Professional Documents
Culture Documents
Sa Kalinisan
Sa Kalinisan
Sucat alalahanín nang man~ga namamaling binibini ang malinis na uaní nang isda, na tinatauag na Pesmulier. Ang
isdang ito, ang sabi, ay may suso sa dibdib, ang palicpic ay malalapad: pagnahuli nang man~gin~gisda, caraca raca ay
ibanababá ang palicpic at itinataquip sa dibdib at nang di maquita. ¡Magandang caasalan na sucat pagcunang
halimbaua nating man~ga babaye! Casunod nang calinisan sa pananamit ang calinisan at cahusayan sa pamamahay;
sapagca,t, ang carumihan at caguluhán ay nagbabantóg sa nananhic na ang namamahay ay culang sa bait, anyaya at
magasó. At nang pagcaratihan mo, Feliza, ay hatol co sa iyo na anomang gamitin mo ay isauli sa pinagcunang lugar,
at bago isauli ay linisin cun narumihán. Ang hagdanan, cocina at hihigan ang nagsasaysay nang calinisan nang may
bahay, caya dapat pagiin~gatan.
SA PIGING
FELIZA: Cun icao at ni Honesto, ay maanyayahan sa isang piguing, ay dagdagan ang in~gat at maraming lubha ang
pagcacamalan. Pagdating nang bahay, ay magbibigay nang magandang gabí, ó magandang arao sa may bahay sacá
isusunod ang man~ga caharap, houag magpapatuloy sa cabahayan hangang di inaanyayahan, bago lumucloc ay hintin
muna na pagsabihan, at houag pipili nang mahal na loclocan, sapagca mahan~gay ipagutos nang may bahay na umalis
ca sa mababa at umaquiat ca sa mataas, na cun na sa mataas ay paalisin at ituro sa mababa. Sa paguumpocan ay
caiin~gatan ang quilos, tin~gin at pan~gun~gusap, at baca maquitaan nang cagaspan~gan, ay cahiyahiya.
SA PAGPAPASYAL
Paca isipin nang dalaga, na ang caniyang puri, ay maipaghahalimbaua sa cayamanan, sa hiyas na iisa-isa na ini-
in~gatan, sa minsang masira,i, di na maooli, sa minsang malaglág ay di na madarámpot. Tulad sa maningning at
malinis na bubog na sa minsang mabasag ay di na mabubuo.
Paca iin~gatan nang isang dalaga, sapagca,t, sa minsang manacao nang tacsil na loob, ay ua nang magagaua, cun di
ang tuman~gis, n~guni, tan~gisan ma,i, di na macucuha ang ipinanacao na hiyas.
ARAL SA MGA INA NA MAY ANAK NA DALAGA
Pacatantoin nang ina, na ang calinisan nang isang dalaga ay parang isang bubog, na cahit di magcalamat, cahit di
mabasag, mahin~gahan lamang ay nadurun~gisan.
TEXT B
Tim O’Brien, “The Things They Carried”
To carry something was to hump it, as when Lieutenant Jimmy Cross humped his love for Martha up the hills and
through the swamps. In its intransitive form, to hump meant to walk, or to march, but it implied burdens far beyond
the intransitive.