You are on page 1of 10

1

1
Aralin Filipino 9-Q4-W1
2
Kaligirang Pangkasaysayan
3
4 1 ng Noli Me Tangere
5
6
7
8
9
10 Sa araling ito tatalakayin ang kaligiran ng isa sa mga klasikong nobela ng ating
11 bansa, ang Noli Me Tangere na isinulat ni Dr. Jose P. Rizal. Iyong matutuklasan kung
12 bakit niya ito isinulat.
13 Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang sumusunod na
14 kasanayan:
15
16 1. Batay sa napakinggan, natitiyak ang kaligirang pangkasaysayan ng akda sa
17 pamamagitan ng:
18 - pagtukoy sa layunin ng may- akda sa pagsulat nito
19 - pag-iisa-isa sa mga kondisyon ng lipunan sa panahong isinulat ito
20 - pagpapatunay sa pag-iral pa ng mga kondisyong ito sa kasalukuyang panahon sa
21 lipunang Pilipino (F9PN-IVa-b-56)
22 2. Nailalarawan ang mga kondisyong panlipunan bago at matapos isinulat ang akda
23 (F9PB-IVa-b-56)
24 3. Natutukoy ang mga kontekstuwal na pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan (F9PT-IVa-
25 b-56)
26 Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang papel.
27
28
29
30
31
32
33
34 Piliin ang letra sa kahon na naglalaman ng angkop na impormasyon upang
35 makumpleto ang pagkakasunod-sunod na pangyayari sa kaligiran ng Noli Me
36 Tangere.
37

A. Pebrero 1888
B. Gobernador Heneral Emilo D. Maximo Viola
Terrero E. Leonor Rivera
C. The Wandering Jew (Ang F. GOMBURZA
Hudyong Lagalag)

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
2

38
39
40
41
4. Ang Gobernador na
42 Isa sa rason ni Rizal kung nagpatawag sa
1. Ito ang aklat na naging bakit siya umuwi ay
43 isa kaniya upang mag-usisa
N sa inspirasyon niya upang operahan kung totoong mapanghimagsik
44 upang isulat ang nobela. ang kaniyang Ina. ang aklat ni Rizal.
45
46
47
48
Sumailalim sa dalawang
49 Sinimulan niya ang nobela 3. Ang dalagang pangalawa pagsusuri ang kaniyang
50 mula Madrid hanggang sa dahilan ng pag-uwi nobela sa pangunguna ni
Paris at natapos sa ni Rizal kahit nangangamba Padre Salvador Font
51
Alemanya (1887). ang kaniyang pamilya.
52
53
54
55 5. Dahil sa banta sa kaniyang
2. Kaibigan ni Rizal na Pagkauwi ni Rizal ay buhay ito ang buwan at taon na
56 sumasailalim na sa
tumulong sa kaniya sa umalis siya sa Maynila at nangibang bansa
57 pag-imprenta ng pagsusuri muli habang sumuulat ng mga
ang kaniyang nobela. sagot ukol sa pagtugligsa sa kaniya.
58 2,000 sipi ng Noli.
59
60
61
62
63 z
64
Balik-tanaw
65
66 Umisip ng limang pang-uri at gamitin sa pangungusap na maglalarawan sa
67 kaugaliang Asyano ayon sa nakaraang mga panitikan tinalakay. Patunayan.
68
Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na
Mga katangian ng sagot : puntos:
✓ Mayroong pagpapatibay sa
kasagutan o opinyong inihayag 5 – taglay ang 3 pamantayan
✓ Mayroong wastong estruktura ang 3 – dalawang pamantayan lamang
pangungusap 1 – isang pamantayan lamang
✓ Maayos at malinis ang sulat-kamay
69
70
71
72
73
74 Sa araling ito, pag-aaralan mo ang tungkol sa kaligiran ng ating klasikong nobela na
75 gawa ng ating pambansang bayani. Bakit kaya ito nagpaalab ng mga damdamin ng mga
76 Pilipino noon?
77
78

