You are on page 1of 10

I.

LAYUNIN
a. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa kontribusyon ng mga pangyayari
sa Klasiko at Transisyunal na Panahon sa pagkabuo at pagkahubog ng pagkakakilanlan
ng mga bansa at rehiyon sa daigdig.
b. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng adbokasya na nagsusulong ng pangangalaga at
pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon ng Klasiko at Transisiyunal na Panahon
na nagkaroon ng malaking impluwensiya sa pamumuhay ng tao sa kasalukuyan.
a. Pamantayan sa Pagkatuto

Ang mga mag-aaral ay nasusuri ang Kabihasnang klasiko ng Rome (AP8DKT-11c-3)

a. Naiisa-isa ang mga pamana at kontribusyon ng Rome sa iba’t-ibang larangan


b. Napapahalagahan ang mga pamana at kontribusyon ng Rome sa pag-unlad ng
pandaigdigang kamalayan
c. Nakagagawa ng isang talahanayan ukol sa mga pamana at kontribusyon ng
Rome sa iba’t-ibang larangan
II. NILALAMAN
A. PAKSANG ARALIN: Mga Pamana at Pamumuhay ng mga Roman
B. SANGGUNIAN: Kabihasnang Daigdig, Kasaysayan at Kultura
C. MGA KAGAMITAN: Powerpoint, Video at Visual Aids
D. PAGPAPAHALAGA: Pagkamasining at Pagkamakadiyos
E. SANIB KAALAMAN: MAPEH(Sining)
III. PAMAMARAAN

I. INTRODUKSYON GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN Magsitayo ang lahat para sa ating


panalangin
Amen!
2. PAGBATI Isang mapagpalang umaga sa
inyong lahat mga mag-aaral
Magandang umaga din po!
3. PAGMAMASID SA Bago tayo umupo ay maaari bang
KAPALIGIRAN pulutin ninyo ang mga kalat na
inyong makikita sa inyong paligid,
at pakiayos ang inyong mga
upuan pagkatapos.

Maraming Salamat!

4. PAGTATALA NG Mayroon bang lumiban sa klase


LUMIBAN SA KLASE ngayong araw?
Wala po!
5. PAGBABALIK-ARAL Kamakailan lamang ay natalakay
natin ang mga mahahalagang
kaganapan tungkol sa Rome.
Matatandaan natin na sina
Augustus, Julius Caesar at si
Diocletian ang tatlong
mahahalagang pinuno at ang
kanilang mga nagawa sa kanilang
panunungkulan sa Rome.

6. PAGGANYAK Natapos na nating pag-aralan ang


mahahalagang tao at pinuno ng
Rome, ngayon ay dadako tayo sa
pag-aaral tungkol sa Imperyong
Roman ngunit bago tayo dumako
roon ay magkakaroon muna tayo
ng maikling gawain.

4PIC 1WORD (10 minuto)


*Pangkalahatang Gawain
Hahatiin ang mga mag-aaral sa
tatlong grupo at magpapakita ang
guro ng mga larawan na
mayroong iisang kahulugan at
huhulaan ng mga mag-aaral kung
ano ang ibig sabihin nito. Isusulat
ang kanilang sagot sa ¼
illustration board gamit ang
chalk.

Mga Kagamitan:
1. ¼ illustration board
2. Chalk at Eraser

May inihanda akong mga larawan


at ito ay ang sumusunod:

*MGA SALITA
1. BATAS
2.BASILICA
3. ARCH
4. TOGA
5. GREECE
1. BATAS
2.BASILICA
3. ARCH
4. TOGA
5. GREECE
Mahusay mga mag-aaral!

II. INTEGRASYON Ngayon ay alamin natin kung


ano-ano nga ba ang ibig sabihin
ng mga salitang ito sa ating
bagong aralin.

7. PRESENTAYON NG *Magpapanood ng maikling video


ARALIN ang guro tungkol sa mga Pamana
ng Kabihasnang Romano.

Base sa inyong napanood na


Video, ano-ano ang mga larangan
ang nabanggit?
Sir, ang mga larangan pong
nabanggit ay sa Arkitektura,
Pananamit, Batas at Agrikultura
Mahusay! Ano pa?
Sir, sa larangan po ng
Paniniwala, Libangan at Buhay
sa loob ng isang tahanan
Magaling!

Sa mga larangan na mga


pamanang nabanggit, ang Batas
ba ay mahalaga?
Opo Sir, mahalaga po ito
sapagkat nalalaman natin kung
ano ang bawal at kung sa ano
ang dapat nating iasal at gawin.
Tama ka diyan!
Ng dahil sa Batas, nalalaman
natin ang mga limitasyon sa
paggamit ng isang bagay o ng
ating mga salita.

