You are on page 1of 9

1

1
Aralin Filipino 9-Q4-W1
2
Kaligirang Pangkasaysayan
3
4
1 ng Noli Me Tangere
5
6
7
8
9
10 Sa araling ito tatalakayin ang kaligiran ng isa sa mga klasikong nobela ng ating
11 bansa, ang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Iyong matutuklasan kung
12 bakit niya ito isinulat.
13 Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na
14 kasanayan:
15
16 1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
17 pamamagitan ng:
18 - pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
19 - pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
20 - pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
21 lipunang Pilipino (F9PN-IVa-b-56)
22 2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda
23 (F9PB-IVa-b-56)
24 3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan (F9PT-IVa-
25 b-56)
26 Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.
27
28
29
30
31
32
33
34 Piliin ang letra sa kahon na naglalaman ng angkop na impormasyon upang
35 makumpleto ang pagkakasunod-sunod na pangyayari sa kaligiran ng Noli Me
36 Tangere.
37

A. Pebrero 1888
B. Gobernador Heneral Emilo D. Maximo Viola
Terrero E. Leonor Rivera
C. The Wandering Jew (Ang F. GOMBURZA
Hudyong Lagalag)

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
2

38
39
40
41 4. Ang Gobernador na
42 Isa sa rason ni Rizal kung nagpatawag sa
Ito ang aklat na naging bakit siya umuwi ay
43 isa sa inspirasyon niya kaniya upang mag-usisa
N upang operahan kung totoong mapanghimagsik
44 upang isulat ang nobela. ang kaniyang Ina. ang aklat ni Rizal.
45
46
47
48
Sumailalim sa dalawang
49 Sinimulan niya ang nobela 3. Ang dalagang pangalawa pagsusuri ang kaniyang
50 mula Madrid hanggang sa dahilan ng pag-uwi nobela sa pangunguna ni
Paris at natapos sa ni Rizal kahit nangangamba Padre Salvador Font
51 ang kaniyang pamilya.
Alemanya (1887).
52
53
54
55 5. Dahil sa banta sa kaniyang
2. Kaibigan ni Rizal na Pagkauwi ni Rizal ay buhay ito ang buwan at taon na
56 tumulong sa kaniya sa sumasailalim na sa umalis siya sa Maynila at nangibang bansa
57 pag-imprenta ng pagsusuri muli habang sumuulat ng mga
ang kaniyang nobela. sagot ukol sa pagtugligsa sa kaniya.
58 2,000 sipi ng Noli.
59
60
61
62
63
64
65
66 Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kaligiran ng ating klasikong nobela na
67 gawa ng ating pambansang bayani. Bakit kaya ito nagpaalab ng mga damdamin ng mga
68 Pilipino noon?
69
70
71 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere
72 Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal.
73 Magdadalawampu't apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ang nobelang ito
74 ay maituturing na walang kamatayan kung paanong walang kamatayan ang
75 kabayanihan ni Jose Rizal. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay isinulat
76 sa dugo ng puso. Ngunit ano nga ba ang tunay na layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng
77 nobelang ito? Narito ang kaniyang sariling paliwanag:
78 "Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas
79 (na dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang "huwag
80 mo akong salingin" .
81
MGA LAYUNIN NI RIZAL SA PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE

a. Ilantad ang kasamaan ng pamamalakad ng mga Espanyol sa pamahalaan.


b. Ipakilala ang tunay na relihiyon sa di-tunay.
c. Ilarawan ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino.
MGA BAHAGI NG LIPUNAN NOON NA KANYANG TINUTULIGSA

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
3

(Dahilan ng pagkabansag sa ubod ng nobela na “Social Cancer”)