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
3

79 Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


80 Ang Noli Me Tangere ang kauna-unahang nobelang isinulat ni Rizal.
81 Magdadalawampu't apat na taon pa lamang siya nang isulat niya ito. Ang nobelang ito
82 ay maituturing na walang kamatayan kung paanong walang kamatayan ang
83 kabayanihan ni Jose Rizal. Ayon kay Dr. Blumentritt, ang Noli Me Tangere ay isinulat
84 sa dugo ng puso. Ngunit ano nga ba ang tunay na layunin ni Rizal sa pagsulat niya ng
85 nobelang ito? Narito ang kaniyang sariling paliwanag:
86 "Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas
87 (na dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang "huwag
88 mo akong salingin" Ang aklat ay naglalaman ng mga bagay na hanggang sa
89 kasalukuyan ay walang sinumang makapangahas na bumanggit. Ang mga bagay
90 na iyon ay napakaselan kaya't walang makasaling man lamang. Pinangahasan
91 kong gawin ang di mapangahasang gawin ng sinoman, Sinagot ko ang mga
92 paninirang-loob ng daan-daang taon ay ikinulapol sa amin at sa aming bayan.
93 Inilarawan ko ang kalagayan ng lipunan at ang ayos ng pamumuhay roon, ang
94 aming mga paniniwala, mga pag-asa, mga hangarin, mga karaingan, mga
95 pagdadalamhati. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balat-kayong
96 relihiyon ay siyang nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ipinakilala ko ang
97 kaibahan ng tunay sa di-tunay na relihiyon sa relihiyong ang kinakalakal ay ang
98 Banal na Kasulatan upang mapagsalapi, upang kami'y papaniwalain sa mga
99 kaukulang sukat ikahiya ng Katolisismo kung kaniya lamang malalaman.
100 Inangat ko ang tabing upang ipakita kung ano yaong nasa likod ng mga madaya
101 at nakasisilaw na pangako ng aming pamahalaan. Sinabi ko sa aming mga
102 kababayan kung ano-ano ang aming mga kapintasan, ang aming mga bisyo, ang
103 aming pagwawalang bahala sa mga pagdaralita roon na nagpapakilala ng
104 karuwagan at tunay na masisisi sa atin. Saan man ako makakita ng kabaitan,
105 ito'y aking ipinagbabansag at pinag-uukulan ng karampatang paggalang. Ang
106 mga pangyayaring aking isinaysay ay pawang katotohanan at tunay na nangyari
107 ang mga iyon ay maaari kong patunayan. Maaaring ang aklat ko ay may mga
108 kapintasan kung sining at ganda ang pag uusapan; iyan ay hindi ko itatanggi:
109 datapwa't ang hindi matutulan ay ang kawalan ng pagkiling ng aking
110 pagsasalaysay.”
111
MGA LAYUNIN NI RIZAL SA PAGSULAT NG NOLI ME TANGERE

a. Ilantad ang kasamaan ng pamamalakad ng mga Espanyol sa


pamahalaan.
b. Ipakilala ang tunay na relihiyon sa di-tunay.
c. Ilarawan ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino.
MGA BAHAGI NG LIPUNAN NOON NA KANYANG TINUTULIGSA
(Dahilan ng pagkabansag sa ubod ng nobela na “Social Cancer”)
a. Pamahalaan o Sistema
b. Relihiyon
c. Kaugaliang baluktot ng mga Pilipino
112
113 Bakit kaya naisip at nawika ng ating pambansang bayani ang lahat ng ito?
114 Musmos pa lamang siya ay nasaksihan na niya ang kalunos-lunos na kondisyon ng
115 Pilipinas dahil sa pang-aalipin ng mga Espanyol. Sa sarili niyang bayan, sa Calamba,
116 unti-unting namulat ang kaniyang mata sa kaawa-awang kalagayan ng mga Pilipino.
117 Naligalig siya sa pang-araw-araw na kalupitan ng mga Espanyol. Nasaksihan niya kung
118 paanong ang matatandang lalaki ay hinahagupit ng mga guwardiya sibil kung hindi
119 wasto ang pagsaludo sa kanila, kung hindi nag-aalis ng sombrero kung sila'y
120 mapapadaan sa harapan nila ang pagmamalupit sa mga babae at maging sa mga bata.
121 Naging biktima rin ng kalupitan at kawalang katarungan ang pinakamamahal niyang
122 ina, si Donya Teodora. Ibinilanggo siya sa maling paratang na kasabwat ng kapatid na
123 si Jose Alberto sa tangkang paglason sa asawa nitong huli. Hindi pa napapawi ang
124 kalungkutan sa pamilyang Rizal dahil sa pagkabilanggo ni Donya Teodora ay nagkaroon

