You are on page 1of 1

1. Ipaliwanag ang soberanya.

Ang soberanya ay tinatawag din na “katas-taasang


kapangyarihan”. Dahil sa soberanya, may kapangyarihan
ang estado na magpatupad ng batas. Pero hindi lang batas,
kundi ito din ay ang likas at ganap na kapangyarihan ng
estado na (i-utos) o mag-utos at magpatupad ng kagustuhan
nito na nangangailangan ng pagtupad ng tao. Ito ang isa sa
nagpapatunay na ang isang bansa ay malaya at may sariling
pamahalaan na masusunod ng mga mamayan nito.

2. Bakit mahalaga ang pagiging soberano ng


isang bansa?

Mahalaga ang pagiging soberano ng isang bansa dahil


kung wala ito, walang batas o hiling ng mga tao ang maitutupad.
Hindi natin magagawa ang gusto natin na sa palagay natin ay
makakabuti sa bansa. Hindi nila maitutupad ang bagay na sa
palagay nila ay tama at makabubuti sa bansa. At kapag hindi ito
maitutupad, baka mas maraming krimen, gulo, at away ang
mangyayari. Kaya, napaka-importante nito.

You might also like