You are on page 1of 31

ANG MGA EPEKTO NG KAPE SA KAISIPAN

AT PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG NARSING NG OLFU

Isang Pananaliksik na iniharap

Sa Klase ni Gng. Normita Cosico

Our Lady of Fatima University

Lagro, Lungsod ng Quezon

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan

ng Asignaturang Filipino 2

Inihanda ng Ikaapat na Grupo ng

BSN 1Y2 - 1

MARSO 2012
PAGHAHANDOG

Taos – pusong nagpasasalamat ang ikaapat na pangkat ng BSN 1Y2 – 1 sa

mga naging inspirasyon ng mga mananaliksik at sa mga nakibahagi ng riserts na ito:

Una sa lahat, dalisay ang mga mananaliksik na nagpapasalamat sa Poong –

Maykapal na siyang nagbigay sa amin ng lakas at tatag upang maisakatuparan ang

pananaliksik na ito. Sa kanyang pag—ingat at paggabay sa aming mga pang araw-araw na

gawain at sa mga grasyang tinataanggap ng mga mananaliksik.

Sa aming mga pinakamamahal ng magulang na walang sawa ang

pagsuporta sa aming pag-aaral at pagbibigay sa lahat ng suportang moral maging pinansyal,

upang kami ay makapagsaliksik nang maayos at para sa pagpapatuloy ng aming pag-aaral.

Sa aming kapwa estudyante sa mga suporta at pagtulong sa isa’t isa para

maisakatuparan ang pananaliksik na aming ginawa.

At higit sa lahat sa aming pinakamamahal naming propesor , Ginang

Normita Cosico na gumabay sa aming pag-aaral sa aignaturang Filipino 2. Gayundin sa

bawat kasapi ng pangkat apat na nagbigay at nagbuhos ng oras at pagod upang

maisakatuparan ang pananaliksik na ito.

DEDIKASYON
Ang mga mananaliksik sa paksang “ANG MGA EPEKTO NG KAPE SA

KAISIPAN AT PAG-AARAL NG MGA MAG-AARAL NG NURSING NG OLFU” ay

lubos na nagpapasalamat sa mga taong tumulong, nagbigay ng kontribusyon at nag-alay

suporta sa reyalisasyon ng pamanahunang papel na ito.

Muli, MARAMING SALAMAT PO!

Mga Mananaliksik

ii

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito ay pinamagatang

“Ang Mga Epekto ng Kape sa Kaisipan at Pag-aaral ng mga Mag-aaral ng Nursing ng

OLFU” ay inihanda ng ikalimang grupo ng BSN 1Y2 – 1 na binuo

John Paul Lorico Cherry Mae Maxino

Joybee Loro Lindsey Nena Meimban

Alona Jean Lucas Jean Feing Nafura

Goldilyn Macogay Alpha Ogena

Tinanggap ang Pamanahong-Papel na ito sa ngalan ng Departamento ng

Filipino ng Our Lady of Fatima University sa Lagro, Lungsod ng Quezon, bilang isa sa

mga pangangailangan sa asignatura ng Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa

Pananaliksik.

__________________________ _______________________
Gng. Normita Cosico Petsa
Dalubguro – Filipino 2

iii

ABSTRAKTO
Nilalayon sa pag-aaral na ito na ang kape ay isang dahilan kung bakit ang

ibang estudyante ay alerto sa pagkilos at pagsagot sa kani kanilang mga klase, Gayundin

ang mga dahilan kung bakit karamihan sa Pilipino ngayon ay nahihilig sa pag-inom ng

kape.

Sa aming pananaliksik, puwede itong magsilbing pangunahing agahan sa mga

kabataan at estudyanteng nahihilig sa pag-inom ng kape para pag dating ng araw na mabasa

nila ang riserts na ito na ipinapahayag ang ilan sa mga nagiging bunga at epekto nito sa

kalusugan.

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mabigyan ng karagdagan o sapat na kaalaman

ang mga kabataan estudyante at ang mga mambabasa.