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
4

125 ng pag-aalsa sa Cavite na ibinintang kina Padre Burgos, Gomez, at Zamora, kasama
126 ang ibang lider na Pilipino. Ang tatlong paring martir ay binitay sa pamamagitan ng
127 garote sa Bagumbayan.
128 Ang mga pangyayaring ito'y nagpakilala kay Rizal na nangangailangan ng
129 malaking pagbabago ang kaniyang bayan-pagbabagong sa pamamagitan lamang ng
130 karunungan at ng edukasyon matatamo. Kaya nang mabasa niya ang aklat na The
131 Wandering Jew (Ang Hudyong Lagalag) ay nabuo sa kaniyang puso na sumulat ng
132 isang nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga Pilipino at magsisiwalat sa
133 kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol. Kaya bago matapos ang taong 1884 ay
134 sinimulan niya itong isulat sa Madrid at doo'y natapos niya ang kalahati ng nobela.
135 Ipinagpatuloy niya ang pagsulat nito sa Paris noong 1885 at natapos ang sangkapat.
136 Natapos naman niyang sulatin ang huling ikaapat na bahagi ng nobela sa Alemanya
137 noong Pebrero 21, 1887.
138
139 Mula nang simulan niyang isulat ang Noli Me Tangere ay nagsimula nang
140 magtipid si Rizal. May pagkakataong dalawang beses lamang siyang kumakain sa
141 maghapon sa maliit lamang na restawran. Ito ay ginawa niva sa paglalayong makaipon
142 ng salaping magugugol para sa pagpapalimbag ng nasabing nobela Natapos niya ang
143 Noli Me Tangere ngunit wala siyang sapat na halaga upang maipalimbag ito. Mabuti na
144 lamang at dumalaw sa kaniya si Maximo Viola na nagpahiram sa kaniya ng salapi na
145 naging daan upang makapagpalimbag ng 2,000 sipi nito sa Imprenta Lette sa Berlin,
146 Albanya noong Marso 29, 1887. Maraming humanga sa katalinuhang ipinamalas ni
147 Rizal sa pagsulat niya ng Noli Me Tangere ngunit marami rin ang nagalit sa kaniya lalo
148 na ang mga Espanyol. Gayon na lamang ang pangamba at takot ng kaniyang mga
149 kababayan, lalo na ng kaniyang buong pamilya, dahil sa ibinunga ng kaniyang Noli
150 nang ang mga sipi nito ay makarating sa Pilipinas. Nabalitaan nila ang balak na pag-
151 uwi ni Rizal sa Pilipinas dahil dito'y lalo silang nangamba na baka siya ay mapahamak
152 sa kamay ng mga taong nagagalit sa kaniya. Ngunit dahil sa kaniyang matitibay at
153 mahahalagang dahilan ay inibig niyang makabalik sa Pilipinas. Una, nais niyang
154 bumalik sa Pilipinas dahil sa hangarin niyang maoperahan ang kaniyang ina dahil sa
155 lumalalang panlalabo ng mata nito. Pangalawa ay upang mabatid niya ang dahilan
156 kung bakit hindi tinugon ni Leonor Rivera ang kaniyang mga sulat mula taong 1884
157 hanggang 1887: at panghuli, ibig niyang malaman kung ano ang naging bisa ng
158 kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.
159 Nang magbalik siya sa Pilipinas sa unang pagkakataon noong Agosto 6, 1887. si
160 Rizal ay agad na nagtuloy sa Calamba upang maoperahan ang kaniyang ina. Samantala
161 habang siya ay nasa Pilipinas, ang kanyang Noli Me Tangere ay isinailalim sa masusing
162 pagsusuri ng kaniyang mga kaaway.
163 Dahil sa paghihinalang ang nilalaman ng aklat ay subersibo, ipinatawag ni
164 Gobernador Heneral Emilio Terrero si Dr. Rizal upang mag-usisa. Nang tanungin ang
165 ating bayan hinggil sa nilalaman ng aklat, mariin nitong itinanggi na mapanghimagsik
166 ang nilalaman ng nobela. Upang patunayan, ipinangako niyang bibigyan niya ng kopya
167 ang Gobernandor Heneral para lubos nitong mabasa ang kanyang akda. Bunga nito,
168 ipinabasa ng pamahalaan ang aklat sa isang lupon ng tagasuri na pinangungunahan ni
169 Padre Gregorio Echeverria ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nang lumabas ang resulta
170 ng pagsusuri, sinabi ng lupon na tunay ngang mapaminsala ang nobela.
171 Hindi roon natapos ang pagbatikos ng mga Kastila sa ating bayani. Muling
172 ipinasuri ang nobela sa Permanenteng Komisyon ng Sensura na pinamumunuan ni Padre
173 Salvador Font, isang paring Agustino. Pinatibayan ng nasabing komisyon ang desisyon
174 ng naunang pagsusuri, na subersibo ang akda. (Ayon sa Noli Me Tangere ng brilliant
175 Creations)
176 Matapos magsuri ay nagpasyang dapat ipagbawal ang pag-aangkat,
177 pagpapalimbag, sa pagpapakalat ng mapanganib na aklat na iyon sa Pilipinas. Bilang
178 hakbang sa pag-iingat, si Rizal ay pinabantayan ni Gobernador-Heneral Terrero kay
179 Tenyente Jose Taviel de Andrade upang maligtas siya sa mga tangka ng kaniyang
180 mga kaaway, Hindi nagtagal ay pinayuhan siya ng nasabi ring gobernador na umalis na
181 muli ng Pilipinas alang-alang sa kaniyang pamilya at buong bayan.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
5

