You are on page 1of 2

Pangalan: __________________________________________________ Baitang/Seksyon: _______________

Guro: __________________________________________ Petsa: _______________________

_____1. “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin”?

a. Maging marumi at mag-ulam ng asin. b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay. c. Maghirap sa buhay at
magtinda ng asin. d. Magsuot ng basahan.

_____2. “Mabuti na iyong makatindig ka sa sarili mong paa”.

a. Matutong magsarili sa buhay b. Lumakad o magbiyaheng mag-isa c. Maging matatag sa buhay d. Tumayo sa sariling paa

_____3. Ngunit may lason na ang kaniyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina.

a. May nabuo ng maling kaisipan o paniniwala sa kanyang isipan. b. May masamang plano nang nabuo sa kaniyang isip. c.
Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming bagay. d. Nilason na ang kanyang isipan.

_____4. “Nasa itaas ka na. At ang sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon”.

a. Nakamit na niya ang tagumpay. b. Naging mapagmataas na siya. c. Mataas na katungkulan niya sa buhay. d. Nasa langit
na siya.

_____5. Ang iba namang guryon na lumilipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at nagsibagsak, bali-bali ang mga
tadyang, wasak-wasak.

a. Ang mapagmataas ay agad ibinabagsak ng Diyos.

b. Ang buhay ng tao ay tulad ng guryon na minsan ay nasa itaas at minsan naman ay nasa ibaba.

c. May matataas kilalang tao na agad na nagtagumpay ngunit hindi nanatili sa kanilang kalagayan

. d. Ang mangarap ng mataas ay walang kinahantungan.

Panuto: Piliin ang pang-uring ginamit sa bawat pangungusap at isulat ang kaantasan nito.

1. Ang aking magulang ay ubod ng mapagmahal.

2. Simple lamang ang aming buhay ngunit masaya.

3. Ang aking ina ay masasabi kong ulirang ina.

4. Ang aking ama ay saksakan ng sipag.

5. Mataas na mataas ang pagtingin ko sa kanila.

6. Magsimbait ang aking nanay at tatay.

7. Higit na maganda ang relasyon naming magpapamilya pagkatapos ng naganap na trahedya sa amin.

8. Nagkaroon akong bagong kaalaman kung paano ko mapauunlad ang aking buhay.

9. Di-gaanong magulo ang aking isip tungkol sa mga bagay na nais mangyari sa aking buhay.

10. Ang maliit na tampuhan ay madaling nalulutas sa ngayon.

KAANTASAN NG PANG-URI
PANG-URI
(Lantay, Pahambing at Pasukdol)
1. ubod ng mapagmahal Pasukdol
1. ubod ng mapagmahal - pasukdol

You might also like