You are on page 1of 10

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

I. Layunin:
Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral ay inaasahang makatatamo ng 75% na
kasanayan na;

1. Nauunawaan ang mga naging dahilan ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo,


2. Nailalarawan ang mga pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo; at
3. Natutukoy ang bandila at kabisera ng mga bansang kasama sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo

II. Nilalaman
Paksa: Mga Dahilan ng Rebolusyong Pranses
Sanggunian: Araling Panlipunan 8 Ikatlong Markahan: Modyul -6 Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo
Kagamitan Panturo: Laptop, Projector,

III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagtala ng Liban
4. Balik – Aral
Kahapon ay tinalakay natin ang mga dahilan sa
pagsiklab ng rebolusyong pranses partilular ang
kanilang Pamahalaan, Lipunan, Ang Pagsiklab ng
Rebolusyon at Napoleon Bonaparte.

Kung natatandaan ninyo ang ating aralin sa


Rebolusyong Pranses. Ano ang tawag sa paraan
ng pagpaparusa na pinupugutan ng ulo noong
panahon ng French Revolution
Guilottine
Sino ang nagmungkahi ng ganitong pagpaparusa?

Joseph Ignace Guillotine.


Bakit kaya ganito ang naisipi niyang paraan ng
pagpaparusa?
Brutal mang iisipin ang ganitong klase ng
pagpaprusa pero dahil sa mga ganitong paraan
mas natatakot ang mga mamamayan kung kaya’t
hindi na sila gumagawa ng paglabag sa batas.
Sino ang haring nabigyan ng ganitong parusa?
Si Haring Louis XVI at ang kanyang Reyna na si
Marie Antonette.

Ano naman ang tawag sa panahon kung saan


nangyari ang mga ganitong pangyayari, kung saan
ito ang panahon na maraming namatay?
Reign of Terror

Mahusay! Ano naman ang tawag sa prinsipyo o


teorya na ang kapangyarihan ng hari at reyna ay
nagmumula sakanilang mga diyos?
Divine Rights of Theory.
Magaling! Ano naman ang tawag kulungang
sinugod ng mga rebolusyonaryo at pinakawalan
ang mga preso?
Bastille.

Ang pagbagsak rin ng Bastille ay nagpapahiwatig


ng ano?
Ipinapahiwatig po nito na ang mga mamamayan
ng Pransya ay naghahangad ng kalayaan sa
pamahalaan, kung kaya’t ang pagbagsak ng
bastille noong Hunyo 14, 1789 ay ipinagdiriwang
sa kasalukuyan bilang France’s Independence Day
Mahusay! Para sa panghuling katanungan. Sino o Bastille day.
ang emperador na isinilang sa gitna ng
Rebolusyong Pranses?

Napoleon Bonaparte.
Magaling! Ako ay nagagalak at naunawaan at
natatandaan pa ninyo ang naging aralin natin
noong nakaraang lingo.

5. Pagganyak
Bago tayo dumako sa ating talakayan, may
gagawin muna tayong isang aktibidad.
Gawain 1: Loop – A – Word

Panuto: Subukin natin ang iyong talas ng paningin


at talasalitaan. Hanapin at isulat sa sagutang
papel ang mahahalagang salita.

Imperyalismo
Kolonyalismo
Politika
Ekonomiya
Asya
Africa
United state
Manifest Destiny
Protectorate
Mula sa mga salita na inyong nakita. Bumuo ng India
pangngusap upang malaman o matukoy ang
nating aralin ngayong araw.

Ang ating aralin ngayon ay patungkol sa


Imperyalismo at Kolonyalismo kung saan ang mga
nabanggit na kontinente tulad ng Asya at Africa
ay ang mga nasakop na kontinente at ito ay
sinakop ng Europa. At ang mga manifest destiny,
protectorate ay ang mga dahilan ng Kolonyalismo
at Imperyalismo.
Mahusay! Ang kanyang tinuran ay tama. Ang
ating pag-aaralan ngayon ay patungkol sa
Kolonyalismo at Imperyalismo.

B. Paglalahad ng Aralin
1. Paglalahad ng Layunin
Bago tayo tuluyang tumungo sa ating talakayan
maaari niyo bang basahin ang nating layunin.

