You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

PANREHIYONG PAGTATASA SA KALAGITNAANG TAON SA


ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: _____________________________ Petsa: ______________ Iskor:

Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan. Piliin lamang ang letra ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.

1. Anong lokasyon ang tinutukoy sa mga anyong tubig na nakapaligid sa isang


bansa?
A. Absoluto
B. Bisinal
C. Kritikal
D. Insular
2. Ayon sa mitolohiya ng Visayas, kanino nagmula ang unang pangkat ng mga tao
sa Pilipinas?
A. Mag-asawang Mandayan
B. Malakas at Maganda
C. Sicalac at Sicavay
D. Uvigan Bugan

3. Saan matatagpuan ang mga lipi ng mga Austronesyano?


A. Madagascar ng Timog Aprika
B. Malaysia
C. Samoa
D. Timog-Silangang Asya

4. Sino ang nangunguna sa pagsasagawa ng mga ritwal ng mga Bisaya na


pinaniniwalaang taga-
pamagitan sa mundo, diyos at tao?
A. babaylan
B. ganbanes
C. pari
D. pomares

5. Alin sa sumusunod ang HINDI kalagayan o sitwasyon ng Pilipinas noong Pre-


kolonyal o bago dumating ang mga mananakop?
A. may sariling teritoryo
B. may sariling pamahalaan
C. may pananampalatayang Kristiyano
D. may sistema ng pagbasa at pagsulat
6. Tumutukoy ito sa isang kaisipan o paliwanag sa isang mahalagang konsepto gamit
ang siyentipikong pamamaraan ng pananaliksik.
A. mito
B. relihiyon
C. siyensiya
D. teorya

7. Alin sa sumusunod ang sinisimbolo ng tattoo o batuk sa katawan?


A. kaayusan at kalinisan
B. Kabaitan at katapatan
C. kagitingan at kagandahan
D. katalinuhan at kahusayan

8. Ang Pilipinas ay tinaguriang “__________ ng Asya” dahil sa estratehiko nitong


lokasyon .
A. bintana
B. daanan
C. daluyan
D. pintuan

9. Simula noong ikasiyam na dantaon, dumating ang mga Arabong Muslim sa


Pilipinas upang
____________.
A. bumisita
B. manakop
C. makipaglaban
D. makipagkalakalan

10. Sino ang sinasamba o Diyos ng mga Muslim?


A. Allah
B. Hesus
C. Maria
D. Mohammad

11. Siya ang kauna-unahang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas.


A. Janjalani Abdulah
B. Rajah Baginda
C. Sharif Kabungsuan
D. Tuan Masha’ika
12. Bago pa man dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may kaalaman na ang
sinaunang Pilipino sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika.
Sila ay may sariling ____
A. awit at sayaw
B. pananalita at pagsulat
C. paniniwala at paggawa
D. panitikan at sining

13. Ano ang magandang naidulot ng ibat-ibang sining at panitikan sa ating mga
ninuno?
A. Naging makulay at kaaya-aya ang pamumuhay ng ating mga
ninuno.
B. Naisalin nila sa mga sumunod na henerasyon ang mayaman
nilang kultura.
C. Naipahayag ang kanilang damdamin, paniniwala at mga
karanasan ng ating mga ninuno.
D. A at B.

14. Paano isinalin ng mga sinaunang Pilipino ang kanilang kultura sa mga sumunod
na henerasyon?
A. sa pamamagitan ng musika, awit, sayaw, at panitikan
B. sa pamamagitan ng patuloy na paniniwala sa mga anito
C. sa pamamagitan ng pagkakasundo ng mga ibat-ibang
barangay
D. B at C

15. Ang mga sinaunang Pilipino ay naglagay ng permanenteng disenyo, marka o


tattoo sa kanilang balat at kalaunay tinawag nila itong ______________
A. disenyo
B. marka
C. pintados
D. tattoo

16. Ano ang kahalagahan ng pagkakatuklas sa Kweba ng Tabon sa Palawan?


A. pinatutunayan na maraming tao sa Pilipinas
B. pinatutunayan na sila ang kauna-unahang katutubong Pilipino
C. pinatutunayan na sila ay kabilang sa unang tao na nanirahan
sa mundo
D. B at C

17. Anong uri ng alipin ang nakatatamasa ng ilang karapatan tulad ng pagmamay-ari
ng kanilang
tirahan at pumili ng kanilang mapapangasawa?.
A. aliping maharlika
B. aliping namamahay
C. aliping saguiguilid
D. aliping timawa

18. Sino ang namumuno sa pamahalaang barangay noong unang panahon?


A. datu
B. ministro
C. pari
D. reyna

19. Ano ang tawag sa tagapayo at katulong ng sultan sa pagpapatupad ng batas?


A. Adat
B. Hariraya
C. Ruma Bichara
D. Zakat

20. . Siya ang namumuno sa pamahalaang sultanato.


