You are on page 1of 15

9

Filipino 7
Ikatlong Markahan – Modyul 7

BALITA

NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
Filipino – Ikapitong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Balita
Ikalawang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Leizl Ann B. Tan
Editor: Clinton T. Dayot, Yolanda A. Ege
Tagasuri: Clinton T. Dayot, Ritchel Elnar, Corazon S. Despojo, Isabel B. Pusalan,
Ronalyn D. Rodriguez, Susan T. Sonlit

Tagalapat: Wendell Calingacion


Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Joelyza M. Arcilla EdD Maricel S. Rasid
Marcelo K. Palispis JD, EdD Elmar L. Cabrera
Nilita L. Ragay EdD
Renante A. Juanillo EdD

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-
aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng
mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung
sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang
tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan
niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit
sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng
pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at
pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung
sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM
na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa
kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

i
ALAMIN

Magandang araw! Kumusta?


Napapansin mo ba ang mga bagong pangyayari sa ating bansa o
maging sa lugar na iyong tinitirhan? Paano mo ito nalalaman?
Di maikakaila na alam natin kung ano ang sitwasyon ngayon hindi lang
sa ating bansa kundi pati na rin sa buong mundo. Malinaw mong nakikita,
nababasa at napapanood ang mga pangyayari nang dahil sa tinatawag na
balita. Sa tulong ng modyul na ito, lubos mong mauunawaan at maiintindihan
kung ano ang importansiya ng balita at paano mo ito mabibigyang
pagpapahalaga.

Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahan na ikaw ay:

• Nasusuri ang salitang ginamit sa pagsulat ng balita ayon sa


napakinggang halimbawa. (F7PN-IIIj-17)

MGA TIYAK NA LAYUNIN

Sa aralin na ito, inaasahan na ikaw ay:

Nakapagbibigay ng mga salitang ginamit sa pagsulat ng balita;


Nakatutukoy sa mga bahagi ng balita nang buong talino;
Nakasusuri ng balita hinggil sa mga pangyayari sa iyong pamayanan; at
Napahahalagahan ang mga balitang napakinggan.

1 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
SUBUKIN

Panuto: Basahin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa iyong sagutang papel.

1. Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga


pangyayaring
A. naganap na C. kasalukuyang nagaganap
B. magaganap pa D. lahat ng nabanggit

2. Ito ay mga katangian ng balita maliban sa isa:


A. Wasto C. maraming detalye
B. Matimbang D. totoo

3. Ito ay bahagi ng balita na naglalahad ng karagdagang detalye


A. pamatnubay C. kawastuan
B. kaiklian D. katawan ng balita

4. Ang bahagi na ito ay ang sumasagot sa tanong na sino, kailan, ano, bakit, at
paano .
A. Katawan C. kawastuan
B. pamatnubay D. katimbangan

5. Isinusulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa


A. pababang kahalagahan C. tamang kahalagahan
B. pataas na kahalagahan D. wastong kahalagahan

6. Ito ay paraan kung saan maihahayag ang balita maliban sa isa


A. paglilimbag C. Internet
B. tsismis D. pagsasahimpapawid

7. Ang mga sumusunod ay mga sangkap ng balita maliban sa isa


A. kahalagahan C. kabantugan
B. kakaibahan D. kaluguran

8. Ito ay ang pangunahing pamagat ng pinakamahalaga at pinakamainit na balita.


A. ulo ng mga balita C. pamatnubay
B. katawan ng balita D. tainga ng balita

9. Ito ay gawain ng mga espesyalistang editor para maging maayos at mapaganda


ang balita.
A. pag-uulo ng balita C. ulo ng balita
B. editorial D. pamatnubay

10. Ito ay sangkap ng balita na naglalahad ng walang labis walang kulang.


A. kawastuan C. makatotohanan
B. katimbangan D. kaiklian

2 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
TUKLASIN

Panuto: Alin sa mga programa sa ibaba ang pamilyar sa iyo? Ipaliwanag kung
bakit ito ang iyong napili. Isulat lamang ang iyong sagot sa papel.

3 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
SURIIN

Ang balita o news ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga


kasalukuyang kaganapan sa labas at loob ng bansa na nakatutulong sa pagbibigay
alam sa mga mamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag,
pagsasahimpapawid,Internet, o ikalat sa ikatlong Partido o maramihang mambabasa
at nakikinig.

Bahagi ng Balita

Ang unang bahagi ng balita ay ang pamatnubay. Ito ay sumasagot sa mga


tanong katulad ng sino, kalian, ano, bakit, at paano? Ito ay makikita sa unahan ng
balita. Ang sumusunod ay katawan ng balita na naglalahad naman ng mga
karagdagang detalye upang mas mapalawak ang impormasyong hatid ng balita.