Layunin:
Sa katapusan ng aralin, 100% ng mga mag-aaral
ay inaasahang makatatamo ng 75% na kasanayan
na;

1. Nauunawaan ang mga naging dahilan ng


Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo,
2. Nailalarawan ang mga pangyayari at epekto ng
Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo; at 3. Natutukoy ang bandila at
2. Pagtalakay ng Aralin
kabisera ng mga bansang kasama sa Ikalawang
Mula sa pagtuklas ng makabagong kaalaman, sa
Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
pangangatwiran o Enlightenment, patungo sa
makasaysayang rebolusyon hanggang sa paglaya
ng Amerika at France ay isang madilim na
panahon na naman ang pagpasok ng Ikalawang
Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo.

Ngunit bago iyon bigyan muna natin ng


kahulugan ang salitang Imperyalismo at
Kolonyalismo. Ano ang ibigsabihin ng
Kolonyalismo?
Ang Kolonyalismo ay ang pagpapalawak ng mga
imperyo sa pamamagitan ng pagsakop sa ibang
lugar upang mapalakas ang kanilang
kapangyarihan, pangingibabaw (dominance) at
impluwensiya ng bansa.
Tama! Ang kolonyalismo ay ang tuwirang
pananakop ng isang bansa sa iba pa upang
mapagsamantalahan ang yaman nito o makuha
ang iba pang pangangailangan mula sa isang
kolonya.

Sa madaling sabi kapag sinakop ng isang bansa


ang isa pang bansa ito ay tinatawag na
kolonyalismo.

Ano naman ang ibigsabihin ng Imperyalismo?


Pagpapalawak ng mga imperyo sa pamamagitan
ng pagsakop sa iba’t – ibang bansa.
Ang imperyalismo naman ay dominasyon ng isang
makapangyarihang nasyon sa aspetong
pangpolitika, pangkabuhayan, at kultural na
pamumuhay ng mahina at maliit na nasyon upang
maging pandaigdigang makapangyarihan.
Sa madaling salita, kapag ang makapangyarihang
bansa tulad ng Great Britain o United Kingdom ay
sumakop ng maliit o mahihinang bansa tulad ng
India, Malaysia, Indonesia ito ay tinatawag na
Imperyalismo.

Bakit nga ba nagkaroon ng Ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo at Imperyalismo? Naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo sa kadahilanang nais panghawakan
ng iisang bansang mayroong adhikain at hangarin
ang mga karapatang pantao na maaaring
mapagmalabisan at makontrol ang mga
indibidwal.

Sino pa ang may ideya? Ito ang panahon na kung saan ay maraming mga
produkto/ imbensyon ang nagawa. Dahil dito
tumindi tumindi ang pangangailangan ng mga
raw materials upang magkaroon ng mga
produkto. At upang masolusyunan ang problema
na ito, nagnais sila na sumakop ng iba’t –ibang
bansa upang makakuha ng raw materials.

Mahusay! Ang pagkakaroon ng Rebolusyong


Industriyal ay nakatulong para sa mabilisang
proseso nang produksyon ng mga produkto at
pag-unlad ng mga industriya sa bahagi ng Europa.
Ang rebolusyong ito ay may malaking papel sa
pagsisimula ng panibagong yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo. Alamin pa natin
ang iba pang mga dahilan.

Nais kong tandaan nyo ang salitang PIE (Politika,


Imperyalismo at Ekonomiko) para sa mga dahilan.

1. Politika
2. Imperyalismo
3. Ekonomiko

Ano kaya ang pangpolitikal na dahilan sa


Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo?

Nanakop ang mga Europeo sa ikalawang Yugto ng


Kolonyalismo dahil sa kaisipan nilang Social
Darwinism – nag ugat ito sa teorya ni Charles
Darwin, may akda ng On the Origin of Species by
Means of Natural Selection, na inangkop ng mga
Europeo para sa sarili nilang adhkain na ikatataas
ng kanilang lahi.

Isa itong uri ng racism kung saan ang mga


Europeo, ayon sakanilang paniniwala, ay
mayroong natatangi at may mataas na uri ng lahi
samantalang ang mga Aprikano, Asyano, at mga
katutubo ng Amerika ay mababang uri ng lahi.