Sa kabuuan, naipakita sa pamamagitan ng impormasyon at datos ang mga kasagutan,

Gaya na lamang ng 79 na porsyento sa mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University na

nahiilig sa kape, dahil ito na ang nakasanayan,at nakahiligan , ang pangunahing dahilan ng

pag-inom ng kape ay indemand sa mga estudyante at kabataan ngayon.

iv
Sa mga kabataan at estudyante na nahihilig ngayon sa pag-inom ng kape dapat ay

bihira lamang dahil kahit nakakagising ito ng diwa ng isang tao ay andiyan parin ang ibang

epekto sa ating kalusugan.

Ayon sa mga nakalap na mga datos, dumarami sa ating bansa ang nakakahilig sa kape

dahilan sa ang kape ay nakakagising ng diwa,at pagiging alerto.

Sa kabuuan nito, ang pag-inom ng kape ay makikita sa buong mundo lalo na sa mga

estudyante at kabataan nating Pilipino sa kadahilanang ang kape ay malaki ang naitutulong sa

kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

v
TALAAN NG MGA NILALAMAN

KABANATA 1 : Ang Suliranin at Saligan ng Pag-aaral

Panimula 1

Paglalahad ng Suliranin 2

Kahalagahan ng Pananaliksik 3

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral 3

Pag-aaral ng Hypotesis 4

Kahulugan ng mga Termino 4

KABANATA 2 : Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Lokal na Pag-aaral 6

Banyagang Pag-aaral 8

Lokal na Literatura 9

Banyagang Literatura 10

KABANATA 3 : Metodolohiya o Paraan ng Pananaliksik

Paraan ng Pananaliksik 12

Pokus ng Pag-aaral 13

Instrumentong Pampananaliksik 13

Tritment ng Datos 14

KABANATA 4 : Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Talahanayang Blg. 1 15

Talahanayang Blg. 2 16

vi
Talahanayang Blg. 3 17

Talahanayang Blg. 4 18

KABANATA 5 : Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom 19

Kongklusyon 20

Rekomendasyon 21

Listahan ng mga Sanggunian 22

Apendiks

A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot 23

B. Sarvey – Kwestyoneyr 24

C. Curriculum Vitae 26

vii
Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT SALIGAN NG PAG-AARAL

PANIMULA

Ang kape ay isa sa mga tinatangkilik na inumin sa buong mundo. At maging sa

ating bansa ay lubos itong kilala bilang katambal ng mainit na pandesal sa almusal o isang

inumin na masasabing maaring magpainit at magpagising sa ating nanlalamig na katawan.

Sa araw-araw na pamumuhay ng isang tipikal na Pilipino ay hindi niyang lubos na

maumpisahan ang kanilang araw hanggang hindi pa sila nakainum ng kape, ito ay

nagsilbing pang araw-araw na gawain.

Sa bawat tahanan ng isang Pilipino hindi ito maaring mawalan ng isang garapon na

naglalaman ng kape. Sa kadahilanang ito ay naging parte na ng kanilang pang-araw-araw

na buhay. At sa panahon ngayon ay naglaganap na ang mga coffee shops tulad ng

Starbucks at iba pa, kaya mas naging maimpluwensya ang pagtangkilik ng mga tao sa kape.

At kahit sa mga banyagang bansa ay lubos na kilala ang kape hindi lamang sa pagiging

inumin kundi sa pagiging sangkap nito sa mga pagkain at iba pa.

At bilang isang estudyante lalo na kung ikaw ay nasa kolehiyo na ay hindi mo

maiiwasang dumepende sa kape. Lalo na kung ikaw ay nasa larangan ng pag-aaral ng

medisina tulad ng Nursing, Pharmacy, MedTech at iba pa. Bakit naman? Dahil sa

paniniwalang ito ay makakatulong sa pagiging alerto at mapapanatiling gising ang iyong

1
kaisipan at katawan sa anumang gawain. At napapanatili ng kape ang enerhiya ng isang

mag-aaral sa mga panahong kailangan niyang magpuyat dahil sa mga pagsusulit na

tatahakin ng isang estudyante kinabukasan. Sa bawat paghahanda ng isang estudyante ay

hindi mawawala ang isang baso ng kape sa kanyang tabi. Ngunit paano nga ba

nakakaapekto ang pag-inum ng kape sa isang estudyante?

