You are on page 1of 1

LA SOLIDARIDAD

Ang La Solidaridad ang naging pangalan ng isang samahan ng mga Pilipinong ilustrado sa Espanya na


naghangad na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Cortes Generales. Ito rin ang naging
pangalan ng opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda na naglathala ng mga artikulong sinulat ng
mga propagandista na itinatag noong 13 Disyembre 1888..

Unang inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889 sa pamumuno ni Graciano Lopez-Jaena.
Pumalit sa kanya si Marcelo H. del Pilar noong Disyembre 15, 1889.

Tatlong Bahagi
Ang dyariyong La Solidaridad ay may tatlong bahagi. Ito ay mga seksyon tungkol sa iba’t ibang paksa.
Pampulitika - pinangunahan ni Marcelo H. del Pilar
Panitikan - pinangunahan ni Mariano Ponce
Libangan - pinangunahan ni Tomas Arejola

Naging mapanganib para sa mga kasapi ng kilusan at kani-kanilang mga pamilya ang pagsulong ng
mga layunin. Kaya naman itinago nila ang kanilang katauhan sa paggamit ng mga sagisag-panulat.

Propagandista Sagisag-Panulat
Jose Rizal Dimasalang at Laong Laan
Graciano Lopez Jaena Diego Laura
Marcelo del Pilar Plaridel, Piping Dilat, Dolores Manapat
Antonio Luna Taga-ilog
Mariano Ponce Tikbalang, Naning at Kalipulako
Jose Ma. Panganiban Jomapa

(kung masyadong madami wag na isama to hehe)


Pilipino ang kadalasang nag-aambag ng kontribusyon ang pahayagan, tulad nina:
 Marcelo H. del Pilar  Pedro Paterno
 Dr. Jose Rizal  Antonio Ma. Regidor
 Mariano Ponce  Isabelo delos Reyes
 Antonio Luna   Eduardo de Lete
 Jose Ma. Panganiban   Jose Alejandrino

You might also like