You are on page 1of 1

Viñas, Vanna Jane R.

11 - St. Louis 1

1. Maayos bang nailahad ang mga layunin ng pananaliksik batay sa mga


abstrak nito? Pangatuwiran ang sagot.

Abstrak 1: Sa abstrak na ito ay maayos nailahad ang layunin sapagkat ang layunin na
nabanggit ay malinaw ang pagkakasalaysay kung kaya't mabilis maintindihan ng
mangbabasa at may akmang gamit ng mga salita.

Abstrak 2: Sa ikalawang abstrak namang ay masasabing may malinaw ding pagkakalahad


ng layunin dahil ito ay derekta sa punto at ang layuning napili ay napapanahon at
tiyak na makakakuha sa interes ng mambabasa.
Mga salitang walang malalim na kahulugan ang kanyang ginamit kung kaya't mabilis
mauunawaan.

2. Anong paraan ang ginamit ng mga mananaliksik sa pangangalap ng datos?

Abstrak 1: Ang mga mananaliksik sa unang abstrak ay sumailalim sa quantitative


method at gumamit ng nonrandom convenient sampling kung saan ang mga mananaliksik
ay pumipili ng respondente ayon sa convenience upang kumalap ng datos sa mga ito
bumibilang sa tatlumpo't limang (35) batang ina na may edad na labing-dalawa
hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta. Rosa Alaminos, Laguna

Abstrak 2: Sa ikalawang abstrak naman ay gumamit ang mananaliksik ng deskriptibo o


pang larawang paraan kung saan nagtatangkang ipakita ang isang tumpak na larawan ng
nga bagay-bagay sa kasalukuyan at ito ay gumagamit ng mga datos na nagmumulansa
kasalukuyang ulat, sarbey, at pagmamasid sa mga mag-aaral na kumuha ng IT sa St.
Bridget College - Batangas City sa taong 2014-2015. Ang iba pang mga pamaraang
ginamit sa pagkalap ng datos ay ang pananaliksik sa iba’t-ibang pahayagan at aklat,
mga sample ng thesis, at mga website sa internet.

3. Sa iyong palagay ano kaya ang kahalagahan sa lipunan ng kanilang


ginawang pananaliksik?

Abstrak 1: Para sa akin, ang pananaliksik na ito ay may kahalagahan sa lipunan


sapagkat ito ay dati ng isyu at nangyayari pa rin sa kasalukuyan na magbibigay ng
kamalayan sa publiko na ito ay seryosong usapin at maaaring gawing inspirasyon ng
susunod na mananaliksik na gawan ng pananaliksik tungkol sa kung paano ito
masosolusyunan. Maaari itong magbigay ng kaginhawaan at motibasyon sa mga batang
ina na nakaranas nito lalo na kung sila ay nakakaranas ng problema sa nabanggit na
aspeto. Gayunpaman, ito rin ay maaaring magsilbing babala sa mga kabataan na ang
maagang pagbununtis ay may maraming kaakibat na kahihinatnan sa iba’t-ibang aspeto.

Abstrak 2: Upang bigyang pansin kung gaano kalupit ang epekto ng pag lalaro ng
kompyuter games, facebook at sa panonood ng mga videos at sa kalusugan at pag aaral
ng ibang tao upang maipaliwanag ang kahadlangan ng buhay ng ibang tao

You might also like