Nararanasan ba natin ang ganitong mga


pangyayari?
Opo. Kahit sa kasalukyang panahon minsan ay
nakararanas pa rin tayo ng diskriminasyon o hindi
pantay na pagtingin o pagtrato dahil lamang sa
pinanggalingan lamang na lahi.

Ang mga Amerikano naman ay may paniniwalang


Manifest Destiny, ano ito? Isang paniniwala ang mga Amerikano na
nakatandhana ang kanilang lahi at may basbas ng
langit na palawakin at angkinin ang mga batas

Ang sunod naman na dahilan ay ang


Imperyalismo
Ang mga Europeo ay nankop ng mga maliliit o
mahihinang bansa upang mapalawak ang
kanilang nasasakupan

Para sakanila, ang mga kolonya o ang mga


nasakop nilang bansa ay simbolo ng kadakilaan.

Kung kaya’t ninais nila na manakop upang may


maipagmalaki ang kanilang bansa at madaig ang
kanilang mga karibal.

Mayroong iba’t – ibang uri ng Imperyalismo, kung


saan ang mga makapangyarihang bansa ay may
iba’t – ibang paraan ng pananakop. Ito ay ang KSP
O Kolonyalismo, Sphere of Influence at
Protectorate.
Ay ang tuwirang pagsakop at pamamahala ng
Ano nga muli ang ibisabihin ng Kolonyalismo? mga dayuhang mananakop sa isang bansa.

Tama! Kapag sinabi naming Sphere of Influence, Ito ang tawag kapag ang isang lugar o maliit na
ano ito? bahagi ng isang bansa ay kontrolado ng
makapangyarihang bansa ang politika at
pamahalaan nito.

Mahusay! Ang protectorate naman ay? Tumutukoy sa mga bansa na nasa ilalim ng mga
dayuhang pamahahala upang mabigyan ng
proteksyon laban sa paglusob ng ibang bansa.

Tama ang lahat ng inyong tinuran. Ang


panghuling dahilan naman ng Ikalawang Yugto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo ay Ekonomiko.
Ano naman kaya ang pang ekonomikong dahilan?

Isa sa pangunahing dahilan ay dahil sa


Rebolusyong Indutriyal. Naalala niyo pa ba ang Opo.
talakayan natin dito?

Magaling! Kung gayon, bakit kaya rebolusyong Diba po nagsimula ang Rebolusyong Industriyal sa
indutriyal ang isa sa mga naging dahilan? Britanya, ito rin ang panahon kung kalian
umusbong ang mga makinarya o paggawa ng
makinarya. Dahil sa indutrilasisyon ay napabilis
ang paggawa ng mga produkto hanggang sa
dumating sa punto na labis labis na ang mga
produktong nagawa nila.

Tama! At dahil sa sobra-sobra na ang


produksiyon nagkaroon ng tinatawag na Surplus,
sa ekonomiks ang surplus ay ang mga labis na
produksiyon ng mga materyales. Kung kaya’t ang
pagkakaroon ng surplus ang nag-udyok sa mga
Europeo na humanap ng mga pamilihan o mga
lugar na paglalagakan ng mga produkto.

Nalaman na natin ang mga dahilan, ngayon


naman ay higit nating lawakan at laliman ang
ating pang-unawa sa mga pangyayari sa panahon
ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo, ito ay nakatuon sa kontinente ng
Africa at Asya.

Unahin nating talakayin ang Imperyalismo sa


Africa.

Imperyalismo sa Africa
Alam mo ba na ang Africa ay tinatawag na Dark Dahil karamihan sa mg Europeong manlalakbay
Continent? ay pamilyar lamang sa ibang bahagi ng Africa
subalit hindi pa nila lubusang nagagalugad ang
buong Africa.

Tama! Atin naming kilalanin si David Livingstone,


siya ay isang manlalakbay na nagmula sa Scotland
na nakarating sa Africa. Ginalugad niya ang Africa
at sumulat ng kanyang obserbasyon at karanasan
dito. Dahil din sa kanyang explorasyon,
nagkaroon ng interes ang mga Europeo at
nagsimulang mag-agawan sa lupa at likas na
yaman na makukuha sa Africa.

Upang maiwasan ang digmaan ay isinagawa ang


Berlin Conference 1884, upang magkaroon ng
maayos na hatian ang mga bansang ito.

