You are on page 1of 12

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong
Pantahanan at
Pangkabuhayan
AGRIKULTURA

Ika-apat na Baitang

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:

L.O. 1 Naipakikita ang wastong pamamaraan sa


pagpapatubo/ pagtatanim ng halamang ornamental
EPP4AG-0d-6
1.4.1 - pagpili ng itatanim
i

PAANO GAMITIN ANG SLeM

Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang

lahat ng inyong pinagkakaabalahan

upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit


ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa
ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina


ng SLeM.

2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin


sa inyong kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing
ito dahil madali mong matatandaan ang mga

araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga
kasagutan.

5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit


upang malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang

magiging batayan kung may kakailanganin ka pang


dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin.
Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang -araw-
araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag -aaral gamit ang
SLeM.

ii
NAIPAPAKITA ANG WASTONG PAMAMARAAN SA
PAGPAPATUBO/PAGTATANIM NG HALAMANG

ORNAMENTAL Inaasahan
Sa araling ito ay iyong malalaman at matutuhan ang wastong
pamamaraan sa pagpapatubo/pagtatanim ng halamang ornamental Sa
tulong ng SLeM na ito, inaasahan na ikaw ay:
1. Maisasagawa ang mga kasanayan at kaalaman sa pagtatanim ng
halamang ornamental bilang pagkakakitaang gawain.
2. Maipapakita ang mga wastong pamamaraan sa pagpili ng itatanim
3. Matatalakay ang pakinabang sa pagtatanimng halamang
ornamental para sa pamilya at sa pamayanan

Unang Pagsubok
Panuto:Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat ang
salitang TAMA kung ang pangungusap ay wasto ang diwa at MALI kung
ang pangungusap ay di wasto.Isulat ang iyong sagot sa patlang. _____1.
Ang air layering ay maaari din na tawaging marcotting.

_____2. Kailangan pumili ng matabang sanga, walang sakit para sa


isasagawang marcotting.

_____3. Kailangan sundin ang lahat ng panuntunan sa pagpapaugat,


pagpupunla, at pagpuputol.

_____4. Ang butong ipupunla o itatanim ay kailangan mura pa at


malambot.

_____5. Mainam din na ibabad magdamag sa tubig na may


kahalong kemikal ang butong itatanim.

1
Balik-Tanaw
Panuto:Basahin ang mga tanong.Piliin ang wastong sagot .Isulat ang
iyong sagot sa patlang.

____1. May mga pakinabang na makukuha sa pagtatanim ng halamang


ornamental.Alin ang hindi pakinabang sa mga sumusunod?
A. nagbibigay ng liwanag C. nagpapaganda ng kapaligiran
B. naglilinis n g maruming hangin D. napagkakakitaan
____2. Paano nakapagpapaganda ang halamang ornamental sa
kapaligiran?
A. nagbibigay suliranin sa pamilya
B. nagpapaunlad ng negosyo
C. nagsisilbi itong palamuti sa tahanan at pamayanan
D. nagbibigay liwanag
_____3. Isa sa pakinabang sa pagtatanim ng halamang ornamental.
A. naiiwasan ang polusyon C. nagbibigay ng pagkain
B. naiiwasan ang kalamidad D. nagbibigay ng basura _____4.
Anong uri ng hangin ang ibinibigay nng halamang ornamental?
A. malinis na hangin C. mainit na hangin
B. malakas na hangin D. malamig na hangin
_____5. Isa sa pakinabang ng halamang ornamental ay—
A. libangan C. kalungkutan
B. sagabal D. sakit

Maikling Pagpapakilala ng Aralin


MGA PARAAN SA PAGPAPARAMI NG
HALAMANG
ORNAMENTAL
DALAWANG PARAAN NG PAGPAPARAMI NG HALAMAN
1. Pagtatanim ng buto o sekswal na paraan

2. Asekswal na paraan-paggamit ng iba’t ibang bahagi ng tanim


tulad ng ugat, puno, sanga, at dahon
DALAWANG URI NG ASEKSWAL NA PARAAN

1.Natural -Ito ay ang normal na pagtubo


2
ng mga usbong ng
halaman mula sa ugat o puno ng tanim.
2. Artipisyal-ito ay ginagawa na ang gamit ay sanga, dahon o
usbong na tanim

IBAT-IBANG PARAAN NG ARTIPISYAL NA PAGPAPATUBO

1. Pasanga/cutting-Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na


pagpaparami ng tanim. Ang sanga ay pinuputol, pinauugat, at
itinatanim. Ginagawa rin ito sa dahon at ugat.

