulugan kasi
itong higit na pagsa-ilalim sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Para naman sa ibang Pilipino,
hindi madaling lisanin ang dating tirahan lalo pa’t maraming salinlahi na ang nanirahan dito.
Upang mahikayat na lumipat sa cabecera at pueblo, nagsagawa ang mga prayle ng mga makulay
na pagdiriwang tulad ng pista. Hindi lamang naging okasyon ito upang palaganapin ang
Kristiyanismo, naging pahinga rin ito ng mga Pilipino sa araw-araw na gawain. Nagustuhan nila
ang mga kaakibat nitong prusisyon, sayaw, musika at mga pagtatanghal. Binigyna halaga din ang
doctrina sa pagtatag ng mga bagong pamayanan kung saan tinuturo ng mga itinalagang
misyonero ang katesismong Katoliko sa mga mamamayan. May mga hindi sumang-ayon sa
reduccion kaya minabuti nilang manirahan sa kabundukan upang doon mamuhay ng malaya-
hindi nagbabayad ng buwis at hindi sumusunod sa patakarang Espanyol at tinatawag silang mga
taong labas

3
Pagyamanin

Gawain A

Gawin ang ugnayang Kristiyanismo at Reducccion sa pamamagita nito:

1. Sumulat ng dalawang stanza ng tula.


2. Lumikha ng awit hango sa awiting pang hawak kamay.

3. Pagdikitin ang mga larawan sa pamamagitan ng collage ang mga


kaganapan sa kristiyanismo at Reduccion.
4. Bumuo ng sariling Rap ukol sa ugnayang Kristiyanismo at Reduccion

ISAISIP

Hindi pabor ang mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino. Para sa kanila, hindi ito
nagpapakita ng sibilisasyon at mas madali nilang makontrol ang mga katutubo pag hindi watak
watak ang kanilang pamayanan. Hiwa- hiwalay ang mga pamayanang nasakop ng mga Espanyol.
May ibang katutubo ang hindi sumang-ayon sa kagustuhan ng Espanyol. Sa pagpapatupad ng
Reduccion, maraming Pilipino ang naalis sa lugar na dati nilang tinitirhan. Binigyang halaga ang
doctrina o pagtuturo ng katesismong Katoliko sa mga mamamayan. Ito rin ang naghanda sa
kanila sa pamumuhay ng parokya. Hindi rin madaling napasunod ang mga Pilipino sa nais
mangyari ng ma Espanyol. Ngunit dahil sa lakas ng kanilang mga sandata at sigasig ng mga
misyonero, nagtagumpay ang pagbabagong-bihis ng mga mamamayan. Gayumpaman, may ilang
bumalik sa dating nilang panahanan tulad sa kabundukan dahil na rin sa pang-aabuso ng
kapangyarihan.

4
Subukan Natin

N ATUTUHAN KO
Pagtambalin ang ang mga salita sa Hanay A at ang mga kahulugan nito na matatagpuan sa
Hanay B. Isulat lamang ang titik nang tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hanay B

___ 1.Kristiyanismo a. pagtuturo ng katolisismong katoliko ng mga mamamayan


___ 2.Misyonero b. parada ng iba’t ibang patron sa Pueblo
___ 3.Prayle c. relihiyong pinalaganap ng mga Espanyol
___ 4.Bajo de la campana d. tawag sa bayan noong panahon ng Kastila
___ 5.Vista e. paring kastila na namamahala sa simbahang katoliko
___ 6. Reduccion f. nanganaghulugang nasa ilalim ng kampana
___ 7. Doctrina g. nagtuturo ng pananampalatayang kristiyanismo
___ 8. Pueblo h. mga baryo, nayon o barangay na matatagpuan sa pueblo
___ 9. Prusisyon i. sapiltang pagpapalipat ng mga Pilipino mula sa
malalayong lugar
___ 10. Pista j. pagdiriwang sa katoliko kung saan inaalala ang iba’t
ibang patron

Isagawa Natin
Sa palagay mo, nakakatulong ba ang reduccion sa pagpapalaganap ng
Kristiyanisasyon ng mga Espanyol? Sa papanong paraan? Isulat ang mga sagot sa
isang buong papel at talakayin bukas.