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Sa paggawa ng pananaliksik na ito ay magagawa nating sagutin ang mga

sumusunod na katanungan:

1. Ilang OLFU Nursing Students ang umiinom ng kape?

2. Ang mga dahilan kung bakit maraming OLFU Nursing Students ang

umiinom ng kape.

3. Paano nakakatulong ang kape sa pag-aaral ng mag-aaral ng Nursing ng

OLFU?

4. Ano ang mga dulot ng kape sa kalusugan nga mga OLFU Nursing Student?

5. Anong klase ng kape ang may mabisang epekto sa ating pag-iisip?

2
KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay makakatulong sa sumusunod na pangkat ng tao:

Nursing Students. Ang pananaliksik na ito ay naglalahad sa epekto ng kape ng

sa kaisipan at katawan ng mga estudyante ng Nursing. Magagamit nila ito

bilang sanggunian kung ano ang maidudulot ng kape sa kanilang kaisipan

mabuti man ito o masama.

Kapwa Estudyante. Ang pananaliksik nito ay makakatulong sa pananaw nila

tungkol sa kape. At ito rin ay lubos na makakapagbigay ng impormasyon kung

makakatulong ba ang kape sa kanilang pag-aaral.

Sa mga susunod na mananaliksik. Nakalahad sa pananaliksik na ito ang ilang

mga mahahalagang impormasyon na maari ring gamitin sa susunod na

henerasyon. At itong pananaliksik na ito ay maari nilang gawing sanggunian.

SALAW AT LIMITASYON NG PANANALIKSIK

Ang gagawing pananaliksik ay sumasaklaw lamang sa mga estudyanteng

kumukuha ng kursong Nursing sa Our Lady of Fatima University mula sa ikaunang antas

hanggang sa ikaapat na antas na may gulang na mula 15 pataas. At may bilang na 100 na

respondente. At ang ibang respondente sa nabanggit na bilang ay masasabing nagduduty na

sa isang hospital bilang isang pangangailangan nila sa nasabing kurso. Ang isangdaan na

respondents ay rumerepresenta sa mga nag-aaral ng kursong Nursing sa OLFU.

3
At ang mga mananaliksik ay nagbibigay limitasyon lamang sa epekto ng kape sa

kaisipan, kalusugan at pag-aaral ng mga mag-aaral ng Nursing ng OLFU.

PAGLALAHAD NG HAYPOTESIS

Sa pananaliksik na ito ukol sa mga mag-aaral ng kursong nursing ng OLFU.

Napansin ng mga mananaliksik na laging bukambibig nila na ilang baso ng kape ang

nainom nila dahil sa nag-aaral, nagduty at nagpuyat sila para matapos nila ang kanilang

mga gawain. Naisipan naming ang mga sumusunod ay maaring mga kasagutan sa mga

suliranin ng pananaliksik na ito:

1. Maraming OLFU Nursing students ay umiinom ng kape. At para sa kanila ay

malaki ang naiiaambag ng kape para manatiling gising at alerto ang kanilang

kaisipan at katawan para sa anumang gawain. At;

2. May mga mabuting epekto ang pag-inom ng kape ngunit may mga epekto rin

ito na makasasama para sa kalusugan ng mga estudyante.

KAHULUGAN NG MGA TERMINO

Para sa layunin ng mga mananaliksik na maunawaan na mabuti ng mga mambabasa

ang pananaliksik, ang mga sumusunod na terminolohiya ay binigyan ng kaukulang

depinisyon batay sa kung paano ginamit ang mga salita sa pananaliksik na ito.