2. Pagmamarcot/ Air layering-Ginagawa ito sa sanga o katawan ng


punongkahoy habang ito ay hindi pa nahihiwalay sa puno.

Pagtanggal ng balat Pagkakaskas ng Paglalagay ng sphagnum moss Pagtatali


panlabas na balat Pagbabalot ng niyog/plastic

3. Inarching layering-Sa paraang ito, pinagsasama ang sanga ng


isang puno at sanga ng isa pang punong nakalagay sa paso.
Kadalasang ginagawa ito sa kaimito.

4. Grafting-Sa paraang ito pinagsasama ang dalawang sangang


galing sa dalawang puno.

3
Wastong Pagpili ng Itatanim na Halamang Ornamental
Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay inihahalo
o isinasama sa mga halamang di namumulaklak halimbawa bougainvillea,
dahlia, camia, dama de noche, rosal, Rose, sampaguita, calachuchi at five
fingers at iba pang halamang namumulaklak.

Ang mga halamang/punong di-namumulaklak halimbawa palmera,


snake plant,at cordyline.

Ang mga halaman/punong ornamental na madaling palaguin ay


maaaring itanim kahit saan ngunit ang mahirap palaguin ay itinatanim sa
lugar na maaalagaan nang mabuti mga halimbawa ng halamang/puno na
madaling palaguin tulad ng welcome plant, zinnia, morning glory at mahirap
palaguin tulad ng aloevera,bonsai at sunflower.

Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaaring


itanim sa tamang makakasama nito at ang mga halamang lumalago sa
tubig ay maaari sa mga babasaging sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish
pond sa halamanan mga halimbawa ng halamang lumalago sa lupa tulad
ng rosas at fortune plant at halimbawa naman ng halamang lumalago sa
tubig tulad ng water lily, lotus at fairymoss.

Gawain

Gawain 1: ITAPAT MO!


Panuto: Pagtapat-tapat.Itugma ang halamang mga ornamental na nasa
hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa puwang.

4
A. B.

_____1. Pine tree A. mahirap buhayin


_____2. Orchids B. di namumulaklak
_____3. Rosas C. halamang puno
_____4. San Francisco D. nabubuhay sa tubig
_____5. Waterlily E. namumulaklak
F. gumagapang

Gawain 2: HAHANAP- HANAPIN MO!

Panuto:Pag aralan ang word puzzle sa ibaba.Hanapin at bilugan ang


salitang tinutukoy sa bawat bilang. Isulat ang nahanap na salita sa guhit .

E E K I T A R T U Y T A O O P
D R E D F A A S E G F S L R I
P I N E T R E E U S E E A F R
G P A K Y A W A N E E K N S A
H E W R E U E A E R I S S E S
U N A M U M U L A K L W B N O
O F G E S O O R W R O A U E R
S E K S W A L Y R E R L T S T
A O N N I T R O G E N I O G U
M A R C O T T I N G A W E B

1.Uri ng halamang ornamental na nagpapaganda ng tahanan at paligid.


________________________________________

2.Ito ay nabibilang sa halamang puno.


________________________________________ 3.Dalawang
paraan ng pagpaparami ng halaman.
________________________________________
_________________________________________

5
4.Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay hindi
pa nahihiwalay sa puno.
_________________________________________

5.Sa sekswal na pagpaparami ng halaman,ano ang gamit sa


pagpapatubo?
_________________________________________

Tandaan
Ang mga punong ornamental na matataas ay itinatanim sa gilid,
sa kanto, o sa gitna ng ibang mababang halaman. Ang mga halamang
ornamental na mabababa ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng
tahanan, maaari sa bakod, sa gilid ng daanan o pathway.

