You are on page 1of 3

REANNE JOY H.

ALILIGAY
LESSON 5-7
(TEST QUESTIONNAIRE)
Aralin 5

1. Nakita mong hinahataw ni Mr. Ponce ng walis tambo ang kanyang asawa na si Mrs. Ponce,
ano ang iyong gagawin?

A. Hayaan sila dahil hindi ko naman sila kaano-ano.


B. Babatohin ko sila ng tsenilas para tumigil.
C. Pupuntahan ko ang mga opisyales ng barangay upang humingi ng tulong. Applying
D. Hahatawin ko rin ng walis tambo si Mr. Ponce.

2. Ang Seksuwal na Karahasan ay anumang gawain o aktong seksuwal. Piliin ang sitwasyong
nagpapakita ng Seksuwal na Karahasan.

A. Si Mang Karding ay hindi na nagpapadala ng perang sustento para sa kanyang mga anak.
B. Si Snow ay nakipagtalik sa kanyang kasintahan na may pahintulot.
C. Si Mang Kanor ay sapilitang binubugaw ang kanyang dalawang menor de edad na anak.
Understanding
D. Si Ginoong Jose ay paulit-ulit na sinsabihan na baliw at duwag ang kanyang asawa na si
Aling Lina.

3. Si Aling Caring ay parating sinasabihan ng masasakit na salita ng kanyang asawa. Anong uri
ng karahasan na tumutukoy sa mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip
o damdamin ng biktima ?

A. Seksuwal na Karahasan
B. Pisikal na Karahasan
C. Sikolohikal na Karahasan REMEMBERING
D. Pinansyal na Pang-aabuso

Aralin 6

1. Ang Prinsipyo 4 ng Yogyakarta ay ang karapatan ng lahat ang mabuhay.Alin sa mga


sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paglabag sa prinsipyong ito?
A. Si Ginoong Boni ay pinagtatawanan sa kanyang trabaho dahil siya ay isang bisexual.
B. Si Arce ay isang bakla at hindi ito tanggap ng kanyang ama, kaya noong kumain sila ng
agahan nilagyan ng kanyang ama ng lason ang pagkain ni Arce na naging sanhi ng
kanyang pagkamatay.ANALYSING
C. Si Cristia ay hindi pinahintulutan ng isang unibersidad na mag-enrol sa kanila dahil siya
ay isang lesbian.
D. Ang aplikasyon ni Jake na maging isang mayor ay binasura dahil siya ay isang
transgender.
2. Si Amari ay isang transgender, siya ay nagsumite ng kanyang aplikasyon bilang mayor ng
Lalawigan ng Iloilo, ngunit ito ay binasura ng COMELEC. Anong prinsipyo ang nilabag ng
COMELEC dahil sa pagbabawal nila na makilahok sa buhay-pampubliko katulad ng halalan si
Amari?
A. Prinsipyo 1
B. Prinsipyo 4
C. Prinsipyo 16
D. Prinsipyo 25 Remembering
3. Ang Prinsipyo 12 ay nagsasabing lahat ay may karapatang sa disente at produktibong trabaho,
sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa paggawa at sa proteksyon laban sa
disempleyo at diskriminasyong nag uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian. Alin sa mga sumusunod pangungusap ang nagpapakita ng karapatang ito?

A. Si Kim ay isang bakla ngunit siya ay pinayagang magsuot ng unipormeng pambabae ng


kanyang paaralan.
B. Si Mayor Donny ay ang kauna-unahang transgender na naging konsehal ng kanilang
barangay.
C. Si Ma’am Marga ay isang guro sa isang pampublikong paaralan, kahit na siya ay isang
lesbian hindi siya nakatanggap ng panghuhusga sa kanyang kapwa guro. Applying
D. Si Jose ay baklang tinorture dahil siya ay nagnakaw ng make up set sa mall.

Aralin 7

1. Ang CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women ay ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan sa kababaihan hindi lamang sa sibil at
political na larangan kundi gayundin sa aspetong kultura, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Tukuyin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita nito.

A. Hindi pinayagang makapasok si Anjhe sa pagiging sundalo dahil siya ay babae.


B. Ang aplikasyon ni Shy bilang mayor ay binasura ng COMELEC sa kadahilanang siya ay
mahina at hindi magiging epektibong mayor dahil siya ay babae.
C. Si Ginang Ponce ay ang kauna-unahang gurong babae na humahawak ng welding class
sa isang pribadong paaralan. Analyzing
D. Si Yannie ay hindi pinayagan ng kanyang ama na maging isang piloto dahil siya ay
babae.

2. Ang layunin ng CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women ay wakasan ang anumang diskrimisnasyon sa kababaihan. Alin sa mga
sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng kanilang layunin?

A. Pahintulutan na gawing katatawanan ang kababaihan sa kanilang trabaho.


B. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan,
anumang layunin ng mga ito. Understanding
C. Hindi pagkilala sa mga karapatan ng kababaihan.
D. Isinusulong nila na ang kalalakihan at kababaihan ay hindi pantay-pantay.

3. Ang CEDAW o ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women ay ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan sa kababaihan hindi lamang sa sibil at
political na larangan kundi gayundin sa aspetong kultura, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Anu-ano ang inaasahang gawin ng mga State Parties upang wakasan ang
diskriminasyon sa kababaihan?
I. Ipagwalang bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang
nagdidiskrimina sa kababaihan
II. Hayaan na lamang ang mga taong gawin ang gusto nila.
III. Ipagpatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon
sa kababaihan.
IV. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa mga pamamagitan ng iba’t-
ibang hakbang kondisyon at karampatang aksiyon.
A. I, II at III
B. I, III at IV Evaluating
C. I, II at IV
D. I at IV

You might also like