You are on page 1of 1

1. Isa-isahin ang mga suliraning kinaharap ng administrasyong Roxas.

A. Pag-aangat sa lugmok na ekonomiya ng bansa na sadyang naapektuhan ng digmaan.

B. Pagpapanatili ng pambansang seguridad na noon ay nanganib sanhi ng pagkilos ng


HUKBALAHAP O HUK.

C. Pagbubuklod sa mga pilipinong nahati dahil sa isyu ng ng kolaborasyon o ang


pakikipagsabwatan ng ilang mga Pilipino sa mga Hapones.

2. Ano-ano ang mga programa at patakarang isinagawa ni Roxas upang mapadali ang
rehabilitasyon ng bansa?

A. Pagsasaayos ng eletripikasyon

B. Pagsasanay sa mga gawaing bokasyonal

C. Pagtatatag ng mga kaluwagan sa pagpapautang


D. Paghimok sa mga kapitalistang Amerikanong mamuhunan sa Pilipinas

E. Pagpapasiyasat sa mga likas na yaman ng bansa na humantong sa pagmumungkahi na


kailangang magtatag ng mga industriyang mangangalaga at lilinang sa mga likas na yaman ng
Pilipinas

F. Binigyang pansin ang pagpapalaki ng produksyon/industrya at pagsasaka

You might also like