Ang mga namumulaklak na halaman/punong ornamental ay inihahalo


o isinasama sa mga halamang di namumulaklak.Ang halaman/punong
ornamental na madaling palaguin ay maaaring itanim kahit saan ngunit ang
mahirap palaguin ay itinatanim sa lugar na maaalagaan nang mabuti.
Ang mga halamang ornamental na lumalago sa lupa ay maaaring
itanim sa tamang makakasama nito at ang mga halamang lumalago sa
tubig ay maaari sa mga babasaging sisidlan sa loob ng tahanan o sa fish
pond sa halamanan.

Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto:Suriin ang mga larawan sa ibaba na nagpapakita ng paraan sa


pagtatanim/pagpapatubo ng halamang ornamental.Kilalanin ito at isulat sa
patlang kung anong paraan ang ipinapakita.

1. 2.
__________________________ ______________________

6
3. 4.
______________________ _____________________

5. 6.
________________________ ____________________

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang titik ng
tamang sagot.

1. Ito ang pinakamadaling paraan ng artipisyal na pagpaparami ng tanim.


A. Pasanga C. Grafting
B. Sekswal D. Inarching

2. Ito ay itinatanim sa mga panabi o paligid ng tahanan, maaari ng sa


bakod, sa gilid ng daanan o pathway.
A. ornamental na matataas C. Herbs
B. ornmental na mababa D. Medisinal

3. Ito ay isang paraan ng pagpapatubo ng halaman na gumagamit ng iba’t


ibang bahagi tanim tulad ng ugat, puno, sanga, at dahon. A. Herbs
C. Asekswal
B. Gfrafting D. Sekswal

4. Ang mga halamang namumulaklak ay maaaring isama sa anong uri ng


halaman?

7
A. Asekswal C. halamang di namumulaklak B.
Bisekswal D. halamang palumpon

5. Anong halaman ornamental ang nabubuhay sa tubig?


A. Camia C. Rosal
B. Daisy D. Water lily

6. Ito ay ang normal na pagtubo ng mga usbong ng halaman mula sa ugat


o puno ng tanim.
A. Asekswal C. Pasanga
B. Natural D. Sekswal

7. Alin sa mga ito ang halamang ornamental na dinamumulaklak?


A. Bermuda grass C. Rosal
B. Daisy D. Senia

8. Alin sa mga halimbawa ng halamang ornamental ang may malalambot at


di makahoy na tangkay?
A. Bermuda grass C. Morning Glory
B. Daisy D. Rosal
9. Aling mga halamang ornamental ang hindi dapat na itinatanim sa
harapan o unahan ng maliliit na halaman?
A. mga lumalaki at yumayabong na halaman
B. mga may kulay na halaman
C. mga maliliit na halaman
D. mga gumagapang na halaman

10. Ginagawa ito sa sanga o katawan ng punongkahoy habang ito ay


hindi pa nahihiwalay sa puno.
A. Grafting C. Marcotting/Air layering
B. Inarching D. Pasanga/cutting

Sanggunian:
EPP IV kagamitan ng magaaral
EPP IV Patnubay ng guro

Inihanda ni:
MANUNULAT: SONNY C. BENITEZ
Posisyon: Guro III
Paaralan: Paaralang Elementary ng San Jose
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City
8
MANUNULAT: EDITHA V.VILLAMOR
Posisyon: Master Teacher 1
Paaralan: Paaralang Elementarya ng Kuta Bonifacio
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod:Makati City

TAGAGUHIT:
Posisyon:
Paaralan:
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod:

TAGASURI NG WIKA: EDITHA V. VILLAMOR


Posisyon: Master Teacher I
Paaralan: Paaralang Elementary ng Kuta Bonifacio
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Makati City
DR. CELEDONIA T. TENEZA, EPS
SDO DepEd Makati

You might also like