Ang mga bansang nagkaroon ng lupain sa Africa


ay ang ; Belguim, France, Germany, Italy,
Portugal, Spain at United Kingdom.

Ang susunod naman nating tatalakayin ay ang


mga kaganap sa Asya. Pagdating nang ika-19 na
siglo ay ang panahon ng paghahati-hati ng mga
Europeo sa teritoryo ng Asya.
Isa – isahin natin ang mga bansa mula sa asya na
nasakop ng mga Europeo.

Alam naman natin na ang Pilipinas ay nasakop ng


Spain at Amerika noon. Nasakop naman ng Great
Britain ang Malaysia, Singapore at Burna.
Samantala, ang mga nasakop ng France ay ang
Vietnam, Laos at Cambodia. At bukod dito ang
bansang Indonesia. Sa gawing timog-asya, ang
bansang India ay pinag agawan ng France, Spain
at United Kingdom.

Sa mga bansa sa Asya ang bansang Thailand ang


tanging bansa na hindi nasakop. Subalit,
kinailangan ibigay ang ilang teritoryo nito upang
hindi tuluyang sakupin ang British at French.
Gayundin ang Korea, dahil sa pagiging Hermit
kingdom nito, ito ang naging proteksiyon nito
dahil hindi pinyagan ang mga dayuhan na
makipagkalakalan.

Imperyalismo sa China

Sa imperyalismo sa China, kung saan nagkaroon


ng digmaang Opyo. Ngunit ano nga ba ang opyo?
Walang nakakalam sa estudyante kung ano ang
Sino ang may ideya? Opyo.

Ang Opyo ay isang uri ng ipinagbabawal na gamot


na nakukuha mula sa halamang Papaver
Somniferum. Ngunit bakit nga ba ito tinawag na
Digmaang Opyo? Tinawag itong tdigmaang Opyo dahil sa hindi
pagtanggap at pagsunog ng mga china ang mga
produktong opyo na galing sa ibang bansa
partikular sa bansa sa Europa

Tama! Dahil dito nagalit ang bansang England at


hinamon ng digmaan ang China. Naganap ang
unang digmaang opyo sa pagitan ng china at
Great Britain noong 1839 hanggang 1842 kung
saa natalo ang China ang pinirmahan ang Treaty
of Nanking (1842) sa kasunduan na ito
nakapaloob ang pagbubukas ng china ng limang
daungan para sa kalakalan, pagkakaloob ng
Hongkong sa Great Britain at pagbabayad ng
china sa halagang 21, 000 na dolyar sa great
Britain dahil sa pinsalang dulot nito.

Naganap ang pangalawang digmaan opyo sa


pagitan ng China at Britanya, France noong 1856
– 1860 kung saan natalo muli ang China at
lumagda sa Treaty of Tientsin 1860 – nakasaan sa
kasunduan ang pagiging legal ng kalakalan ng
Opyo, proteksiyon sa mga misyonero ng
katolisismo, pagbubuwis at pagbubukas ng
sampung daungan para sa dayuhang kalakalan.
Sa Imperyalismo sa China, hindi rin nagpahuli ang
Japan. Nagkaroon ng Digmaang Shirojapanase
1894- 1895 kung saan natalong muli ang China at
lumagda sa Treaty of Shimonoseki 1895 – ilan sa
mahalagang probisyon sa kasunduang ito ay ang
pag-angkin ng Japan sa ilang bahagi ng China
Formosa o Taiwan, Port Arthur, at Liaotung
Peninsula. Nagbukas din ito ng mga daungan para
kalakalan ng mga Hapones.

Walang nagawa ang China sa Imperyalismong


Lupain at japan nagkaroon sila ng ekslusibong
karapatan sa teritoryong nakuha nila. Dahil
naiwan sa hatian ang United States iginiit ng
pamunuan na magkaroong Open Door Policy –
winakasan nito ang sphere of influence sa china
at nagkaroon ng pantay ng karapatan na
patakaran pangkalakalan dito.