5
Aralin 1.1

Alamin

Tatalakayin sa araling ito, ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng Espanyol sa mga
katutubong populasyon sa bawat isa. Ang konsepto ng encomienda at mga kwantitatibong datos
ukol sa tributo o pagbayad ng buwis kung saan ito kinokolekta, at ang halaga ng mga tributo.

Gamitin ang mga sumusunod na salita sa pangungusap ayon sa kahulugan nito:

Pag unawa sa mga mahirap na salita:

1. Conquistador - sundalong Espanyol na nakatulong sa pagpapatupad at pagpapalaganap ng


kolonyalismo
2. Encomendero - naniningil ng mga buwis
3. Cabeza de barangay - pinuno ng barangay ng panahon ng kolonyalismong Espanyol sa
Pilipinas
4. Laws of the Indies – kalipunan ng mga batas na mula sa mga pananakop ng Espanyol at
pinaiiral sa mga kolonya

5. Polista - nagtatrabaho sa sapilitang paggawa

Balikan

https://www.pinterest.ph/pin/7810999333115297/

6
Ano ang ipinapakita sa larawan?

Nilalaman: Mga Paraan ng Pananakop

- Pagbayad ng buwis o Tributo

PANIMULA:

Nalaman mo sa nakaraang aralin ang kaugnayan sa pagpapatupad ng patakarang


Reduccion na kung saan binigyang halaga ang pagpapatupad ng ng mga batas sa mga katutubo,
pagpapalaganap ng kristiyanismo at pati na rin ang paghuhuli sa kanila kung lumalabag sa mga
batas. Nagkakaroon ng negatibong epekto ng Reduccion sa mga katutubo sapagkat nalayo sila sa
kanilang pinagkukunan ng kabuhayan at nawalay sa mga kamag-anakan. Gayunpaman, sa
pamamagitan ng Reduccion ay napadali ang pagbibinyag sa mga katutubo sa kristiyanismo lalo
pa na ang nangangasiwa sa pagpapatupad ng Reduccion ay ang mga prayle.

Suriin

Tingnan ang larawan, ano ang tawag sa taong namamahala sa mga mangagawa sa panahon ng
mga Espanyol?

https://www.slideshare.net/ncjopson/spanish-conquest-of-the-islands-9146801

BASAHIN AT UNAWAIN

Ang unang patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Espanyol sa kolonya ang


sistemang encomienda. Ang Encomienda ay teritoryong ipinagkatiwala ang malawak na lupaing
ipinagkaloob ng hari ng Espanya sa mga Espanyol upang pangasiwaan at paunlarin. Ito ay buhat
sa salitang Espanyol na encomendar, na nangangahulugang “ipagkatiwala” o “ipaubaya sa

