You are on page 1of 4

MATHEMATICS

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1.Ang tuldok o dot ay kumakatawan sa anong uri ng geometric figure?
A. line B. ray C. point D. line segment

2. Ang _______ ay may dalawang arrow head sa magkabilang direction.


A. point B. line C. segment D. line segment

3. Ang _______ ay bahagi ng linya na binubuo ng isang endpoint at arrow head.


A. line B. ray C. point D. line segment

4. Ang line segment ay bahagi rin ng linya na may ________ endpoint.


A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

5. Ang simbolong ay kumakatawan sa _______?


A. segment B. ray C. line D. line segment

Kilalanin ang uri ng mga linyang ipinakikita sa bawat larawan. Isulat kung ito ay parallel, perpendicular
o intersecting. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

MTB – MLE
PANUTO: Basahin ang mga talata. Piliin ang angkop na pamagat na nakasulat sa ibaba. Isulat ang sagot
sa nakalaang guhit.
Ang Halamang Ugat Si Apolinario Mabini Ang Batang Masipag
Ang Pagbabalik Kumain nang Tama Ang Butanding

1. ________________________________________________
Masayang- masaya ang pamilya Cortes. Maya-maya lang ay sasalubungin na nila sa paliparan ang kanilang
panganay na anak na si Kuya Rex. Labinlimang taon nagtrabaho sa ibang bansa ang mabait na kuya. Ngayon ay
makababalik na siya upang makasama ang kanyang mahal na pamilya.

2. ________________________________________________
Si Apolinario Mabini ay isa sa mga dakilang bayani ng ating bansa. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ang
pagiging lumpo, patuloy siyang naglingkod sa bansa noong panahon na nasakop tayo ng mga Kastila. Siya ay
naging mabuting tagapayo ng ating mga lider sa himagsikan. Dahil dito, siya ay tinaguriang “Dakilang Lumpo”
at “Utak ng Himagsikan”.

3. ________________________________________________
Mahalaga sa isang lumalaking bata ang pagkain ng tama. Kailangan ng mura niyang katawan ang mga pagkaing
mayaman sa protina, mineral, bitamina, at iba pang elementong pampalusog. Nararapat na siya ay makakain ng
karne, gulay, at prutas. Maari ring uminom ng gatas at katas ng prutas.

4. ________________________________________________
Si Leny ay isang mag-aaral sa ikatlong baitang. Likas sa kanya ang pagiging masipag. Hindi na siya inuutusan
pa ng kanyang nanay o tatay. Kusa niyang ginagawa ang mga gawaing kaya niyang gampanan. Siya ang
nagwawalis at naghuhugas ng pinggan. Siya rin ang nag-aalaga sa kaniyang nakababatang kapatid kapag abala
ang kaniyang nanay.

5. ________________________________________________
Ang kamote, gabi, uraro, at kamoteng-kahoy ay mga halamang-ugat. Itinatanim ang mga ito sa mga lugar na
malimit daanan ng bagyo sa dahilang bunga ng mga halamang ito ay matatagpuna sa ilalim ng lupa. Hindi sila
madaling matangay ng tunig at hangin. Dahil sila ay nasa ilalim ng lupa, ang mga halamang-ugat ay
nakasisipsip ng labis na
sustansiya kaya’t mainam silang kainin. Sagan rin ang mga ito sa antioxidants.

PANUTO: Basahin ang talata. Isulat sa guhit ang angkop na pamagat ng talata.

1.__________________________________________________________
Ang kapuluan ng Mindanao ay tinatawag na “Lupang Pangako.” Dito matatagpuan ang magagandang tanawin
gaya ng Maria Cristiana Falls. Ipinagmamalaki ang mga
perlas dito lalo na ang “Mother Pearl.”
2.__________________________________________________________
Nakilala ko si Nanay Celia noong ako’y bata pa. Siya ang labandera ng aming pamilya. Siya’y nakatira sa
Teresa St. Sta.Mesa,Manila. May apat siyang anak na sina Esther,
Perla, Alice at Nestor. Hinahangaan ko si Nanay Celia dahil sa kaniyang kasipagan at kabaitan. Kahit siya’y
hirap sa buhay ay lagi siyang nakangiti.

