You are on page 1of 2

RESEARCH PROPOSALS

Abstracct
May mga dalubhasa sa pilosopiya na nagsasabing ang pamimilosopiya ng wikang
Filipino ay mga salitang may kakaibang pinagkukunan ng ibig sabihin. Maaaring gamiting sa
mga salitang matalinghaga at punong-puno ng kulay. Binibigyang buhay sa pamamagitan ng
mga salitang “common” man ay madaling maunawaan o makuha ang ibig sabihin. Salita o mga
wikang kung sa kasalukuyang panahon ay tinatawag na may “hugot.” Nagpapaganda ang
gamit at nagkakaroon ng buhay kapag sinasalita kung gagamitin sa malikhaing tunog ng
pamimilosopiya..

Isinaad ni Cruz (2008) sa kanyang aklat, ang pilosopiya o pamimilosopiya ay pagkilatis


sa sarili sa lahat ng bahagi ng buhay sa pagiging tao at kahalagahan ng pagiging tao, dignidad,
katotohanan, kalayaan, hustisiya, kamatayan, relasyon sa kapwa, at higit sa lahat ay sa Diyos.
Samakatwid, kasama ang pamimilosopiya ng wika sapagkat ang wika ay bahagi ng buhay ng
tao. Ang wika ang identidad, at nabubuhay ang tao kasama ang kulturang kinagisnan.

Hindi naman maikakaila na ang wika ay tao, at ang tao ay wika. Ang wika ay magka-
alinsabay na namulat sa daigdig. Magkasamang namuhay at nagbigay ng liwanag sa paggabay
sa kanyang kinabibilangan, nagsisilbing naglalakad na wika, sapagkat ang tao ang tagapagdala
nito. Gamit sa pagtutok sa mga salitang araw-araw na ginagamit, wikang walang ubos,
kasabay ng wikang namimilosopiya. Sa artikulo ni Garcia at Ramboyong (2013), mahalaga ang
pilosopiya ng wika at kultura sa buhay ng mga Filipino, kasama ang anumang lahi at pagkatao,
wika at kultura ay instrumento ng buhay at pagkakakilanlan ng lahi. Dito nag-uugat ang lahing
gumaganap ng malaking tungkulin sa lipunang ginagalawan. Kadalasan, maririnig natin ang
ganito: “wala akong magagawa, ito ang pilosopiya ko sa buhay,” na hindi naman puwedeng
pasubalian sapagkat iyon ang kanyang pilosopiya. Sa mali man o sa tama na kung minsan ang
pilosopiyang mayroon ang isang tao ay nauuwi sa kung ano ang pananaw at iyon ang kanyang
paninindigan. Pamimilosopiya o pilosopiyang naging karugtong ng paniniwala at kulturang
kanyang kinagisnan.
Ayon kay Taylan (2016), mahalaga ang pagpapanatili ng wika, yumayabong ito, at
napapalaganap ang kultura sa pamamagitan ng wika, bawat grupo ng tao, ay nagkakaroon ng
hiraman ng kultura. Samaktuwid, sakop pa rin ang pamimilosopiya sa wika sapagkat ang wika
at kultura ay hindi napapaghiwalay.

Sa aklat ni Jacobson (2003), mayroong anim na paraan sa paggamit ng wika: Una,


pagpapahayag ng damdamin (emotive) - ito yong tinatawag na pagpapalutang ng karakter ng
nagsasalita; Ikalawa, panghihikayat - (conative) ginagamit ito upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos ng taong kinakausap; Ikatlo, pakikipag-ugnayan (phatic) - ginagamit ang wika bilang
panimula ng usapan o pakikipag-ugnayan; Ikaapat, pagbibigay kuro-kuro (metalingual) -
ginagamit ito sa pagbibigay ng komentaryo, paglilinaw sa mga suliranin tungkol sa mga layunin
ng mga salita at kahulugan; Ikalima, patalinghaga (poetic) - ginagamit ito sa masining na paraan
ng pagpapahayag gaya ng panulaan, sanaysay, prosa at iba pa. Mga patula ang pagbigkas o
paggamit dito. Nakasalalay sa mga paraang ito ang ilang kahalagahan at gamit ng wika sa
lipunan na kaugnay ng kultura at pamimilosopiya ng bawat taong namuhay sa nakaraan at
namumuhay sa kasalukuyan.

Ayon kay Almario sa aklat ni Austero, (2008), “kung ano ang wika mo, iyon ang pagkatao
mo” at binigyang pansin din ang iba’t ibang pilosopiyang pangwika ng tao. Maraming
dalubhasang manunulat ang nagbigay ng patotoo sa bagay na ito at binigyang halaga ang
pamimilosopiya ng wika sa buhay ng tao na ipinanganak at sadyang nakatakdang gumamit ng
wika.

Dahil sa mg pagbabagong nagaganap sa ating pang-araw-araw na pamumuhay,


pakikipagkalakalan, pakikipagkomunikasyon at iba pang pakikipag-ugnayan, maging sa loob o
labas ng bansa ay maraming salita o katawagan ang pumapasok sa Filipino. Nagkaroon din ng
normalisasyon ng mga salita at kusang naganap ito sa wikang Filipino (Jocson, 2012).

You might also like