You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Division of Davao Oriental
Manuel B. Guiñez Sr. National High School
Poblacion, Banaybanay, Davao Oriental

Banghay - Aralin sa Araling Panlipunan 8


January 9, 2023
8 – CITRINE 8:45-9:45
8 – ONYX 3:00-4:00

I. Layunin
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagtutukoy sa mga katangian ng kabihasnang Rome;
b. Nakapagbubuo ng graphic organizer tungkol sa kabihasnang Rome;
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng mga natatanging kontribusyon ng kabihasnang Rome.

II. Nilalaman
Paksa: Kabihasnang Rome
Sanggunian: Kasaysayan ng Daigdig, Araling Panlipunan (Modyul ng Mag-aaral)
pahina: 166
Kagamitan: mga larawan, strips, mapa, at Graphic Organizer

III. Pamamaraan
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
a.Panimula

 Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


(nagsitayo para sa panalangin.)
Panguluhan mo ang panalangin.
(panalangin.)
 Pagbati

Magandang umaga sa lahat?

Bago kayo magsi-upo ay magkakaroon muna


tayo ng kaunting warm – up.
Itaas ang kamay, iunat ang katawan
pagkatapos ay yumuko at pulotin ninyo ang mga
nakakalat na papel sa sahig at ihanay ng maayos ang
(Ginawa ang iniutos ng guro.)
mga upuan.

Okay, maaari na kayong umupo.

 Pagtse-tsek ng attendance
Wala po Ma’am.
May liban ba ngayon?

Mabuti naman kung ganun.

b. Pagganyak Opo!

Class gusto niyo bang maglaro? Opo!


Alam niyo ba ang larong “ 4 Pics 1 Word”?

Okey, sagutin niyo ito.

KABIHASNAN ROME

Batay sa salitang inyong nabuo, ano kaya sa tingin Sa tingin ko po ang paksang tatalakayin natin
niyo ang paksang tatalakayin natin ngayon? ngayon ay tungkol sa kabihasnan ng Rome.

Tama!

c. Paglalahad
Ang tatalakayin natin ngayon ay ang
Kabihasnang Rome.

Kabihasnang Rome
Pakibasa ng ating layunin sa araw na ito.

Layunin
a. Nakapagtutukoy sa mga katangian ng
kabihasnang Rome;
b. Nakapagbubuo ng graphic organizer
tungkol sa kabihasnang rome;
c. Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan
ng mga natatanging kontribusyon ng (binasa ang mga layunin)
kabihasnang Rome.

d. Pagtatalakay

Sino sa inyo dito ang may ideya kung ano ang Ang kabihasnan ay isang yugto ng kaunlaran ng
ibig sabihin ngn salitang kabihasnan? isang lipunan, sa yugtong ito ang mga tao ay
nagkakaroon ng kasanayan o kabihasaan na gumawa
ng mga bagay-bagay.

Magaling!
Sa umagang ito ay tatalakayin natin ang mga
katangian ng kabihasnang Rome pero bago iyan nais
ko munang ituro niyo dito sa mapa kung saan
matatagpuan ang Rome.
(itinuro ang lokasyon ng Rome sa mapa)

Ang kabihasnang Rome ay nahahati sa


limang larangan una ay ang batas, panitikan,
pananamit, inhenyenyeriya, at arkitektura. Ang batas ng Rome noong sinauang panahon ay
Sa larangan ng batas ay kinilala ang mga tinatawag na batas ng Twelve Tables.
Roman bilang pinakadakilang mambabatas ng
sinaunang panahon. Ano nga ang tawag sa batas ng Tinawag itong twelve tables dahil nakaukit ito
Rome noong sinaunang panahon? sa labindalawang metal tablet at ipinaskil ito sa lugar
na kung saan ay mababasa ito ng publiko.

Bakit kaya tinawag itong Twelve Tables?

Tama, ang Twelve Tables ay ang kauna-


unahang nasulat na batas sa Rome at ito rin ang
pinagmulan ng makabagong batas Romano. Nakasaad
dito sa Twelve Tables ang karapatan ng mga
mamamayan at ang pamamaraan ayon sa batas. Masasabi ko po na naging mahusay po sa
larangan ng inhenyeriya dahil nakapagpagawa sila ng
Ngayon ay tingnan naman natin ang kagalingan mga daan, tulay at mga daanan ng tubig
ng mga Roman sa inhenyeriya, masasabi mo bang
magaling sa larangan ng inhenyeriya, Cresilyn?

Tama, isa na nga sa mga halimbawa ng


kagalingan ng mga Romano sa larangan ng
inhenyeriya ay ang Appian Way na kung saan ay
umuugnay ito sa Rome at Timog Italy sa katunayan ay
ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan ang daang
ito. Isa pang halimbawa ng kagalingan ng mga roman
sa inhenyeriya ay ang mga aqueduct na kanilang Magaling din sa arkitektura ang mga Romano sa
itinayo upay maging daluyan ng tubig patungo sa katunayan ay sila ang tumuklasw ng semento.
iba’t-ibang parte ng lungsod. Marunong din silang gumamit ng ng stucco, isang
plaster na pampahid at pantakip sa labas ng pader.
Sa larangan ng arkitektura naman, magaling ba Umaangkat din sila ng marmol mula sa Greece. Ang
ang mga Romano, Ivan Roy? arch na natutuhan ng mga Roman sa mga Etruscan ay
ginagamit sa mga templo, aqueduct, at iba pang mga
gusali.