3.__________________________________________________________
Mahilig ka bang makinig ng kuwento? Ano-anong kuwento ang natatandaan mo? Pagmasdan ang larawan.
Sabihin mo kung tungkol saan ang kuwento. Ang bagyong Milan ay nag-iwan ng malaking pinsala sa bansa.
Hinagupit nito ang mga rehiyon sa bansa. Tumaob ang barkong MV Superstar. Bumaha halos sa lahat ng mga
lugar. Inilikas ang mga tao na labis na naapektuhan ng bagyong Milan.

4.__________________________________________________________
Ang ina ay ilaw ng tahanan. Siya ay mapagmahal. Pinakamabait na ina sa buong mundo ang aming ina. Ang
aming ina ay matiisin at maunawain. Siya ang aming gabay. Matalino sapagkat manunulat siya. Ikaw, ako,
tayong lahat ay may inang mapagmahal. Siya ang ating inspirasyon. Mababa ang kanilang kalooban. Lahat tayo
ay may inang handang
ibigay ang buhay para sa mga anak.

5.__________________________________________________________
Ang bahay kubo ay maliit. Ito ay malamig sapagkat yari ito sa pawid. Maganda ang bahay-kubo. Malalaki ang
mga bintanang yari sa sawali. Kawayan ang mababa nitong
hagdanan. Iba’t-ibang hugis at linya ang makikita mo sa isang bahay-kubo.

FILIPINO

Bilugan ang pangunahing kaisipan

Sabado ng umaga, naghahanda ang magkakapatid para dalawin ang kanilang mga lolo at lola. Maagang
gumising si Angelina at nagluto.Gumagawa ng banana cake si Belen para sa kanilang lolo. Pumipitas ng mga
bulaklak si Erma para sa kanilang lola. Nag-aayos si Arnel ng iba pang mga gamit na dadalhin nila sa pagdalaw.
Nagsasanay umawit ang bunsong si Rey para sa kanilang lolo at lola. Nagsasanay naman ng sayaw sina Dana at
Daniel para sa programa sa kanilang paaralan. Lahat sila’y nananabik na makarating sa bahay ng kanilang lolo
at lola.

PANUTO: Basahin at unawain ang talata. Salungguhitan ang pangunahing kaisipan.

Nag-ulat ang pangkat ni Anita tungkol sa iba’t ibang uri ng pagkain na kailangan ng katawan.Nag-ulat si
Anita tungkol sa gatas. Ganito ang kanyang ulat; Taglay ng gatas ang lahat ng sustansiya na kailangan sa
pagkain ng sanggol.Nagtataglay ito ng asukal at taba na nagbibigay ng init at lakas sa sanggol. Ang protina ang
nagpapalaki sa kanya. May mineral na nagpapatigas sa mga buto at ngipin. Mayroon ding mga bitamina para
makagawa nang nararapat ang katawan.Hindi lamang mabuti ang gatas para sa sanggol
kundi mabuti rin ito para sa may sapat na gulang.

Ikahon ang pangunahing kaisipan ng teksto.

Maraming tao ang may kapansanan sa iba’t ibang lugar sa aming barangay.Iba-iba ang kanilang
ikinabubuhay. Sa may simbahan ay nakatayo ang isang bulag.Sa araw-araw ay naroroon siya at nagtitinda ng
sampaguita. Mayroon ding isang pilay na nagtitinda ng
diyaryo at kendi sa may tabi ng kalye. May matandang lumpong nakaupo sa silyang de-gulong. Matiyaga
siyang nagtitinda ng tiket sa sweeptakes. Sa buong maghapon ay lumilibot sila at hindi namamalimos o
nanghihingi ng kung ano man. Ang kanilang ikinabubuhay ay galling sa kanilang pinaghirapan.

Basahin ang teksto at bilugan ang pangunahing kaisipan

Magaling na Imbentor

Isang imbentor si Ginoong Rodolfo Biescas,Jr. Bata pa lamang siya nang gumawa siya ng iba’t ibang
kagamitan na mula sa mga bagay na patapon at hindi na ginagamit. Kinilala na sa iba’t ibang bansa ang
kanyang mga imbensyon. Nanalo na rin siya sa iba’t
ibang pandaigdigang patimpalak na nagtatampok ng pinakamagaling at pinakamabuting imbensyon. Lumikha
siya ng isang plantsa na higit na matipid sa kuryente kaysa sa ordinaryong gamit natin. Lumikha rin siya ng
pambihirang aircon fan na nagbibigay ng malamig na hangin at malamig na inumin. Nakagawa rin siya ng
kakaibang uling na walang usok at amoy kung kaya’t magandang gamitin na panluto at hindi nagiging sanhi
ng polusyon.

You might also like