182 Umalis siya sa Maynila noong ika-3 ng Pebrero, 1888. Sa kaniyang pag-alis ay
183 nagpunta siya sa Hong Kong, Hapon San Francisco at New York sa Estados Unidos, at
184 London sa United Kingdom.
185
186 Habang siya ay nasa ibang bansa ay iniukol ni Rizal ang kaniyang panahon sa
187 pagsulat ng mga tugon sa mga tuligsa sa kaniya. Ang una'y tinugon niya ang mga
188 polyeto ni Fray Rodriguez laban sa kanyang Noli Me Tangere. Inilagay niya sa katawa-
189 tawang anyo ang naturang pari sa sinulat niyang La Vision de Fray Rodriguez. Ang
190 kaniya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna sa lupong
191 nagsiyasat at gumawa ng ulat upang ipagbawal na basahin ang Noli ng sinumang
192 Pilipino.
193
194 Tunay na maraming pinagdaanang unos at bagyo si Rizal sa pagsulat niya ng
195 nobelang ito ngunit isa lang ang tiyak, ang nobelang ito ay tunay na walang kamatayan-
196 patuloy na mananatili ang diwa at mensahe nito sa puso ng mga Pilipinong tunay na
197 nagmamahal sa Inang Bayan. Sa kasalukuyan, ang Noli Me Tangere ay naisalin na sa
198 iba't ibang wikang banyaga at patuloy na nagsisilbing inspirasyon sa mga taong
199 nakababasa nito.
200
201
202
203
204
205 Mga Gawain
206 mga
207 Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
208
209 Ibigay ang pinakaangkop na kahulugan ng nakaitalisado na salita sa bawat
210 pangungusap ayon sa konteksto nito.
211
212 1. Sa nobela ni Rizal, pinaksa niya ang Social Cancer bilang sakit ng lipunan sa
213 panahon ng mga Espanyol.
214 2. Pinaniniwalaan ng mga Prayle na suberbisibo ang kaniyang akda dahil taliwas
215 ito sa mag alituntunin at patakaran.
216 3. Naglupon ang samahan ng mga tagasuri ng Permanenteng Komisyon ng
217 Sensura upang matiyak kung ito ay taliwas sa mga alituntunin at paniniwala ng
218 pamahalaan.
219 4. Ang kaniya namang Por Telefono ay laban kay Fray Salvador Font na nanguna
220 sa mga Pare ng lupong nagsiyasat
221 5. Ang mga salitang Noli Me Tangere, na sinipi sa Ebanghelyo ni San Lucas (na
222 dapat ay Ebanghelyo ni San Juan 20:13-17), ay nangangahulugang "huwag mo
223 akong salingin"
224
225
226
227
228