Okey, ang gusali na ipinakilala ng mga Roman


ay ang Basilica, isang bulwagan na nagsisilbing
tagpuan ng Assembly. Mayroon din silang
pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing
tagpuan para sa mga negosyo at pag-uusap. Bukod sa Ang gladiator ay isang bayolenteng labanan na
basilica ay may iba pang gusaling pinatatayo na kung saan ang mga preso o alipin ay pinaglalaban
hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Rome. laban o minsan naman ay mga mababangis na hayop.
Halimbawa na rito ay ang Coliseum na isang Ito ay nagsisilbing libangan ng mga Roman noong
amphitheater para sa mga labanan ng mga gladiator. sinaunang panahon.
Ano naman kaya ang gladiator, Zimram?

Ngayon ay tumungo naman tayo larangan ng


panitikan. Ang panitikan ng Rome ay nagsimula
noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE subalit ang
mga ito ay salin lamang sa mga tula at dula ng Greece.
Ang halimbawa ay si Livius Andronicus na nagsalin
ng “Odessey” sa Latin. Sinundan naman ito ni Cicero
na isang manunulat at orador na nagpahalaga sa batas. Ang mga Roman ay may dalawang uri ng
Ayon sa kanya ang batas ay hindi dapat kasuotan. Sa mga lalaki ay ang tunic na kasuotang
maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pambahay at ang tuga na isinusuot sa ibabaw ng tunic
pera kailanman. kung sila ay lumalabas ng bahay. Sa mga babae
naman, ang stola ay kasuotang pambahay at ang palla
Sa larangan ng pananamit naman, ano-ano ang
ay isinusuot sa ibabaw ng stola.
mga uri ng kasuotan ng Mga Roman?

Wala po.

Okey, may mga katanungan ba kayo tungkol


sa paksang ating tinalakay?

Kung ganun ay tumungo na tayo sa ating


susunod na gawain.

e. Paglalahat
Bilang paglalahat sa paksang ating tinalakay
ay nais kong sulatan niyo itong aking inihandang
“Graffiti Wall” tungkol sa mga nalalaman ninyo sa
paksang ating tinalakay ngayon.

Kabihasnang (isinulat ang kanilang mga nalalaman tungkol


Rome sapaksang tinalakay sa “Graffiti Wall”)

f. Paglalapat Opo!
Bilang paglalapat sa paksang ating tinalakay
ay hahatin ko kayo sa apat na pangkat.
(hinati sa apat na pangkat ang klase)
Ang gagawin niyo ay gagawa kayo ng “Graphic
Organizer” tungkol sa kabihasnang Rome at
pagkatapos ay ilahad sa buong klase ang inyong
ginawa. Maliwanag ba Class?

May limang (5) minuto kayo upang maghanda


pwero bago iyan ay basahin niyo ang ating rubrics
para alam niyo kung paano kayo bibigyan ng puntos.

(binasa ang rubrics)

(gumawa ng kani-kanilang Graphic Organizer at


pagkatapos ay inilahad sa klase ang kanilang ginawa)

(binigyan ng puntos ang bawat pangkat}

Opo!

Okey, maaari na kayong magsimula. Mahalaga ang mga naging ambag ng


kabihasnang Rome kagaya na lamang ng Twelve
Tables na kung saan ay nakaimpluwensiya ito o
nagging basehan ito sa paggawa ng mga batas na may
g. Pagpapahalaga
kinalaman sa mga karapatang pantao, mahalaga din
Class, mahalaga ba ang mga naging ambag
ang pagkakatuklas nila sa semento na hanggang sa
ng kabihasnang Rome?
kasalukuyan ay ginagamit pa rin natin ito. Ang
kanilang arkitektura lalong-lalo na ang mga aqueduct
Sa anong paraan o paano ito naging
ang siyang nagging basehan sa paggawa natin ng mga
mahalaga?
irigasyon ng tubig at naimpluwensiyahan rin ating
ating paggawa ng mga buildings o kaya ay mga
simbahan.

Tama, sa katunayan nga ang simbahan ng Wala po.


munisipalidad ng Katipunan ay isang patunay kung
paano naimpluwensiyahan ng mga Roman ang ating
arkitektura, kung napansin niyo meron din itong arko
sa may bungad ng simbahan.

May mga tanong ba kayo tungkol sa paksang


ating tinalakay?

Kung ganun ay kumuha ng isang kalahating


papel dahil magkakaroon tayo ng pagsusulit.

IV. Pagtataya
Panuto: Ipaliwanag o Sagutin ang mga sumusunod:
1. Ano ang masasabi mo sa batas ng Rome? Makabuluhan ba ito? Bakit?
2. Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga produkto ng arkitektura ng kabihasnang Rome.
3. Ilarawan ang kasuotan ng mga Roman.
4. Sino ang manunulat at orador na nagsabing ang batas daw ay hindi dapat maimpluwensiyahan ng
kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.
5. Ipaliwanag ang gladiator at kung ano ang papel na ginagampanan nito sa buhay ng mga sinaunang
Roman.

V. Takdang Aralin
Gumawa ng pananaliksik tungkol sa mga pagbabagong dulot ng paglawak ng kapangyarihang Rome.
Magtala ng mga mahahalagang detalye sa inyong mga kwaderno.

Inihanda ni:

Leizel B. Gabin

You might also like