Kape – isang inumin madalas na inahain na mainit, hinahanda mula sa mga

4
nilutong buto ng halamang kape.

Caffeine – pangunahing kemikal na matatagpuan sa kape. At isang kemikal na

may epekto ng isang stimulant.

Stimulant – ay isang kemikal na na nakakatulong sa temporaryong pagiging

aktibo ng ating katawan at isipan.

Brewing – ang proseso para ihanda ang kape.

Instant Coffee – ito ay nabibili sa sari-sari store, at ito ay kapeng na isama

lamang sa mainit na tubig at handa na rin itong inumin.

Decaffeinated Coffee- uri ng kape na inalisan ng caffeine

Anti-Oxidant – isang sangkap na kailangan ng ating katawan para maiwasan

ang pagsira nito

5
Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga literatura at pag-aaral na kanilang

ginamit bilang mga sanggunian sa pananaliksik na ginawa. At dahil sa mga literatura at

pag-aaral na ito ay lubos itong makakatulong sa mga pananaliksik na ginawa.

LOKAL NA PAG-AARAL

Ayon kay Joan Sumpio, manunulat ng artikulong “Caffeine in Coffee”, sa

maraming pagpupulong, mapa-opisina man ito o sa mga symposium, ang isang baso ng

kape ay hindi nawawala. Ayon sa kanyang artikulo, ang kape ay ibinibigay sa mga

pagpupulong bilang isang mental stimulant upang ang utak ay gumana ng husto, upang

hindi antukin, upang magkaroon ng magagandang ideya na maaaring maibahagi at upang

maging alerto sa panahon ng pagpupulong. Ibinahagi niya sa kanyang artikulo ang ilang

mga pag-aaral na maaaring maging patunay ng epekto ng kape sa utak ng tao:

Sa pagtulog at pagkagising:

Sa mga panahon na ang tao ay gising, nagsisimulang dumating sa utak ng tao ang

mga salik na nakapagpapasimula ng antok. Ang caffeine ang kumokontra sa mga salik na

ito kaya’t tayo ay nananatiling gising kapag tayo ay umiinom ng kape.

6
Sa pagiging alerto:

Mula sa mababa hanggang katamtamang doses ng caffeine ay may mabubuti ring

epekto tulad ng pagiging masigla, pagiging malikhain, pagkamaparaan, pagkakaroon ng

higit na tiwala sa sarili, pagiging alerto, kakayahan sa konsentrasyon at pagkakaroon ng

ganang magtrabaho. Ipinakikita rin sa mga datos ang kakayahan ng kape na bawasan ang

distraksyon sa paligid ng tao kaysa dagdagan ang mga proseso na nagaganap sa kanilang

isip.

Sa pag-iisip at memorya:

May kakayahan ang caffeine na paunlarin ang abilidad ng tao sa paggawa ng mga

desisyon, pagiging mabilis at pagresolba ng mga lohikal na suliranin. Nagkakaroon rin ng

kakayahan ang tao na mag-isip maging sa mahirap man o medaling mga pag-aanalisa. May

potensyal rin ang kape na maimpluwensyahan ang pagkilalang-biswal ng tao.

Sa mood ng tao:

Mula mababa hanggang katamtamang pagkonsumo ng caffeine ay may mabuting

epekto sa mood ng tao tulad ng pagiging kalmado, pagiging kontento at pagiging masigla.

Ayon sa ibang mga nakasaad na pag-aaral, ang mga tao na umiinom ng kape ay may mas

mababang bilang sa pagkakaroon ng problema sa memorya tulad ng Parkinson’s at

Alzheimer’s Disease kaysa sa mga tao na hindi umiinom ng kape.