Ang mga sangkap ng balita

1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang


pagyayari'y kagaganap o katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita
kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit ngayon lamang
nabunyag o natuklasan.

2. Kalapitan (Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga


mambabasa ang mga pangyayari sa kanilang paligid kaysa sa mga
pangyayaring nagaganap sa malalayong pook . Ang kalapitan ay maaring
tumukoy rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness), kaangkan
(kinship), kapakanan (interest), atbp.

3. Katanyagan (Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag,


ito ay nakaaakit at nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno
ng pamahalaan, lider ng purok, mga taong kilala o dakila o tanyag sa lipunan.
Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan


ng paglalaban, pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante.
Ito'y maaaring pagtutunggali ng katawang pisikal at mental; tao laban sa
kapwatao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa kanyang
sarili.

4 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang
pangyayari o bagay ay may ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-
pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung ang Komunismoay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na


pambihirang mangyari gaya ng isang tao na napabalitang nagdadalantao, o ng
isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang nasa loob siya ng ataol,
siya'y namatay uli dahil sa takot.

7. Pagbabago (Change)--Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa


pagsama ay nakatatawag-pansin.

8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng


damdamin at kaukulang reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin,
patawanin, pagalitan, pahangain, atbp.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang


romansa ay hindi nauukol sa pag-iibigan lamang. Isang halimbawa nito ayang
romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga astronauts at ng kalawakan.

10. Hayop (Animals)--Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may


katalinuhan.

11. Pangalan (Names)--Kung marami ang mga pangalang nakalathala na


nasasangkot sa balita, dumarami rin ang mga mambabasa.

12. Drama (Drama)--Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay


nagsisiganap ng dula ng tunay na buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan
(suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.

13. Kasarian (Sex)--Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang


natutunghayan sa romansa, pag-aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo.
Nailalarawann rin ang mga kasarian, halimbawa kung ang isang babae ang
pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay
babae gaya ni Gloria M. Arroyo.

14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa


ng mga ito sa balita.

15. Mga Bilang (Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks


tulad ng ulat sa pananalapi, kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa
sweepstakes, vital statistics ng dalaga, atbp.

5 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
PAGYAMANIN

Panuto: Basahin ang balita sa ibaba. Isulat sa sagutang papel ang iyong repleksyon
sa balitang ito. Sagutin ang pamatnubay na tanong.

Tatlong residenteng na-stranded bago nakauwi sa Negros Oriental ang nagpositibo


sa coronavirus disease 2019(COVID-19).

Kasama sa mga nagpositibo sa sakit ang isang 21 anyos na babae na taga-


Mabinay.

Hunyo 21 nang makabalik siya ng probinsya mula Cebu. Nananatili siya saquarantine
facility.

Nasa ospital naman ang 79 anyos na lalaki na nakitaan ng sintomas ng COVID-19.


Ayon kay Dr. Liland Estacion, Assistant Health Officer ng Negros Oriental, nasa
quarantine facility ng Guihulngan City ang 27 anyos na manugang nito at dalawang
mga apo na kasama niya mula Cebu.

Positibo rin sa COVID-19 ang isang 66 anyos na babae na namatay sa Negros


Oriental Provincial Hospital noong Hunyo 23.

Patuloy ang contact tracing ng awtoridad sa mga itinuturing na direct contact ng


tatlong bagong kaso ng COVID-19.

Sa kabuuan, 28 na ang COVID-19 cases ng Negros Oriental.

"Of course we'll contain them. The most important thing gyud akoang gihangyo sa
mga LSI nga moabot inig ingon gani nga quarantine quarantine gyud mo kay kun
mag positive less na atoang contact tracing, di ba? So tuman lang gyud ta kay you
know in Cebu unsa may storya sa Cebu ining ilahang failure sa quarantine maoy ni
daghan sila. So we dont want that to happen here in Negros Oriental," ani Estacion.
(Of course we will contain them. The most important thing is, I am asking our LSIs
who are arriving to observe the quarantine protocol. So that at least if ever they are
positive we will have lesser people to look for. Like in Cebu they’re saying there is a
failure in the quarantine. We don’t want that to happen in Negros Oriental.)

Sa buong bansa, umabot na sa 36,438 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng


COVID-19, kung saan 9,956 na ang gumaling habang 1,255 naman ang namatay.

