You are on page 1of 3

Normal sa ating mga pilipino ang gagawin lahat para maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Kumbaga
gagawin mo ang lahat para lang maka tustos sa pang araw araw na pangangailangan. Ang iba
nangingibang bansa para lang maka ahon sa buhay ang iba ginagawa lahat ng kayang gawin upang
magka pera. Katulad ng naranasan ko, ako ay hindi lumaki kasama ang aking ina sapagkat bata palang
ako, siya ay dumayo na sa malayong lugar upang magtrabaho. Sa murang edad di ko pa lubos na
maintindihan noon kung bakit di ako katulad ng ibang mga bata na mismong mga magulang nila ang
kasama nila sa paglaki. Ngunit kalaunan naintindihan ko na rin kung bakit malayo sakin ang akin ina.
Hindi ko man siya kasama sa lahat ng pasko na aking ipinagdiwang, sa lahat ng bagong taon na nag daan
o kahit sa lahat ng kaarawan na nagdaan, lubos kong naiintindihan ang sakripisyo na kaniyang ginawa
para lang maibigay sakin ang akong mga pangangailangan. Walang ina ang nais lumaki ang kanilang anak
na walay sila, ngunit kailangan nila mag sakripisyo upang mabigyan ito ng magandang kinabukasan. Kaya
kahit malayo sakin ang aking ina at kahut wala siya sa mga espesyal na araw saking buhay, ramdam ko
parin ang presensya nya sa pamamagitan ng kanyang supporta at pag bibigay ng aking mga gustong
gamit. Saludo ako sa lahat ng OFW at iba pang mga magulang na ginagawa ang lahat maigapang lang
ang kanilang pamilya. Huwag tayong maging abusado sating mga luho isipin natin ang kanilang pagod sa
bawat piso na inilalabas ng mga kamay mo.

You might also like