7
Habang ang caffeine ay sinasabing nagbibigay ng mga benepisyong nasabi sa

itaaas, hindi ipinapayo sa bawat isa na maaari ang pag-inom ng kape ayon sa dami na

kanilang gusto. Lahat ng sobra ay masama, maaaring ang sobrang pag-inom ng kape ay

magdulot ng masamang epekto sa katawan. (Sumpio, J. Caffeine in Coffee. Manila

Bulletin. 2009)

BANYAGANG PAG-AARAL

"Kape" ay halos zero calories bilang bawat 8-onsa ng lupa brewed kape ay

naglalaman lamang 2 calories, na nanggagaling sa mono-lunod langis at maliit na halaga

ng protina sa kapeng barako. Ang mga calories na magdadala sa iyo sa kape ay dahil sa

ang mga additives dito, tulad ng gatas, pulot, asukal atbp. Dahil ang kapeina ay mapait sa

panlasa; ginagamitan ito ng asukal at iba pang mga sweeteners upang bawasan ang

kanyang kapaitan.

Mas marami ang uminom, mas mataas ang calorie count dahil upang mabawasan

ang kapaitan, gusto mo ito padagdagn ng gatas, cream, asukal at iba pang stuffs. Isang

malaking lata ng 16 onsa ay may halos 198 calories, kahit na ikaw ay nagdagdag ng

sinagap na gatas. Ito ay sweetened na siksik na inumin at tunay na mataas sa calories.

Bawat kutsarita ng asukal na idagdag sa kape ay tumataas ang antas ng calorie sa

pamamagitan ng 15, at dagdag pa ay ang whipped cream na 15 ml dagdag pa ang 50

calories at tumataba ng limang gramo sa isang tasa ng kape. (Emie Gracia, 2006)

8
LOKAL NA LITERATURA

Tungkol sa epekto ng kape sa isang tao. Napapanatili nitong gising ang diwa ng

isang tao, dahil ito ay may sangkap na Caffeine na isang stimulant na nag papanatiling

gising ang isang tao, pwede rin itong makapawi ng sakit ng ulo, tiyan at pero ito’y

panandalian lamang, at ang isang magandang epekto ng kape. Sa katawan ng isang tao ay

ang pagsisilbi nito bilang isang antioxidant o ang pagbagal ng pagkulubot ng ating balat o

sabihin na lamang natin na mabagal na pag tanda ng isang tao, ayon naman sa ibang mga

tao na ang kape ay nag bibigay nerbyos pero pag ito ay nasobrahan sa pag inom lamang.

At ang isa pang epekto ng kape ay nakakaalis ito ng stress sa isang tao lalo na ang

mga subsob sa trabaho lalo na ang mga nag tatrabaho sa opisina, at namomonitor din nito

ang lebel ng stress ng isang tao sa pamamagitan ng pisikal na posisyon tulad ng pag tayo at

pag-upo sa kada oras, pero ayon sa ibang doctor tulad ni Carl Pieper hindi nila

npinapayagan ang sobrang pag inum ng kape lalo na ang caffeinated sapagkat ito ay mas

lalong nakakapag bigay ng stress sa tao at hindi maganda sa katawan, at naniniwala sila na

ang mga huminto sa pag inum ng kape ay nagkakaroon ng maganda at maayos na

kalusugan at beneficial din ito sa mga taong nag hihirap sa sakit na high blood

pressure.walang physiological ng nag rerekumenda na ang pag inom ng kape ay isang

inuming pang dayet ng isang tao at stimulant din ito sa ating central nervous system ang

cardiac muscle o pag increase ng ating heart rate.At sa ating respiratory system na rerelax

ang air passages permitting para mapabuti ang pag hinga ng isang tao at allows ang ibang

muscle para makontrak ng mas madali.

9
Karamihan sa mga tao ay umiinom ng kape at iba pang inumin at talaga namang

nakakalimutan at binabalewala na ang pag-inom ng tubig. Ito ang dahilan kung bakit mas

tumataas ang calorie intake. Karamihan sa mga inumin ay mayroong caffeine. Ang caffeine

ay nagsisilbing diuretic na siyang nagiging sanhi ng dehydration. Sa panahong nauuhaw

ang isang tao, siya ay dehydrated na. (Danilova Molintas, 2011)

BANYAGANG LITERATURA

Kenneth Davids, 2006 Ang kape ay isang inumin madalas na inahain na mainit,

hinahanda mula sa mga nilutong buto ng halamang kape. Ang kape ang pangalawang

pinakakaraniwang kinakalakal nakomodidad sa buong mundo, petrolyo ang nangununa.