7
pangangalaga ng isang tao”. Ang sistemang encomienda sa kolonya ay nagsimula ayon sa
kahilingan ni Adelantado Miguel Lopez de Legazpi. Ang adelantado ay nangangahulugang
gobernador-heneral. Hiniling ni Legazpi sa hari ng Spain na gantimpalaan ang serbisyo ng
kanyang kawal sa pagpapalaganap ng kolonyalismo. Tinawag ang mga kawal na ito na
conquistadores. Sa ilalim ng sistemang encomienda, ang lupain ay hindi pagmamay-ari ng
encomendero. Binibigyan lamang siya ng partikular na teritoryo upang mamamahala sa loob ng
dalawa hanggang tatlong henerasyon. Pagkatapos ay dapat na niyang ibalik ang lupain sa
kaharian ng Espanya.
Ang encomienda ay isang yunit administratibo para sa pangungulekta ng buwis. Sa
pasimula, ang buwis na sinisingil ay 8 reales (halos kasinghalaga ng piso noon) sa loob ng isang
taon. Ang kalalakihan na may gulang mula 19 hanggang 60 taon ay dapat magbayad ng halagang
ito sa encomendero. Subalit sa ilang pagkakataon, maaari ding ang buwis ay sa anyo ng ani,
sapilitang paggawa o iba pang bagay na naisipang singilin ng encomendero bilang buwis. Ang
may karapatang humawak sa enconmienda ay tinawag na encomendero. Siya ay may karapatang
sumingil ng buwis mula sa mga mamamayang sakop niya. Tungkulin din niyang pangalagaan
ang kapakanan ng mga ito. Gayunpaman, hindi ang encomendero ang mismong naniningil ng
buwis. Ang tagasingil ng buwis ay ang cabeza de barangay na dating datu o pinuno ng barangay
na nawalan ng kapangyarihan sa pamumuno sa pagdating ng mga Espanyol. Bukod sa tributo ay
may iba pang buwis ang ipinataw sa mga katutubo katulad ng donativo de Zamboanga, falua at
vinta. Ito ay buwis na kailangang bayaran upang suportahan ang hukbong military sa pagsugpo
ng sa pananalakay ng mga Muslim. Ang pagbabayad ng Tributo ay pagkilala sa kapangyarihan
ng hari ng Espanya. Para sa mga Espanyol, nagbibigay daan ito upang mabawasan ang mataas na
pagtingin ng mga katutubo sa kanilng mga sarili. Naging dahilan din ito upang makakuha ng
pera ang mga tiwaling Espanyol na walang hangad kundi ang magpayaman bago bumalik sa
Espanya.

Pagyamanin

GAWIN MO

A. Punan ang mga nawawalang titik upang mabuo ang salita

1. Vi__ __t__ 2. __nco__ __en__ a

3. __n__iez 4. __ ___ ___ quis__a__ __ r

8
5. p__ l__ s__t__

Basahin mabuti ang mga pangungusap at sagutin ang mga tanong sa bawat pangkat
1. Ano ang Encomienda? Paano ba ito nakakaapekto sa pamumuhay ng mga katutubo?
2. Ipaliwanag ang layunin ng mga Espanyol sa sistemang encomienda
3. Sino ang namamahala sa encomienda? Ibigay ang naging tungkulin nito

Isaisip
Malaki ang naging epekto ng sistemang encomienda sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Ang
pagbabayad ng ng tributo ay pagkilala sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Naging dahilan din
ito sa patuloy na pang- aabuso ng mga katutubo. Kahit na nakapagbibigay ito ng mga trabaho sa
mga katutubo, sa bandang huli, napag-alaman ng mga katutubo na sa halip na mapakinabangan
ito para matugunan ang kanilang maga pangangailangan ay mas lalo pa itong nagpapahirap sa
kanila.

Subukan Natin
Isulat ang WASTO sa patlang kung tama ang inilalahad at HINDI WASTO kung mali ang binabanggit.

__________1. Naging mabait at makatao ang turing ng mga encomendero sa mga Pilipino.
__________2. Ang encomienda ang unang hakbang sa pagtatatag ng kolonyang Espanyol sa
Pilipinas.
__________3. Ang tributo ay maaaring bayaran ng salapi, ginto, tela, manok, bulak, palay at iba
pang produkto.
_________ 4. Pinarurusahan ng mga Pilipino ang mga encomendero.
__________5. Kasamang ibinigay ng hari ng Esapanya ang pagtitiwala sa mga encomendero na
dapat niyang tuparin.
__________ 6. Sampu ang uri ng encomienda na ipinamahagi sa Pilipinas.
__________ 7. Namundok ang mga Pilipino para makaiwas sa tributo.
__________ 8. Ang bandala ay sapilitang pagbili ng mga produkto.
_________ 9. Ang halaga ng salapi na dapat na maging buwis o tributo ay 12 reales.
__________.10. Maraming Pilipino ang natuwa sa pagbabayad ng tributo.

9
Gawin Mo!
Ano ang epekto sa mga katutubo ang pagpapatupad ng tributo at bakit?

ARALIN 1.2

Alamin

Ngayon ay tatalakayin sa araling ito ang relasyon ng mga paran ng pananakop ng


Espanyol sa mga katutubong populasyon sa bawat isa. Malalaman mo rin ang mga epekto ng
mga patakaran/ paraan sa pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at naipahahayag ang damdamin sa
mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa mga katutubo.