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
6

229 Gawain 2 Mga Gabay na Tanong


230 1. Bakit isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere?
Mga Layunin ni Rizal
sa pagsulat ng Noli
Me Tangere

231
232
233 2. Ano ang isiniwalat niya ukol sa relihiyon, pamahalaan at ukol sa ugaling Pilipino
234 sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol?
235 3. Anong klase ng sistema ba mayroon ang mga Espanyol noon sa Pilipinas,
236 sa simbahan at sa pamahalaan? Magbigay ng patunay.
237 4. Sa ating panahon sa kasalukuyan, ano ang masasabi mo sa ugnayan ng
238 pamahalaan at simbahan?
239 5. Kung susulat ka ng sarili mong nobela, ano ang iyong papaksain? Bakit?
Rubrik sa Pagwawasto ng katanungan Bibigyan ka ng sumusunod na
sa bilang tatlo hanggang lima (3-5): puntos:
Mga katangian ng sagot :
✓ Mayroong pagpapatibay sa 5 – taglay ang 3 pamantayan
kasagutan o opinyong inihayag 3 – dalawang pamantayan lamang
✓ Mayroong wastong estruktura ang 1 – isang pamantayan lamang
pangungusap
✓ Maayos at malinis ang sulat-kamay
240
241
242
243
244
245 Ang tatlong bagay na isiniwalat ni Rizal sa kaniyang nobela upang magising ang mga
246 Pilipino sa kamalayan sa Panahon ng Espanyol
247 a. Ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamahalaan
248 b. Ang pamamalakad ng simbahan sa panahon ng Espanyol
249 c. Ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino
250
251 Si Dr. Maximo Viola ang tumulong sa ating bayani na makapaglimbag ng 2,000 sipi.
252 Tatlong dahilan ng pag-uwi ni Rizal sa Pilipinas pagkatapos maipalaganap ang
253 kanyang aklat:
254 1. Maoperahan ang kaniyang Ina sa mata na si Donya Teodora.

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
7

255 2. Malaman ang dahilan kung bakit hindi na muling nakatugon si Leonor Rivera sa
256 kaniyang liham.
257 3. Malaman ang bisa ng kaniyang nobela sa kaniyang bayan at mga kababayan.
258
259 Isang gawain pa ang inilaan ko para sa iyo upang mailapat mo ang iyong mga
260 natutuhan.
261
262
263
264
265 Magsaliksik ukol sa Panahon ng Espanyol sa larangan ng pamamalakad ng
266 pamahalaan at ng relihiyon. Ibigay ang pagkakaiba o pagkakatulad nito sa ibaba.
267
268
Bago Isulat ang Akda Matapos Isulat ang Akda
Pamahalaan

