You are on page 1of 1

MGA EMPERADOR PAGKATAPOS NI AUGUSTUS

- Namatay si augustus noong 14 CE. Ang titulong imperator o emperador ay iginawad ng Senate kay Tibrius na pinili ni Augustus na
humalili sa kanya.
- Mula sa pag-upo ni Tberius bilang emperador hanggang katapusan ng imperyo noong 476 CE ay nagkaroon nan g ibat-ibang
emperador ang Rome.
- Nagmula sa Dinastiyang Julio-Claudian ang mga emperador ng Rome.
- Ang ilan sa kanila ay mahihina, maluluho at hindi matitino.

MGA EMPERADOR NA NANGGALING SA DINASTIYANG JULIO-CLAUDIAN

Caligula (37-41 CE) - nilustay ni Caligula ang pera ng imperyo sa maluluhong kasiyahan at palabas tulad ng Gladiator. May sakit siya sa
paag-iisip at iniisip niya na siya ay isa ring Gladiator.

Nero (54-68 CE) – Ipinapapatay niya ang mga taong hindi niya kinakatuwaan kabilang ang kaniyang ina at asawa.Inakusahan rin siya ng
panununog ng Rome.

Tiberius (14-37 CE) – Magaling na administrdor bagamat isang diktador.

Claudius (41-54 CE) – lumikha ng burukrasya na binubuo ng mga batikang administrador.

Matapos ang Dinastiyang Julio-Claudian ay namayani ang Dinastiyang Flavian na pinasimulan ni Vespasian.Kinilala ang Dinastiyang ito sa
maayos na patakarang pananalapi at pagtatayo ng mga imprastraktura.

Sumunod sa Dinastiyang Flavian ang pamamayani ng tinaguriang “Limang Mahuhusay na Emperador” o ang dakilang panahon ng
Imperyo.Pawang magagaling at mabubuti ang pamumuno ng limang emperador.

LIMANG MAHUHUSAY NA EMPERADOR

1. Nerva (96-98 CE) – nagkaloob ng pautang sa bukirin at ang interes ay inilaan para tustusan ang mga ulila.
2. Trajan ( 98-117 CE )- narating ng imperyo ang pinakamalawak nitong hangganan.
3. Antoninus Pius (138- 161 CE) – Pinagbawalan ang mga pagpapahirap sa Kristiyano.
4. Hadrian (117-138 CE) – Pinalakas ang mga hangganan ng lalawigan at imperyo
5. Marcus Aurelius ( 161-180 CE) – Isang manunulat at pilosopong Stoic. Ang pilosopiyang Stoic ay binibigyang diin ang paghahanap
ng kaligayahan na makakamtan sa pamamagitan ng pamumuhay ayon sa banal na kalooban o divine will.

KABIHASNAN SA AFRICA AT ANG MGA PULO SA PACIFIC

- Sa sinaunang kasaysayan ng Daigdig, karaniwang hindi nabibigyan ng tuon ang Africa at mga pulo sa Pacific maliban sa kaharian ng
Egypt at halos walang nababanggit naman sa mga pulo sa Pacific.

HEOGRAPIYA NG AFRICA

- Mahalaga ang Heograpiya kung bakit ang Africa ay huling pinasok at nahati-hati ng mga kanluraning bansa.
- Tinawag ito ng mga kanluranin na Dark continent dahil hindi nila ito nagalugad kaagad.
- Nanatiling limitado ang kaalaman ng mga bansang kanluranin ukol sa kontinenteng ito hanggang noong ika-19 siglo.
- Ang pinakamainit at pinakamaulang bahagi ng Africa ay yaong malapit sa Equator.Matatgpuan dito ang rainforest o isang uri ng
kagubatan kung saan sagana ang ulan at ang mga puno ay malalki, matataas at may mayayabong na dahon. Sa hangganan ng rainforest
ay ang savanna, isang bukas at malawak na damuhan o grassland na may mga puno.
- Sa grassland sa hilaga ng equator matatagpuan ang rehiyon ng Sudan. Sa bandang hilaga naman ng rehiyon ng Sudan makikita ang
Sahara- ang pinakamalawak at pinakamalaking disyerto sa Daigdig.
- Ang Sahara na mas Malaki pa sa Europe ay hindi natitirhan maliban sa mga oasis nito.
- Ang Oasis ay isang lugar sa Disyerto kung saan may matabang lupa na kayang bumuhay ng halaman at hayop.
- Tanging sa oasis lamang may maliit na pamayanan sa Sahara.

ANG KALAKALANG TRANS-SAHARA

- Noong 3,0000 BCE isang masaganang kalakalan ang umunlad sa pagitan ng Hilagang Africa at Kanlurang Sudan, ang rehiyon s Timog
ng Sahara
- Tinawag na Trans- Sahara ang kalakalang naganap dito dahil tinatawid ng mga nomadikong mangangalakal ang Sahara sa
pamamagitan ng caravan, dala-dala ang ibat-ibang uri ng kalakal
- Ang caravan ay pangkat ng mga taong magkakasamang naglalakbay.
- Ang mga mangangalakal ng Carthage ay pumupunta sa Sahara upang mamili ng mga hayop at mamahaling hiyas.
- Sinasabi na ang mga elepante na ginamit ni Hannibal sa digmaang Punic ay nanggaling sa kanlurang Africa.
- Ibat-ibang grupo ng tao ang nagtayo ng mga pamayanan sa mga lugar na dinaraanan ng kalakalan.

You might also like