Buuin ang mga pinaghalong mga titik upang mabuo ng isang bagon salita

1. u r t b i o t___________
2. y s a e o n p l _________
3. r m d e e d c o r ______
4. u c l a e d ____________
5. w b i s u _____________

10
Balikan Natin

https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii
https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii
https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-government-part-iii
Ano ang ipinahiwatig sa larawang nakikita sa itaas?

NILALAMAN: Sapilitang Paggawa

PANIMULA
Malaki ang naging papel ng ng tributo sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Natatandaan na
ang pagbabayad ng tributo ay ang pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya. Naging
hangarin din ng mga Espanyol ang pagiging mayaman sa kabila ng mas naging mahirap ang mga
katutubo.

Suriin

Pagdating ng 1884, ipinapatupad ng mga Espanyol ang cedula personal. Ito ay kapirasong
papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng pagbabayad ng buwis. Kung ang
tributo ay pahirap na buhay ng mga katutubo, mas lalo pang naging mahirap ang naranasan ng
mga katutubo na dulot ng cedula personal sapagkat kailangang dala niya ito kahit saan man
magpunta ang katutubo at upang siya ay hindi mapagbintangang tulisan. Ang sino mang mahuli
na walang dala nito ay pagmumultahin at kung walang ibabayad ay maaring ikulong ang mga

11
katutubo. Nang dahil dito, maraming mga katutubo ang nabilanngo sa panahon ng kolonyalismo
dahil sa walang dalang cedula.
Isa pa sa pamamaraan upang maipatupad ang pananakop ng mga Español ay ang sapilitang
paggawa. Ito ay sinimulang ipinapatupad noong 1580 sa lahat ng mga kalalakihan na may gulang
na 16 pataas hanggang 60. Kailangang magtrabaho ang lahat sa loob ng 40 araw sa loob ng isang
taon. Ang kadalasang ginagawa nila ay ang kalsada, tulay, simbahan at bahay na yari sa bato.
May mga kundisyon sa pagpapatupad ng sapilitang paggawa upang maiiwasan ang pang-aabuso
sa mga polista. Nakasaad sa batas na kailangang bayaran ang mga polista sa kanilang
pagtatrabaho at hindi rin sila kailangang dalhin sa malayong lugar upang doon magtrabaho.
Nakasaad din sa batas na kailangang hindi sila pagtatrabahuin sa panahon ng pagtatanim o pag-
aani. Hindi naging madali ang ginawang batas na ito dahil hindi ito nasusunod. Hindi
binabayaran ang mga polista sa kabila ng mabigat na gawain at kadalasan sila pa ang nagdadala
ng mga materyales sa imprastraktura. Bukod dito, dinala din sila sa malalayong lugar na kung
saan naging dahilan ito ng pagkawalay sa kanilang mga pamilya, Hindi din inalintana ng mga
Espanyol kung panahon ng pagtatanim at pag-aani ng mga katutubo. Bunga nito ay naging
mahina na ang produksiyon at nagkakaroon ng taggutom sa ibang lugar. Dahil walang libreng
pagkain ang mga polista sa kanilang pagtatrabaho ay kailangan pa nilang magbaon. Dagdag pa
nito, hindi natutulungan ng mga polista ang kanilang mga pamilya at matagal na mawawalay sa
isa’t isa
Naging matagumpay ang ginawa ng mga Espanyol sa katutubo. Nakapagpatayo sila ng
imprastraktura ng walang bayad at higit sa lahat ay ang pagdala ng mga katutubo sa mga
malalayong lugar ang naging dahilan ng pagkawatak watak at naiwasan ang pag-aalsa laban sa
mga Espanyol.

Pagyamanin
Gawin ang mga bagay ayon sa sumusunod:

1. Gumawa ng dayalogo sa binasang


Kasaysayan. 2. Sumulat ng reaksyon
tungkol sa personal cedula.

3. Isalaysay ang pangyayari ng maitupad

12
ang pananakop ng Espanyol. 4. Isulat ang iyong
pananaw sa
sapilitang paggawa

Subukan Natin

Kahunan ang bilang kung ito ay ipinatupad na sistema ng kabuhayan noong


panahon ng Espanyol at lagyan ng tatsulok kung hindi.