Isang kabuuang 6.7 milyon tonelada ng kape ang ginagawa bawat taon noong 1998-2000,

tinatayang tataas ito sa 7 milyong tonelada bawat taon sa 2004. Ang kape ang pangunahing

pinagkukunan ng caffeine, isang stimulant. Patuloy na inaaral at pinag-uusapan ng

malawakan ang kanyang potensyal na pakinabang at hadlang. Ang salitang kape ay

tumutukoy sa isang uri ng mga buto o butil, puno, kulay (kulay-kape) o inumin.

Ito ay kamangha-mangha kapag ang isang bagay na itinuturing na kahina-hinala

para sa iyong kalusugan na magkaroon ng mga benipisyo sa iyong kalusugan, karaniwan sa

kondisyon na gamitin ito sa pagtitimpi. Nangyari yun sa tsokolate at alak, at ngayon ay sa

kape naman, noong Pebrero na isyu ng Harvard Health Letter. Narito ang ilang mga

karamihang magagandang balita tungkol sa kape:

10
• Presyon ng Dugo. Ang resulta ay galling sa Long-term studies na nagpapakita na

ang kape ay hindi nag papataas ng presyon ng dugo. Natuklasan din ang pag-aaral

para sa ibat-ibang mga epekto ng kape sa katawan ng tao.

• Kanser. Ang kape ay maaaring magkaroon ng mga anti-anser na katangian. Noong

nakaraan na Taon, natagpuan ng mga mananaliksik na ang mga umiinom ng kape

ay 50% mas lamang na makauha ng kanser sa atay kaysa sa mga hindi umiinom. Sa

ilang pag-aaral ay nakakita na mababa ang colon, dibdib at rectal cancers.

• Kolesterol. Dalawang sangkap ng kape - kahweol and cafestol – tumataas ang

kolesterol.

• Diabetes. Yung mga malalakas uminom ng kape ay kalahating bilang ay

magkakaroon ng diabetes. Ang kape ay maaaring naglalaman ng mga kemikal na

mas mababa ang asukal sa dugo.

Ang isang magandang epekto ng kape sa ating katawan ay ang pagsisilbi nito

bilang antioxidant o ang pagbagal ng pagkulubot ng ating balat o sabihin na nating ang

pagtanda ng isang tao. Napapanatili nitong gising ang diwa ng tao, may sangkap kasi itong

caffeine na isang stimulant na nagpapanatili ng gising. Pwede rin itong makapawi ng sakit

ng ulo pero panandalian lang.

11
Kabanata 3

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kaganapan ng isang pag-aaral ay maisasakatuparan lamang kung

mayroong sapat na datos na mapagbabatayan. At dahil sa ang pangunahing

layunin ng pananaliksik ay ang matuklasan ang katotohanan tungkol sa naturang paksa.

Sa pananaliksik na ito ay naglalayon na suriin ng mga mananaliksik ang mga

epekto ng kape sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng nursing ng OLFU.

Hindi magiging makabuluhan ang pananaliksik kung walang sapat na kaalaman at

impormasyon ang mga mananaliksik. Kung kaya ang mga pamamaraan at mga hakbang na

gagamitin sa pag-aaral na ito ay maingat na isasagawa upang magkaroon ng katuturan at

katotohanan ang magiging resulta ng pananaliksik.

Ang mga mananaliksik ay mangangalap ng datos sa pamamagitan ng iba’t ibang

pamamaraang angkop sa kanilang pananaliksik.

PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng disenyo ng pamamaraang deskriptib

– analitik. Ito ay isang disenyo ng pangangalap ng impormasyon o datos

12
hinggil sa salik na kaugnay sa paksa ng pananaliksik. Tatangkain ng mga mananaliksik

na suriin at ilarawan ang epekto ng kape sa pag-aaral ng mga mag-aaral ng nursing mula sa

ika-una hanggang sa ikaapat na taon sa OLFU.

POKUS NG PAG-AARAL

Ang mga piling respondente ay nagmula sa Kolehiyo ng Narsing ng Our Lady of

Fatima University ng Lagro, Quezon City. Pumili lamang ang mga mananaliksik ng 100 na

respondente mula sa una hanggang sa apat na taon na mag-aaral ng nursing ng OLFU.

Bawat antas ay kukuha ang mga mananaliksik ng 25 respondente bilang mga representatib

ng bawat taon, upang sagutan ang mga inihandang tanong o sarbey ng mga tagasaliksik.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang pananaliksik na ito ay gagawin sa paraan ng pagsasarbey. Ang mga

mananaliksik ay naghanda ng isang sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng

datos at impormasyon upang masuri ang mga Epekto ng Kape sa Pag-aaral ng Mag-aaral

ng narsing ng OLFU.

Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang mga mananaliksik sa

iba’t ibang uri ng sanggunian tulad ng aklat, tesis, pamanahuang papel, pahayagan,

13

artikulo at internet. At nagkaroon rin ng interbyu sa mga respondente


TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahunang papel na ito ay isang panimula lamang sa mga mag-aaral at ito

ay isang pangangalingan sa asinaturang Filipino 2, at hindi naman isang pangangailangan

upang makapagtamo ng isang digri tulad ng tesis kaya’t walang ginawang pagtatangkang

upang suriin ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na

istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng pumili sa bawat aytem ng

kwestyoneyr na inalam ng mga mananaliksik. Samakatuwid, pagtatally at pagkuha ng

porsyento lamang ang kinakailangang gawin. Sapagkat mayroon lamang na isandaang

respondente, nagging madali sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil bawat

dami ng bilang ay awtomatikong katumbas ng porsyento.

14

Kabanata 4
PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Layon ng kabanatang ito ay maipakita ang resulta ng mga nakalap na datos ng mga

mananaliksik. Sinuring mabuti ang mga datos ng may pag-iingat at buong katapatan.

Talahanayang Blg. 1

Bilang ng mga Mag-aaral ng Narsing na Umiinom ng Kape

Ipinapakita sa datos sa itaas na maraming nursing students ang umiinom ng kape

dahil sa 100 porsyento ay may 79 na porsyento ang umiinom nito. Samantalang 21 na

porsyento ang nagsasabing hindi sila umiinom ng kape. Masasabi ng mga mananaliksik

15

na talagang marami ang mga mag-aaral ng Narsing ang umiinom ng kape.


Talahanayang Blg. 2

Uri ng Kape na Iniinom ng mga Mag-aaral ng Narsing

Sa datos na ito, sa 79 na bilang ng mga estudyanteng umiinom ng kape ay 31.90 %

ang nagsasabing Coffee with Creamer ang pangunahing kapeng kanilang iniinom.

Samantalang pumapangalawa naman ang coffee with milk at sumusunod na ang iba.

16

Talahanayang Blg. 3

Ilang Baso ng Kape ang Naiinom ng mga Mag-aaral ng Narsing


Ayon sa aming ginawang pagriserts, sa 79 na bilang ng mga estudyanteng umiinom ng

kape ay mayroong 42 (katumbas ang 53% ng kabuua) na bilang ng estudyante ang

umiinom nito ng isang beses sa isang araw. Sapagkat kailangan nilang umiinom nito para

sa kanilang pagrerebyu upang hindi sila dalawin ng antok. Ang iba naman ay umiinom ng

higit pa sa isang kape dahil sa matinding pagpupuyat.