a. Pamahalaan o Sistema
b. Relihiyon
c. Kaugaliang baluktot ng mga Pilipino
82
83 Bakit kaya naisip at nawika ng ating pambansang bayani ang lahat ng ito?
84 Musmos pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng
85 Pilipinas dahil sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba,
86 unti-unting namulat ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
87 Naligalig siya sa pang-araw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya kung
88 paanong ang matatandang lalaki ay hinahagupit ng mga guwardiya sibil kung hindi
89 wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung sila'y
90 mapapadaan sa harapan nila ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa mga bata.
91 Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang katarungan ang pinakamamahal niyang
92 ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling paratang na kasabwat ng kapatid na
93 si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong huli. Hindi pa napapawi ang
94 kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni Donya Teodora ay nagkaroon
95 ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, kasama
96 ang ibang lider na Pilipino. Ang tatlong paring martir ay binitay sa pamamagitan ng
97 garote sa Bagumbayan.
98 Ang mga pangyayaring ito'y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng
99 malaking pagbabago ang kaniyang bayan-pagbabagong sa pamamagitan lamang ng
100 karunungan at ng edukasyon matatamo. Kaya nang mabasa niya ang aklat na The
101 Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng
102 isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa
103 kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol. Kaya bago matapos ang taong 1884 ay
104 sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo'y natapos niya ang kalahati ng nobela.
105 Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat.
106 Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya
107 noong Pebrero 21, 1887.
108
109 Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang
110 magtipid si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumakain sa
111 maghapon sa maliit lamang na restawran. Ito ay ginawa niva sa paglalayong makaipon
112 ng salaping magugugol para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela Natapos niya ang
113 Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
114 lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na
115 naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin,
116 Albanya noong Marso 29, 1887. Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni
117 Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere ngunit marami rin ang nagalit sa kaniya lalo
118 na ang mga Espanyol. Gayon na lamang ang pangamba at takot ng kaniyang mga
119 kababayan, lalo na ng kaniyang buong pamilya, dahil sa ibinunga ng kaniyang Noli
120 nang ang mga sipi nito ay makarating sa Pilipinas. Nabalitaan nila ang balak na pag-
121 uwi ni Rizal sa Pilipinas dahil dito'y lalo silang nangamba na baka siya ay mapahamak
122 sa kamay ng mga taong nagagalit sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang matitibay at
123 mahahalagang dahilan ay inibig niyang makabalik sa Pilipinas. Una, nais niyang
124 bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina dahil sa
125 lumalalang panlalabo ng mata nito. Pangalawa ay upang mabatid niya ang dahilan
126 kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884
127 hanggang 1887: at panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng
128 kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.
129 Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887. si
130 Rizal ay agad na nagtuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina. Samantala
131 habang siya ay nasa Pilipinas, ang kanyang Noli Me Tangere ay isinailalim sa masusing
132 pagsusuri ng kaniyang mga kaaway.
133 Dahil sa paghihinalang ang nilalaman ng aklat ay subersibo, ipinatawag ni
134 Gobernador Heneral Emilio Terrero si Dr. Rizal upang mag-usisa. Nang tanungin ang
135 ating bayan hinggil sa nilalaman ng aklat, mariin nitong itinanggi na mapanghimagsik
136 ang nilalaman ng nobela. Upang patunayan, ipinangako niyang bibigyan niya ng kopya

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
4

137 ang Gobernandor Heneral para lubos nitong mabasa ang kanyang akda. Bunga nito,
138 ipinabasa ng pamahalaan ang aklat sa isang lupon ng tagasuri na pinangungunahan ni
139 Padre Gregorio Echeverria ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nang lumabas ang resulta
140 ng pagsusuri, sinabi ng lupon na tunay ngang mapaminsala ang nobela.
141 Hindi roon natapos ang pagbatikos ng mga Kastila sa ating bayani. Muling
142 ipinasuri ang nobela sa Permanenteng Komisyon ng Sensura na pinamumunuan ni
143 Padre Salvador Font, isang paring Agustino. Pinatibayan ng nasabing komisyon ang
144 desisyon ng naunang pagsusuri, na subersibo ang akda. (Ayon sa Noli Me Tangere ng
145 brilliant Creations)
146 Matapos magsuri ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat,
147 pagpapalimbag, sa pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas. Bilang
148 hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay
149 Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kaniyang
150 mga kaaway, Hindi nagtagal ay pinayuhan siya ng nasabi ring gobernador na umalis na
151 muli ng Pilipinas alang-alang sa kaniyang pamilya at buong bayan.
152 Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang pag-alis ay
153 nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon San Francisco at New York sa Estados Unidos, at
154 London sa United Kingdom.
155 Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kaniyang panahon sa
156 pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya. Ang una'y tinugon niya ang mga
157 polyeto ni Fray Rodriguez laban sa kanyang Noli Me Tangere. Inilagay niya sa katawa-
158 tawang anyo ang naturang pari sa sinulat niyang La Vision de Fray Rodriguez. Ang
159 kaniya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa lupong
160 nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli ng sinumang
161 Pilipino.
162
163
164
165
166
167
168 Mga
169 Gawain
170
171 Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
172 PANUTO: Hanapin sa loob ng pangungusap ang kasingkahulugan ng salitang
173 nakahilig.
174
175 1. Sa nobela ni Rizal, pinaksa niya ang Social Cancer bilang sakit ng lipunan sa
176 panahon ng mga Espanyol.
177 2. Pinaniniwalaan ng mga Prayle na suberbisibo ang kaniyang akda dahil taliwas
178 ito sa mag alituntunin at patakaran.
179 3. Naglupon ang samahan ng mga tagasuri ng Permanenteng Komisyon ng
180 Sensura upang matiyak kung ito ay taliwas sa mga alituntunin at paniniwala ng
181 pamahalaan.
182 4. Ang kaniya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna
183 sa mga Pare ng lupong nagsiyasat

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
5

184 5. Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na
185 dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang "huwag mo
186 akong salingin"
187
188 Gawain 2 Mga Gabay na Tanong
189 1. Bakit isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
Mga Layunin ni Rizal
sa pagsulat ng Noli
Me Tangere