Sa Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Imperyalismo, mapapansin di lamang ang mga
bansa sa Eurpoa ang nanakop kundi ang Japan at
United States ay nakipagsabayan din. Ang Japan
ay lumakas sa pamamagitan ng modernisasyon
samantala ang United States mula noong lumaya
sila Rebolusyon ay nagpatawag ng teritoryo t
kalakalan dahil sakanilang paniniwalang Manifest
Destiny. Nasakop ng United States ang mga
bansang Guam, Pilipinas, Puerto Rico. At ito ang
naganap sa ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at
Imperyalimo.

Ang mga pangyayaring ito ang nagdala o nagdulot


ng malawakang epekto nito sa mga bansang
nasakop. Ang Kolonyalismo at Imperyalismo ay
mayroong mabuti at hindi mabuting epekto.

Ano – ano kaya ang mabuting epekto ng Ang


Kolonyalismo at Imperyalismo
• Pagkakaroon ng Sistema ng edukasyon
• Pagtatayo ng mga imprastraktura
• Panibagong Sistema ng pagtatanim
• Modernisasyon Dahil sa paggagalugad at pagsakop ng mga
malalaking bansa ang maliliit na bansa ay
nagkaroon din ito ng mabuting epekto sa pang
araw-araw na buhay ng mga bansang nasakop.
Katulad ng nabanggit ay ang pagkakaroon ng
sistema ng edukasyon, dahil sa kanilang
pananakop nagkaroon ng edukasyon, namulat at
natuto sa mga bagay – bagay.

Hindi Mabuting Epekto


• Pang-aabuso at Pang-aalipin
• Pagkamkam ng mga likas na yaman
• Pagkakahati ng mga teritoryo
• Pagbabago ng Kultura

3. Paglalahat
Ngayon ay natuklasan mo na ang mga dahilan
ng mga Europeo sa Ikalawang Yugto ng
pananakop at ang naging epekto nito sa
buhay ng mga Asyano at pati na rin sa ibang
bahagi ng Africa.

Gaano kahalaga ang magkaroon ng sariling Mahalaga ang kalayaan upang magkaroon tayo
bansa, at pagkakakilanlan? ng sariling pagkakakilanlan. Kung tayo ay malaya,
hindi na tayo magiging alipin ng iba at malaya
nating magagawa ang mga bagay na gusto natin.

Halimbawa tayong mga Pilipino, tayo ay naging


malaya mula sa pananakop ng ibang bansa.
Nagkaroon tayo ng malayang pamahalaan,
maraming Pilipino ang gumamit ng kanilang
panulat, gaya nila Jose Rizal. May mga gumamit
din ng dahas gaya nina Andres Bonifacio
Mahusay!

4. Paglalapat
Gawain 2:
Panuto: Punan ang kahon ng mga hinihinging
impormasyon.

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at


Impeyalismo

Mga
Dahilan
Pangyayari

Epekto

Mabuting Hindi
Epekto Mabuting
Epekto
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang letra ng tamang sagot

1. Anong kontinente ang tinaguriang “Dark Continent”?


A. Africa B. Antarctica C. Asya D. Australia

2. Ito ay paniniwala ng United States na sila ay nakatadhana at may basbas ng langit upang magpalawak
at angkinin ang mga bansang mahihina, ano ito?
A. White Man’s Burden C. Social Darwinism
B. Manifest Destiny D. Sphere of Influence

3. Anong paniniwala ang nagsasaad na ang lahing kayumanggi, itim at dilaw ay obligasyong tulungan ng
lahing puti upang umunlad?

A. White Man’s Burden C. Social Darwinism


B. Manifest Destiny D. Sphere of Influence

4. Ang imperyalismo ay may iba’t ibang paraang ginamit sa pananakop, alin ang hindi kabilang?
A. Kolonyalismo C.Protectorate
B. Manifest Destiny D.Sphere of Influence

5. Sino ang misyonero at manlalakbay na mula sa Scotland ang naglathala tungkol sa yaman ng Africa, na
naging dahilan ng pagtuklas at paggalugad sa Aprika?

A. Henry Stanley C. Matthew Perry


B. B.John Speke D. David Livingstone

V. Takdang Aralin
Ano – anong kaisipan ang nagtulak upang umusbong ang nasyonalismo sa Europa at iba’t ibang bahagi
ng daigdig?

Inihanda ni:
Vanessa Ann E. Sabado

Sinuri ni:
Merjorie Y. Valenzuela

You might also like