Magaling mga Bata, ngayon ay


tutungo na tayo sa ating aralin.
Ngayon ay ating iisa-isahin ang
mga Pamana ng Rome sa iba’t-
ibang larangan sa pamamagitan
ng isang laro

SCRAMBLE WORD
*Pangkalahatang Gawain(10
minuto)
Magpapakita ang guro ng mga
salita na wala sa wastong ayos

May inihanda akong mga salitang


hindi nakaayos, bibigyan ko kayo
ng pagkakataong hulaan at buuin
ang salitang maaaring mabuo
dito.
*Pagkatapos mahulaan at mabuo
ang mga salita, ipapabasa sa mga
mag-aaral ang kahulugan ng mga
salitang kanilang nabuo at
ipapaliwanag ng mga mag-aaral
kung ano ang kanilang
naintindihan tungkol dito.
MGA SALITA:
Ang una ay ang ( BATAS )
1.TLVEWE LSTABE *babasahin ng mag-aaral ang
kahulugan mula sa Powerpoint
Presentation.

1. TWELVE TABLES
-Ang una ay ang Batas
- ang kahalagahan ng Twelve
Tables ay ang katotohanan na
wala itong tinatanging uri sa
lipunan. Ito ay batas para sa
lahat maging sa Patrician o
plebeian man. Ito ang
ginagamit upang alamin ang
mga krimen at tantiyahin ang
kaukulang parusa.
Para sa inyo mga mag-aaral,
mahalaga ba ang Twelve tables?
Opo!
Sa paanong paraan?
Sa pamamagitan po ng twelve
tables, malalaman ng tao ang
parusa ng bawat krimen na
kanilang gagawin. Matatakot na
po silang gumawa ng kasalanan
dahil sa parusang nakapataw
dito.
Magaling mag-aaral!
At makikita natin na walang
inuuri ang Twelve Tables,
Patrician man o Plebeian na sa
kasalukuyang panahon ay ang
mayaman at mahirap.
Ikalawa ang (PANITIKAN) 2.CICERO
2. CECOIR -ikalawa ay ang Panitikan
-ang mga ito ay salin lamang ng
mga tula at drama ng Greece.
Mga Halimbawa:
 Si Livius Andronicus-
ang nagsalin ng
Odyssey sa Latin
 Si Marcus Plautus at
Terence- mga unang
manunulat ng Komedya
*Magbibigay ng dagdag  Cicero – isang
kaalaman ang guro tungkol sa manunulat na
mga nabanggit na Pangalan ng nagpahalaga sa Batas
mga manunulat na Romano. -ayon sa kanya, ang
batas kailanman ay
hindi dapat
maipluwensyahan ng
kapangyarihan o sirain
ng pera
 Sina Lucretius at
Catallus ang iba pang
Romanong manunulat.
Ang mga taong ito ay ilan sa mga
tanyag na Romanong manunulat.
Bilang isang Filipino, ano ang
tungkulin ng Panitikan sa
Lipunan?
Ang kahalagahan at tungkulin
po ng Panitikan sa Lipunan ay
may koneksiyon poi to sa atin
at sa pamilya natin. Kung wala
po ang panitikan ay walang
maibibigay na aral sayo ang
mga kwentong nabasa o narinig
natin sa ating mga magulang.
Tama!
Iba pang sagot?
Nang dahil din po sa Panitikan,
nalalaman po natin ang buhay
at kultura ng mga sinaunang
tao, ng nakaraan.
Magaling!
Marapat lang natin na
pahalagahan ang ating Panitikan
dahil ito ay parte ng ating
kasalukuyan.
Ikatlo ay ang ( ARKITEKTURA )
3. GECREE 3.GREECE
- kilala ang Greece dahil sa
kanilang Arkitektura
- Sila ang tumuklas ng concrete.
 Arch – ginagamit sa
mga templo at iba pang
mga gusali.
Basilica – ang gusaling
ipinakilala ng mga Roman.
Anong bahagi ng isang
Arkitektura ang pinakamahalaga?
Sir, sa tingin kop o ay ang haligi.
Sapagkat ito po ang nagbibigay
ng tibay at pundasyon sa isang
ginawang arkitektura.
Mahusay!
Maliban sa mga parte nito at mga
kagamitan, isa sa
pinakamahalaga sa isang
Arkitektura ay ang kwento at
istorya na mayroon dito. Kung
paano, bakit at sa kung anong
dahilan nagawa ang isang
arkitektura. Lahat ng gusali o
pasilidad ay may kwento.
Naiintindihan po ba mga mag-
aaral?
Opo!
Ikaapat ay ang Buhay sa Loon ng
Tahanan *babasahin ng mag-aaral ang
4. ARTUIM kahulugan mula sa Powerpoint
Presentation.
4. ATRIUM
- ang ikaapat ay ang buhay sa
loob ng tahanan.
- ang mga silid ay nakaharap sa
isang Atrium. Sa likod nito ay
isa pang atrium kung saan
madalas tumitigil ang pamilya.
Sa ating panahon ang Atrium ay
tinatawag na Sala kung saan
nagtitipon-tipon ang Pamilya

Ikalima ay ang ( PANANAMIT )


5. TICUN 5. TUNIC – ay kasuotang
pambahay na hanggang tuhod.
 Toga – ay isinusuot sa
ibabaw ng tunic kung
sila ay lumalabas ng
bahay.
 Stola – ay ang
kasuotang pambahay
na hanggang
talampakan.
 Palla – ay inilalagay sa
ibabaw ng stola kapag
Para sa inyo, ano ang maayos na nasa labas ng bahay.
Pananamit?