A. alipin
B. datu
C. sultan
D. timawa

21. Ang sumusunod ay kasalukuyan at naging hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa


mga hanapbuhay
ang luminang sa pakikipagkaibigan at pakikipag-ugnayan ng mga sinaunang
Pilipino sa mga
dayuhan?
A. paghahabi
B. pagsasaka
C. pangingisda
D. pakikipagkalakalan

22. Sa pangkat na ito nagmumula ang mga sultan, datu, raha, lakan at kanilang mga
pamilya
Sila ay itinuturing na mga pinuno ng pamayanan kaya may malaking
pagpapahalaga kapag
napabilang ka dito.
A. alipin
B. Indones
C. Maharlika
D. Timawa

23. Bago dumating ang mga Espanyol sa Pilipinas, may kaalaman na ang mga
Pilipino
Sa paggamit ng mga instrumento at sa paglikha ng musika. Sila ay may sariling
__________
A. awit at sayaw.
B. pananalita at pagsulat.
C. paniniwala at paggawa.
D. paitikan at sining

24. Tawag sa alpabeto ng mga sinaunang Pilipino na binubuo ng 17 titik na may


tatlong patinig
at 14 na katinig.
A. alpabet
B. Baybayin
C. Panitikan
D. wika
25. Bago pa dumating ang mga Espanyol, nagsusuot na ng mga palamuti ang ating
mga ninuno
tulad ng isang alahas na gawa sa ginto na hugis rosas. Ano ang tawag dito?
A. ganbanes
B. patadyong
C. pomaras
D. putong

26. Aling mga bansa ang nanguna sa paglalayag sa malalayong lugar at


paghahanap ng mga bagong lupain noong panahon ng paggalugad at
pagtuklas?
A. Portugal at Tsina
B. Portugal at India
C. Portugal at Espanya
D. Portugal at Amerika

27. Ano ang tawag sa patakaran ng tuwirang pagkontrol o pagsakop ng malalaking


bansa sa isang maliliit at mahihinang bansa?
A. Imperiyalismo
B. Kolonyalismo
C. Kristiyanismo
D. Nasyonalismo

28. Alin sa sumusunod ang HINDI layunin ng mga Espanyol sa pagtuklas


ng mga lupaing kanilang sasakupin?
A. malibot ang buong mundo
B. palaganapin ang relihiyong Kristiyanismo
C. hirangin at tanghaling pinakamakapangyarihang bansa
D. makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop
na lupain

29. Sino ang namuno sa isa sa pinakamatagumpay na paglalayag noong Panahon


ng Paggalugad at Pagtuklas mula 1519 hanggang 1522?
A. Antonio Pigafetta
B. Christopher Columbus
C. Ferdinand Magellan
D. Miguel Lopez de Legazpi

30. Kailan nakarating sa Pilipinas ang ekspedisyon ni Ferdinand Magellan?


A. Marso 6, 1521
B. Marso 16, 1521
C. Marso 19, 1521
D. Marso 26, 1521

31. Anong arkipelago ang ipinangalan ni Magellan sa Pilipinas nang ito ay kaniyang
marating
dahil natapat na kapistahan ng naturang santo na iyon?
A. San Antonio
B. San Felipe
C. San Lazaro
D. San Miguel

32. Aling pulo sa Pilipinas ang unang narating ng ekspedisyon ni Magellan?


A. Cebu
B. Homonhon
C. Limasawa
D. Mactan

33. Saang pulo sa Pilipinas ginanap ang kauna-unahang misa?


A. Cebu
B. Homonhon
C. Limasawa
D. Mactan

34. Sino ang pinuno ng Limasawa na nakipagsanduguan kay Magellan bilang tanda
na kanilang pagkakaibigan?
A. Raja Humabon
B. Raja Kolambu
C. Lapu-Lapu
D. Zula

35. Aling barko ang sinunog ng mga tauhan ni Lapu - Lapu matapos nilang matalo
ang grupo ni Magellan?
A. Concepcion
B. San Antonio
C. Trinidad
D. Victoria

36. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga pangunahing layunin ng


Espanya
sa pagtuklas ng lupain?
A. karangalan
B. katapangan
C. kayamanan
D. Kristiyanismo