________ 1. Pagkukumpuni ng sirang kasangkapan.


_______ 2. Pagpaparami ng isda sa makabagong paraan.
_______ 3. Pagtatanim ng mga katutubo.
_______ 4. Pagmumulta kapag nasira ang mga pananim.
_______ 5. Pagbili ng lupain ng mga Pilipino

.
TANDAAN MO

Ang sapilitang paggawa ay ipinanukala ng pamahalaang Espanyol para sa mga kalalakihang edad
16 hanggang 60 taon may kakayahang magtrabaho. Sila ay tinatawag na polista. • Ang mga kalalakihang
ito ang inaasahang gumawa ng gawaing pambayan tulad ng pagtotroso, paggawa ng tulay at iba pang
imprastraktura, at pagkumpuni ng mga sasakyang pandagat. • Tinatayang 40 araw ang nakatakdang araw
ng pagtatrabaho ng mga polista sa ilalaim ng pamamahala ng mga Espanyol.

Isagawa Natin
Gumawa ng sanaysay tungkol sa naging epekto ng sapilitang paggawa sa mga
katutubong Pilipino.

Epekto ng Sapilitang Paggawa

13
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Balikan Natin
1. ekspedisyon 6. pueblo
2. kolonya 7. bandala
3. encomienda 8. bathala
4.encomendero 9. misyoneryo
5. doktrina 10. Polista

Subukan Natin
Pagtambalin ang mag salita sa Hanay A…….
1. k 6. l
2’ h 7. a
3. e 8. d
4. g 9. b
5. I 10. m

Aralin 1.1
Pagyamanin Natin
Punan ang mga nawawalang titik
1. visita
2. encomienda
3. indiez
4. conquistador
5. polista

Subukan Natin
Isulat ang wasto sa patlang kung kung tama ang inilahad at hindi wasto kung mali
1. hindi wasto
2. wasto
3. hindi wasto
4. hindi wast0
5. wasto
6. wasto
7. wasto
8. wasto
9. wasto

14
10. hindi wasto

Aralin 1.2
Alamin Natin
Buuin ang mga pinaghalong titik upang mabuo ng bagong salita

1. tributo
2. espanyol
3. encomendero 5. buwis
4. cedula

Subukan Natin
Kahunan ang bilang…….
1. kahon
2. kahon
3. kahon
4. tatsulok
5. kahon

Sanggunian:

Gabuat, M. A. et. Al.,”Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa”, Vibal Group, Inc
(2016)

“Kolonisasyon at Kristiyanisasyon”, Ang Pananakop ng Mga Espanyol Sa Pilipinas access June


10-14, 2020, http://aralingpanlipunan10.blogspot.com/

pxfuel.com. n.d. Evidence That God Exists. [online] Available at: <https://www.pxfuel.com/en/free-photo-


xfdwx> [Accessed 2 July 2020].

n.d. HD Wallpaper. [online] Available at: <https://www.wallpaperflare.com/building-housing-gate-mansion-


house-villa-background-wallpaper-gsdiu> [Accessed 2 July 2020].

n.d. Pinterest. [online] Available at: <https://www.pinterest.ph/pin/7810999333115297/> [Accessed 2 July


2020].

n.d. Slideshare. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/ncjopson/spanish-conquest-of-the-


islands-9146801> [Accessed 2 July 2020].

n.d. Slideshare. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-


government-part-iii> [Accessed 2 July 2020].

15
n.d. Slideshare. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-
government-part-iii> [Accessed 2 July 2020].

n.d. Slideshare. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-


government-part-iii> [Accessed 2 July 2020].
n.d. Slideshare. [online] Available at: <https://www.slideshare.net/MarcyTrinidad/spanish-colonial-
government-part-iii> [Accessed 2 July 2020].

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education - Division of Ozamiz City

Office Address: IBJT Compound, Carangan, Ozamiz City

Telefax: (088)545-09-90

Website: deped1miz@gmail.com

16
17

You might also like