17

Talahanyang Blg. 4
18

Kabanata 5

LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON


LAGOM

Ang ginawang pananaliksikna ito, ay isang pagtatangkang malaman ang kahandaan

at damdamin sa pananaliksik ukol sa paksang “Ang Mga Epekto ng Kape sa kaisipan at

pag aaral ng mga mag aaral ng narsing ng Our Lady of Fatima University sa taong 2011-

2012.

Gamit ang disenyong deskriptib-analitik, ang mga mananaliksik ay nag disenyo ng

sarbey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isang daang respondente na kumukuha ng kursong

narsing (mula una hanggang ika-apat na taon) ng Our Lady of Fatima University.

Ayon sa nakalap na datos, pitumpu’t siyam na porsyento ng mga respondente ay umiinom

ng kape. Samantalang dalawampu’t isang porsyento ang hindi umiinom ng kape at halos

53.16% ang nag sasabing sila ay nakakaisang baso lamang ng kape sa buong araw. 51.90%

naman ang nag sasabing ang “Coffee with Creamer.”

Sa ginawang pag-ririserts ay karamihan sa umiinom ng kape ay dahil sa pag aaral.

Ang kape ay nakakatulong sakanila para maging gising sa gabi at maging aktibo sa

kanilang mga gawain. Kapag may eksamen, nagiging epektibo sakanila ang pag inom ng

kape dahil tinutulungan silang makapag rebyu sa magdamag hanggang sa gusto nila. Ang

mga ibang respondente ay umiinom ng kape sa kadahilanang mawala ang kanilang antok

19

para sa kailangan nilang pagpuyat upang makagawa ng kanilang mga asignatura at

proyekto.
KONGKLUSYON

Batay sa mga nailahad na datos, ang mga mananaliksik ay nagbigay ng mga

pagpapatibay, ng mga kongklusyon:

• Ang kape ay nagging isang inumin para sa mga nursing students upang

mapanatili nila ang pagiging alerto at pagiging gising.

• Ang pangunahing kapeng iniinom ng mga mag-aaral ng narsing ay ang

kapeng may kreamer upang mapanatili ang pagiging alerto nila sa buong

magdamag.

• Marami ang sumasang-ayon na may mga mabuting epekto ng kape sa

kanilang pa-aaral at kaisipan bilang mga estudyante ng nursing.

• Sa kabuuan, ang kape ay maituturing na isa sa mga maimpluwensyang

inumin sa mga mag-aaral ng narsing ng OLFU. Dahil sa mga epektong

malaki ang naitutulong sa kanilang pag-aaral bilang mga estudyante ng

narsing.

20

REKOMENDASYON

Kaugnay ng mga kongklusyon ay buong pagpapakumbaba na mabigyang pansin

ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik sa mga sumusunod:


• Sa mga mag-aaral ng Narsing. Ang kape ay may mabuting epekto sa ating mga

katawan at kaisipan ngunit anumang sobra ay nakakasama sa ating kalusugan. At

dapat nilang alamin ang tamang pagkonsyunmo ng kape sa isang arw at ang mga

sankap na lubos na nakakatulong sa mga mag-aaral na tulad nila.

• Sa mga magulang. Dapat alamin at batayan ninyo kung nababalanse ng inyong mga

anak ang tamang pagkonsyumo ng kape bawat isang araw.

• Para sa mga sususnod na mananaliksik, ipagpatuloy o palawakin pa ang pag-aaral

na ito tungo sa pagtuklas ng mas marami at higit pang mahalagang mga datos at

impormasyong maaring makatulong sa pagtuklas ng mga suliraning kaugnay ng

pananaliksik na ito.

21

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

A . Mga Libro
1. Molintas, Danilova. 2011 “Pagkain at Iba pa”

2. Davids, Kenneth. 2006 “Coffee in Making”

B. Mga Artikulo

1. Gracia, Emie. 2006 “Let’s Drink!” Food Tech Magazine

2. Sumpio, J. 2009 “Caffeine in Coffee” Manila Bulletin.

You might also like