Relihiyon

269

270
271 Basahin ang bawat aytem at piliin ang letra ng tamang sagot.
272
273 1. Ang kaibigan ni Rizal na nagsabing ang Noli Me Tangere ay isinulat mula sa dugo
274 ng puso.
275 A. Maximo Viola C. Valentin Ventura
276 B. Padre Salvador Font D. Dr. Blumentrit
277 2. Ang una sa layunin ni Rizal sa pag-uwi sa Pilipinas kahit na nanganganib na ang
278 kaniyang buhay dahil sa pagsulat ng nobela.
279 A. Epekto ng Noli Me Tangere sa Pilipinas
280 B. Nais na niyang makapiling ang kaniyang pamilya
281 C. Pag-opera sa mata ng kaniyang Ina na si Donya Teodora
282 D. Pag-alam kung bakit hindi na muling sumulat si Leonor Rivera
283 3. Isa sa mga dahilan na naudyok kay Rizal sa pagsulat ng kaniyang nobela
284 A. Ang iniibig na si Leonor Rivera
285 B. Para sa kaniyang mga kababayan
286 C. Ang kanyang kaibigang si Maximo Viola
287 D. Ang tatlong pareng Martir na GomBurZa
288 4. Sumunod na paring namuno mula sa Permanenteng Komisyon ng Sensura na
289 nagpatunay na suberbesibo ang akda ni Rizal.
290 A. Gobernador Heneral Emilio Terrero
291 B. Gobernador Heneral Claveria
292 C. Padre Gregorio Echeverria
293 D. Padre Salvador Font

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
8

294 5. Itinambad ko ang mga pagpapaimbabaw na sa balat-kayong relihiyon ay siyang


295 nagpahirap at nagmalupit sa amin. Ano ang tinutukoy ni Rizal na ipinakita niya
296 sa kaniyang nobela ayon sa pangungusap?
297 A. Ang pamamalakad ng simbahan sa panahon ng Espanyol.
298 B. Ang pamamalakad ng mga Espanyol sa pamahalaan.
299 C. Ang pagkakamali ng kaniyang mga ninuno.
300 D. Ang mga buktot na ugali ng mga Pilipino.
301
302
303
304
305 Bumuo ng simbolismo na nagpapakita kung ano ang iyong naisip kapag
306 nababanggit ang pangalan ng ating bayani na si Dr. Jose P. Rizal at ipaliwanag
307 kung bakit mo ito iginuhit.
308 Pamantayan sa paggawa:
309 3- Pagiging malikhain
310 2- Organisasyon ng pagpapaliwanag
311 1- Kalinisan
312
313 Binabati kita dahil napagtagumpayan mo ang lahat ng gawain.
314 Ipagpatuloy mo pa sa mga susunod na aralin ang ipinakitang tiyaga sa pag-aaral
315
316
317
318
319
320
321
322
323
324
325
326
327
328
329
330
331
332
333
334
335
336
337
338

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
9

339 SAGUTANG PAPEL


340 FILIPINO 9
341 Ikaapat na Markahan- Unang Linggo

Pangalan: ____________________________________ Guro: ____________________


Baitang at Seksyon: __________________________ Iskor: ____________________

342 Paunang Pagsubok Balik-tanaw


1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
343
344
MGA
345 GAWAIN
346 Gawain 1 Pagpapalawak ng Talasalitaan
1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
347
348
349 Gawain 2 Mga Gabay na Tanong
350
351
352
353
354
355
356
357
358

359

360 PAG-ALAM SA NATUTUHAN


Noon Ngayon
Pamahalaan

Relihiyon

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo
10

361

362 PANGWAKAS NA PAGSUSULIT


1111 1
1111 2
1111 3
1111 4
1111 5
363

364

365 PAGNINILAY
366
367
368
369
370
371
372
373
374
375
376
377
378
379
380
381
382
383
384
385
386
387
388

Modyul sa Filipino 9
Ikaapat na Markahan: Unang Linggo

You might also like