6 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
Pamatnubay na tanong:

1. Sino ang pinag-uusapan sa balita?


2. Kailan ito nangyari?
3. Ano ang dahilan ng pangyayari?
4. Bakit ito nangyari?
5. Paano ito nangyari?

ISAISIP

Sa pagsulat ng balita dapat:


1. Isulat ang buod.
2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o
paliit nakahalagahan.
3. Isulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod
ngpangyayari batay sa pababang kahalagahan.
4. Kailangan masagot ang mga tanong na sino,
kalian, ano, bakit at paano; at
5. Gumamit ng simple at makabuluhang klase ng
mga salita para maging malinaw at maiitinihan
ng lahat.

7 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
ISAGAWA

Panuto: Gamit ang pamatnubay sa pagsulat ng balita, basahin at suriin ang


balitang nasa ibaba. Isulat ito sa inyong mga sagutang papel. (Ito ay
nararapat na sasagot sa tanong na sino, kailan, ano, bakit at paano).

15 Arestado sa Dumaguete City Dahil sa Paglabag saQuarantine Protocols

DUMAGUETE CITY - Umabot sa 15 indibidwal ang inaresto ng Dumaguete City


police nitong Miyerkoles ng gabi dahil sa paglabag sa quarantine protocols.
Sa paglibot ng mga pulis sa lungsod simula alas-9 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi,
inaresto nila ang mga nasa daan at hindi naka-face mask.

Isa-isang binigyan ng citation ticket ng pulisya ang mga lumabag sa quarantine


protocols.

May executive order ang Dumaguete City na nagpapatupad ng mandatory face mask
sa pampublikong lugar, pati na curfew na nagsisimula alas-9 ng gabi hanggang alas-
4 ng madaling araw.

Kasalukuyang nasa general community quarantine ang lungsod.

Sa city treasurer’s office naman magbabayad ng kanilang penalty ang mga lumabag
sa patakaran sa COVID-19 prevention.

Gabay sa pagmamarka:

Kalinawan at kahusayan = 25 pts


Kalinisan ng gawa = 5 pts
TOTAL = 30 PTS

8 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
TAYAHIN

1. Ang balita ay isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga pangyayaring .


A. naganap na C. kasalukuyang nagaganap
B. magaganap pa D. lahat ng nabanggit

2. Ito ay mga katangian ng balita maliban sa isa:


A. wasto C. maraming detalye
B. matimbang D. totoo

3. Ito ay bahagi ng balita na naglalahad ng karagdagang detalye


A. pamatnubay C. kawastuan
B. kaiklian D. katawan ng balita

4. Ang bahagi na ito ay ang sumasagot sa tanong na sino, kailan, ano, bakit, at
paano .
A. katawan C. kawastuan
B. pamatnubay D. katimbangan

5. Isinusulat ang balita ayon sa pagkakasunod-sunod na pangyayari batay sa .


A. pababang kahalagahan C. tamang kahalagahan
B. pataas na kahalagahan D. wastong kahalagahan

6. Ito ay paraan kung saan maihahayag ang balita maliban sa isa


A. paglilimbag C. Internet
B. tsismis D. pagsasahimpapawid

7. Ang mga sumusunod ay mga sangkap ng balita maliban sa isa


A. kahalagahan C. kabantugan
B. kakaibahan D. kaluguran

8. Ito ay ang pangunahing pamagat ng pinakamahalaga at pinakamainit na balita.


A. ulo ng mga balita C. pamatnubay
B. katawan ng balita D. tainga ng balita

9. Ito ay Gawain ng mga espesyalistang editor para maging maayos at mapaganda


ang balita.
A. pag-uulo ng balita C. ulo ng balita
B. editorial D. pamatnubay

10. Ito ay sangkap ng balita na naglalahad ng walang labis walang kulang.


A. kawastuan C. makatotohanan
B. katimbangan D. kaiklian

9 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
SUSI SA PAGWAWASTO

10 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
MGA SANGGUNIAN

Dayag, Alma M. at Marasigan, Emily V. (2004), Pluma IV (Wika at Panitikan Para sa


Mataas na Paaralan), Phoenix Publishing Co, Inc.

Mula sa Internet
Mga Larawan mula kay Kevin Mykel Sembrano sa Facebook Page na Talumpati ng
Taon

https://:wikipedia.org/wiki/Balita

https://brainly.ph/questions/544296

https://google.com/search?q=hakbang+sa+pagsulat+ng+balita

https://news.abs-cbn.com/news/06/29/20/3-residenteng-umuwi-sa-negros-oriental-
nagpositibo-sa-covid-19

https://news.abs-cbn.com/news/05/14/20/15-arestado-sa-dumaguete-city-dahil-sa-
paglabag-sa-quarantine-protocols

https://www.reuters.com/article/us-philippines-protest/thousands-rally-in-philippines-
warn-of-duterte-dictatorship-idUSKCN1BW0YA

11 NegOr_Q3_Filipino7_Module7_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like