37. Ano ang relihiyong ipinakilala ng mga Espanyol sa mga


katutubong Pilipino?
A. Hinduismo
B. Islam
C. Kristyanismo
D. Paganismo

38. Ano ang iniregalo ni Magellan kay Juana na asawa ni Raja Humabon bilang
simbolo ng pakikipagkaibigan ng mga Espanyol sa mga mamamayan ng Cebu?
A. espada
B. ginto
C. imahen ni Sto. Nino
D. krus

39. Alin sa sumusunod ang dahilan kung bakit ang mga tao ay kailangang
magbayad ng buwis sa ilalim ng pamahalaang Espanyol?
A. pampagawa ng mga itinatayong tulay
B. pambili ng mga malalawak na lupain
C. pambili ng mga armas sa pakikipaglaban
D. pagpapakita ng pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng
Espanya

40. Bakit sapilitang inilipat ng mga Espanyol ang mga katutubong Pilipino sa
kabayanan?
A. upang lubusang makilala ang mga katutubong Pilipino
B. upang mabilang kung ilang lahat ang katutubong Pilipino
C. upang mapadali ang pagsakop sa mga katutubong Pilipino
D. upang dumami ang kanilang masisingil na tributo o buwis

41. Ano ang tawag sa pinakamataas na pinuno ng kolonyalismong Espanyol na siya


ring kinatawan ng Hari ng Espanya sa mga lupang sakop nito?
A. conquistador
B. encomiendero
C. gobernador heneral
D. prayle

42. Ano ang tawag sa pamamaraan ng pagdadala ng mga produkto galing sa


Maynila patungong Mexico at mga kalakal galing Mexico patungong Maynila?
A. abaca at niyog
B. barter
C. boleta
D. Kalakalang Galyon

43. Alin sa mga sumusunod na salaysay ang HINDI kabilang sa mahalagang epekto
ng sapilitang paggawa sa pagpapatatag ng pamahalaang kolonyal?

A.naging daan ito sa pagpapalaganap ng kolonyalismo


B.nakapagapatyao ang mga Espanyol ng iba’t ibang imprastraktura ng walang
bayad
C.tumaas ang buwis na kanilang ipinapataw sa mga kaawa-awang
mangagawang Pilipino
D.ang pagpapadala sa mga polista sa malalayong lugar ang naging daan upang
magkawatak-watak ang mga katutubo at maiwasan ang pag-aalsa

44. Alin sa mga sumusunod ang HINDI maaaring maging gawain o tungkulin ng
kababaihan noong panahon ng Kolonyalismong Espanyol?
A. tagapaglinis ng simbahan
B. tagapag-ayos ng mga kagamitan sa simbahan
C. ipinagpatuloy ang pagiging pinunong espirituwal
D. pagahawak ng pinakmataas na posisyon sa simbahan.

45. Ano ang tawag sa ugnayan ng pamahalaan at simbahan na kung saan ang
pamahalaan ay mahalagang gampanin sa pangangasiwa at pagsuporta sa
simbahan?
A. encomienda
B. patronato real
C. polo y servicio
D. tributo

46. Alin sa sumusunod ang tumutukoy o nagsasaad ng mga aral ng simbahan?


A. eukaristiya
B. katekismo
C. Patronato Real
D. Obras Pias

47. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga paring regular?


A. Augustinian
B. Franciscan
C. Jesuit
D. Paring Sekular

48. Alin sa sumusunod ang prebilehiyong dapat matanggap ng isang polista


alinsunod sa utos ng hari ng Espanya maliban sa __________?
A. bawat polista ay dapat makatanggap ng ¼ reales at bigas bawat araw
B. ang bawat polista ay bibigyan ng kanilang sariling lupang sasakahin
C. hindi dapat isagawa ang polo tuwing panahon ng pagtatanim at pag-aani
D. ang mga polista ay hindi dapat ipinadadala sa lugar na malayo sa
kanilang tahanan at pamilya.

49. Alin sa mga sumusunod ang HINDI mabuting epekto ng monopolyo ng tabako?
A. nagkaroon ng kakulangan sa pagkain sapagkat tabako lamang ang maaari
nilang itanim.
B. naging sentro ng pagawaan ang Pilipinas ng tabako sa buong daigdig.
C. kumita ng malaki ang Espanya mula sa paggawa ng tabako
D. nahikayat ang mga magsasaka na magtanim ng tabako.

50. Sino sino ang sapilitang pinagtatrabaho ng mga pinunong Espanyol sa


polo sa loob ng apatnapung (40) araw ?
A. kalalakihang nasa edad 16 hanggang 60 taong gulang
B. kalalakihang nasa edad 17 hanggang 60 taong gulang
C. kalalakihang nasa edad 18 hanggang 60 taong gulang
D. kalalakihang nasa edad 19 hanggang 60 taong gulang

You might also like