You are on page 1of 1

WIKA 1

Modyul 4: Wika at Usaping Panlipunan


Learning Log

Pangalan: Julia P Ramirez Section: B1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Gumamit ng APA citation style para
sa mga babasahing gagamitin para makatulong sa inyong mga sagot.

1. Paano nakikita ang kasarian sa wika? Anu-ano ang iba’t-ibang klase ng


pagsasari sa wika? Ano ang naging papel ng pananakop sa gendering ng
Filipino at iba pang wika sa Pilipinas?
- May mga salita na gamit para lang sa lalakit at babae; may mga pro/ anti
na salitang panlalaki at pambabae; at may salitang negatibo, restriktibo,
ekslusibo— dito rin makikita na hindi gender-neutral ang wikang Filipino.
Nagmungkahi sina Stahlbrg, Braun, Irmen, at Sczesny (2007) ng
pagkakaiba sa pagitan ng tatlong wika: genderless languages, natural
languages, and grammatical gender languages. Likas na sa leksikon ang
pagsasari ng mga panggalang -o/ -a. Ang mga tuntuning panggramatika
at syntactical ay binuo sa paraang madalas na minarkahan ang mga
pangngalan o adjectives ng pambabae habang nagmula ang mga ito sa
kaukulang panlalaking anyo. Katulad nito, ang mga panlalaking
pangngalan at panghalip ay kadalasang ginagamit na may
pangkaraniwang tungkulin, iyon ay, upang sumangguni sa kapwa lalaki at
babae. Halimbawa na lamang ang naging kontrobersyal na diskusyon
ukol sa salitang ‘Filipinx’. Ang paggiit na gender-neutral ang ‘Filipino’ ay
katulad na rin lamang ng paghusga sa hegenomy ng patriyarkal na
lipunang Kastila na sumuot sa wika at pinakakamalayan natin.

2. Paano natin babaguhin ang kasalukuyang sexist na pagkiling ng Filipino at iba


pang wika sa Pilipinas?
- Magsisimula ito sa pag alam ng importansya sa konteksto kung kailan
nagiging sexist, sadya man o hindi sadya, ang wika. Kailan natin
magkaroon ng kamalayan, ngunit kailangan ding makialam kung
kinakailangan. Kailangan din nating bigyang-pansin hindi lamang ang
pagkakaiba sa kasarian kundi pati na rin ang pagkakapareho at
pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang kasarian.

You might also like