190
191
192
Rubrik sa Pagwawasto ng katanungan Bibigyan ka ng sumusunod na
sa bilang tatlo hanggang lima (3-5): puntos:
Mga katangian ng sagot :
 Mayroong pagpapatibay sa 5 – taglay ang 3 pamantayan
kasagutan o opinyong inihayag 3 – dalawang pamantayan lamang
 Mayroong wastong estruktura ang 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap
 Maayos at malinis ang sulat-kamay
193
194
195
196
197
198 Ang tatlong bagay na isiniwalat ni Rizal sa kaniyang nobela upang magising ang mga
199 Pilipino sa kamalayan sa Panahon ng Espanyol
200 a. Ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamahalaan
201 b. Ang pamamalakad ng simbahan sa panahon ng Espanyol
202 c. Ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino
203
204 Si Dr. Maximo Viola ang tumulong sa ating bayani na makapaglimbag ng 2,000 sipi.
205 Tatlong dahilan ng pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas pagkatapos maipalaganap ang
206 kanyang aklat:
207 1. Maoperahan ang kaniyang Ina sa mata na si Donya Teodora.
208 2. Malaman ang dahilan kung bakit hindi na muling nakatugon si Leonor Rivera sa
209 kaniyang liham.
210 3. Malaman ang bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
6

211

212 Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
213 natutuhan.
214
215
216
217
218
219 Magsaliksik ukol sa Panahon ng Espanyol sa larangan ng pamamalakad ng
220 pamahalaan at ng relihiyon. Ibigay ang pagkakaiba o pagkakatulad nito sa ibaba.
221
222

Bago Isulat ang Akda Matapos Isulat ang Akda


Pamahalaan

Relihiyon

223

224
225 Basahin ang bawat aytem at piliin ang letra ng tamang sagot.
226
227 1. Ang kaibigan ni Rizal na nagsabing ang Noli Me Tangere ay isinulat mula sa dugo
228 ng puso.
229 A. Maximo Viola C. Valentin Ventura
230 B. Padre Salvador Font D. Dr. Blumentrit
231 2. Ang una sa layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas kahit na nanganganib na ang
232 kaniyang buhay dahil sa pagsulat ng nobela.
233 A. Epekto ng Noli Me Tangere sa Pilipinas
234 B. Nais na niyang makapiling ang kaniyang pamilya
235 C. Pag-opera sa mata ng kaniyang Ina na si Donya Teodora
236 D. Pag-alam kung bakit hindi na muling sumulat si Leonor Rivera
237 3. Isa sa mga dahilan na naudyok kay Rizal sa pagsulat ng kaniyang nobela
238 A. Ang iniibig na si Leonor Rivera
239 B. Para sa kaniyang mga kababayan
240 C. Ang kanyang kaibigang si Maximo Viola
241 D. Ang tatlong pareng Martir na GomBurZa
242 4. Sumunod na paring namuno mula sa Permanenteng Komisyon ng Sensura na
243 nagpatunay na suberbesibo ang akda ni Rizal.
244 A. Gobernador Heneral Emilio Terrero
245 B. Gobernador Heneral Claveria
246 C. Padre Gregorio Echeverria
247 D. Padre Salvador Font
248 5. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balat-kayong relihiyon ay siyang
249 nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ano ang tinutukoy ni Rizal na ipinakita niya
250 sa kaniyang nobela ayon sa pangungusap?
251 A. Ang pamamalakad ng simbahan sa panahon ng Espanyol.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
7

252 B. Ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamahalaan.


253 C. Ang pagkakamali ng kaniyang mga ninuno.
254 D. Ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino.
255
256
257
258
259
260
261 Bumuo ng simbolismo na nagpapakita kung ano ang iyong naisip kapag
262 nababanggit ang pangalan ng ating bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaliwanag
263 kung bakit mo ito iginuhit.
264 Pamantayan sa paggawa:
265 3- Pagiging malikhain
266 2- Organisasyon ng pagpapaliwanag
267 1- Kalinisan
268
269 Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang lahat ng gawain.
270 Ipagpatuloy mo pa sa mga susunod na aralin ang ipinakitang tiyaga sa pag-aaral
271
272
273
274
275
276
277
278
279
280
281
282
283
284
285
286
287
288
289
290
291
292
293
294
295

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
8

296
297
298
299
300
301 SAGUTANG PAPEL
302 FILIPINO 9
303 Ikaapat na Markahan- Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________ Guro: ____________________


Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ____________________

Paunang
304 Pagsubok
1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
306
307
MGA GAWAIN
308
309 Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
310
311
312 Gawain 2 Mga Gabay na Tanong
313
314 1. _____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
315
2. _____________________________________________________________________________
316 ___________________________________________________________________________
317 3. _____________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
318
4. _____________________________________________________________________________
319 ___________________________________________________________________________
320
321
322

323 PAG-ALAM SA NATUTUHAN


Noon Ngayon

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
9

Pamahalaan

Relihiyon

324

325 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT


1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
326

327

328 PAGNINILAY
329
330
331
332
333
334
335
336
337
338
339
340
341
342
343
344
345
346
347
348
349
350
351

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo

You might also like