Sir, ang tama at maayos na


pananamit ay yung hindi
nakakabastos tignan. Yung
Tama ka! kaaya-aya po sa paningin.
Ang maayos na pananamit ay
yung komportable ang
nagsusuot. Magpakita man siya
ng kaunting balat, ang mahalaga
ay komportable at naaayon sa
lugar at panahon ang kanyang
kasuotan.

Ang ikaanim ay ang ( LIBANGAN )

6. GLATDIAOR 6.GLADIATOR
- sa panahon na naging imperyo
na ang Rome, hindi na
pampublikong paliguan ang
sentro ng Libangan. Dinumog
ng mga Romano ang mga
Colosseum kung saan
ginaganap ang labanab ng mga
Gladiator.
Salamat sa Pagbasa!
Ano-ano ang inyong mga
libangan? Bakit?
Ang libangan kop o ay ang
paglalaro sa Cellphone.
Nalilibang po ako at nakakaalis
po ng stress at problema ang
paglalaro nito.
Tama!
Alam niyo bang si Teacher din ay
naglalaro ng mga larong linalaro
niyo. Syempre para malibang din
ako at tama ngang nakawawala
ng stress ang paglalaro ngunit
syempre dapat alam natin ang
responsibilidad natin, sa
paaralan, sa ating bahay at sa
ating sarili. Dapat ay mayroon
tayong kontrol sa paglalaro at
alam natin ang limitasyon sa
paggamit dito. Tama ba?
Opo!
Ikapitong parte ay ang
( AGRIKULTURA )
7. YELARB
7.BARLEY
- Nagtatanim ang mga Romano
ng Trigo, Barley, gulay at
Prutas.
- mayroon din nag-aalaga ng
tupa at baka bilang kabuhayan.
Katulad din natin ay parte din
noon ng pamumuhay ng mga
Romano ang pagtatanim at pag-
aalaga ng hayop na isa sa
mahalagang gawain upang
mabuhay.

Ang ikawalo at huling parte ay


ang ( PANINIWALA )
Bilang huling tanong para sa
aktibiting ito at bonus na
katanungan ay magbigay ng isang
diyos o diyosang greek na
katumbas sa Rome.
Pakibasa nga ni :
Mga Diyos at Diyosa ng Rome
Jupiter, Juno, Mars, Mercury,
Neptune, Venus, Apollo, Diana,
Minerva, Ceres, Vulcan, at
Vesta.
Magaling mga mag-aaral, ngayon
ay natapos na natin ang ating
aralin.
Bigyan natin ng tatlong palakpak
at tatlong padyak ang ating mga
sarili at sumigaw ng
Congratulation! 123
123
Congratulation!
III. PAGPAPAHALAGA Sa mga nabanggit na mga
pamana at larangan. Ano ang sa
tingin mo ang pinakamahalaga
saiyo bilang Pilipino at kabataan?
Sir Jonathan, sa tingin kop o
bilang kabataan at isang
Pilipino ang pinakamahalagang
ambag na pamana ng Rome ay
ang Pananamit at ang Batas. Sa
paraang nalalaman po natin
ang limitasyon natin sa
pananamit at paggawa ng isang
bagay. Alam po natin ang mga
consequences ng ating mga
gagawin. Kung tama po ba o
mali.
Magaling Mag-aaral, bigyan siya
ng Mahusay clap!
123
123
Mahusay!
IV. PAGLALAHAT Natapos na nating alamin ang
mga Pamana ng Rome sa iba’t-
ibang larangan, ngayon ay isa-
isahin natin ito mula sa una
hanggang sa ikawalong larangan.
1. Batas
2. Panitikan
3. Arkitektura
4. Buhay sa loob ng
Tahanan
5. Pananamit
6. Libangan
7. Agrikultura
8. Paniniwala
Mahusay!

V. PAGTATAYA Lubos niyo ng naunawaan ang


aralin natin ngayong araw kayat
hahamunin natin ngayon ang
inyong kaisipan. Kumuha ng
papel at magkakaroon tayo ng
maikling pagsasanay.
*Pang-isahang gawain

Panuto : Punan ang hinihingi ng


Talahanayan
3 puntos kada bilang
LARANGAN PAMANA KAHALAGAHAN

1.HAL. BATAS TWELVE TABLES Nalalaman ng tao ang ang kanilang


mga hindi dapat gawin.

RUBRIC SA TALAHANAYAN(KAHALAGAHAN)

PUNTOS PAGLALAHAD/NILALAMAN

3 Maayos at malinaw ang paglalahad ng


kahalagahan ng mga pamana ng Rome

2 Maayos ngunit kulang ang paglalahad ng


nilalaman

1 Hindi gaanong maayos at kulang ang


paglalahad at nilalam

Nakuhang Puntos Markahan

25-20 Napakahusay

19-15 Mahusay

14-10 di-gaanong Mahusay

9-5 May malaking kakulangan

VI. TAKDANG Magsaliksik tungkol sa pagkabuo ng mga Imperyong Muslim


ARALIN

You might also like