You are on page 1of 2

ANO ANG WIKA?

Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.


Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang
maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Tinatayang nasa pagitan ng 6,000
hanggang 7,000 ang mga wika sa daigdig, depende sa kung gaano katiyak ang
pangahulugan sa "wika", o kung paano ipinag-iiba ang mga wika at mga diyalekto.
Ang siyentipikong pag-aaral ng wika ay tinatawag na lingguwistika

ANO BA ANG KAHALOGAHAN NG WIKA?


Kung wala ang wika, mawawalan ng saysayang halos lahat ng gawain ng
sangkatauhan,sapagkat nagagamit ito sa pakikipag-ugnayankatulad ng sa
pakikipagkalakalan, sa diplomatikong pamamaraan ng bawatpamahalaan, at
pakikipagpalitan ng mgakaalaman sa agham, teknolohiya at industriya.Mahalaga
ang wika sa pakikipagtalasan maging sa pagtungo, paghahanapbuhay,
atpaninirahan sa ibang bansa. Ito rin ang daantungo sa pagkakaisa ng mga tao.

PINAGMULAN/TEORYA NG WIKA
Isang unibersal na katangian ng tao ang pagkakaroon ng sariling wika bagamat
walang nakakaalam kung paano ito nagsimula. Ang mga linggwista na siyang nag-
aral at nagsuri sa mga wika ay nakahanap ng mga teorya na maaaring
magpaliwanag sa pinagmulan ng wika.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t


ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na may mga
batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’tibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’tibang eksperto.
Ang iba ay siyentipiko ang paraan ngpagdulog samantalang relihiyoso naman sa
iba.
May ilangnagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng koneksiyong sa isa’t isa.
Narito ang iba’t ibang teorya ngwika sa tulong ng
talahanayan.

Tore ng Babel
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong
unang panahon kaya’t walang suliranin sa
pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao nahigitan ang kapangyarihan ng
Diyos, nagingmapagmataas at nag-ambisyong maabot ang langit, atnagtayo ng
pakataas-taas na tore. Mapangahas atmayabang na ang mga tao, subalit
pinatunayan ng Diyosna higit siyang makapangyarihan kaya sa pamamgitan
ngkaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore. Ginawangmagkakaiba ang Wika
ng bawat isa, hindi namagkaintindihan at naghiwa-hiwalay ayon sa
wikangsinasalita.
(Genesis kabanata 11:1-8)

You might also like